LES III

14 0 0
                                    

"Soph.. ano ba yang ginagawa mo sa'kin?"


"Pinapaganda ka, obviously. Syempre gusto kong maimpress si mystery guy sa'yo no."

Mas excited pa si Sophie sa'kin habang nilalagyan nya ko ng makeup. Ngayong araw kasi kami magkikita nung Jon na yun. Syempre alam lagi ng dalawang kaibigan ko yung mga nangyayari sa'kin kaya...

"Tigilan mo na yan Soph..." sabat naman ni Jaime na nakatayo lang sa may pintuan at nakatingin sa'min. Mukhang iritable sya sa ginagawa sa'ken ni Sophie ngayon.

"Hindi naman kasi kailangan ni Leslie nyan eh. Maganda sya kahit walang makeup, okay?!"

"Huuuuu wag ka na ngang kumontra dyan! Inggit ka lang kase si mystery guy inaya 'tong best friend naten ng date tapos ikaw sa tagal na nating magkakaibigan eh wala ka pa ring guts para gawin yun!" Sabay tawa nya.

"Baliw ka talaga." Umiiling sya habang sinasabi nya yun tapos napatingin sya sa'kin.

"Les sigurado ka naman bang gusto mong makipagkita sa lalake na yun?? I mean di mo naman sya masyadong kilala di ba?"

"Hmmp! Makikipagkita lang ako kase nasa kanya yung damit ko. Mahal kaya yun! May suka lang! Gagawin ko na 'to ng matapos na yung kabaliwan nya sa damit ko at sa damit nya! Bakla talaga siguro yun!" tinuro ko yung damit daw ng cousin nya.

"Basta tawagan mo lang kami ni Soph pag nagkaproblema ah. Kami bahala sa'yo pag binastos ka nyan."

"WOW! Antapang ni Jai!" pang-aasar lalo ni Sophie. "FYI Jai, di tayo kailangan ni Leslie. Wag kang mag-alala prendship mukhang mabait naman sya sa pagkakakwento mo eh."

Natawa na lang ako, kasi sa kwento lang sya mabait. Sa likod ng mga mata nyang nangungusap ay isang stalker at napaka-preskong lalake. Kung alam lang ni Jaime at ni Sophie na 'to kung ano talaga yung mga nangyari sa condo na yun...

(RING! RING! - Jon Snow!: calling...)

"Sya na ba yan?? AHHHH!!" Natutuwang tanong ni Sophie.

"Akin na nga Les, pakausap. Babantaan ko lang." dagdag naman ni Jai.

"Baliw. Hindi na. Ako nang bahala. Sisindakin ko lang." Sabi ko sa kanila bago ko pa sagutin yung tawag ng kumag na 'to.

"Anong problema mo?"

"Nasaan ka na?" Sagot naman nya sa kabilang linya.

"Pakelam mo?"

Natawa sya. "Nagtatanong lang naman, baka kasi ma-late ka pa kaysa sa'kin."

"Excuse me, hindi ako male-late! Baka ikaw! Hindi mo pa makuha 'tong mga girly clothes mo!" Sabay balik ko ng tawa sa kanya.

"Gusto mo sunduin na kita?! Ano address mo? Baka maligaw ka pa eh..."

"Please stop, okay?! Pinaiiral mo na naman yang pagka-stalker mo."

"Hindi ren. Concerned lang ako sa bata. (hihihi) Anyway... see you there. Wag kang malelate!"

Nakakapikon na talaga 'to!

"Hmmp! Basta maghintay ka sa mall! Kung magpalate ako wala ka nang pakelam dun! Ginawa ko lang 'to para matapos na 'tong kabwisitan mo."

"Weh! I know you've been wanting to see me since yesterday." Sabi nya habang tawa pa rin sya ng tawa.

Kitang-kita na naman ng dalawa kong kaibigan na nanggigigil na naman talaga ko!

"Gusto mo ng sapak?! Bibigay ko sa'yo yun mamaya! Hintayin mo ha!!"

"Ahhh I can't wait. Sige lang Miss Leslie. Bye! See ya later!" He said it cheerfully, like parang walang nangyari.

Allergic Love ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon