chapter 7

12 2 0
                                    

KURT' S POV.

Nandito na kami sa school ngayon. Sakatunayan 6:45 pa lang. 7:30 pa naman ang start ng classes.

Patrick: Sabi sayo Kurt maaga pa, edi sana tulog pa ako ngayon. Inis nyang sabi at naupo na sa bench at ayun natulog uli.

Emman: Narinig ko pa yan na may kausap pa kagabi siguro mga 2am na yun.

Jell: Sabi mo gabi

Emman: oo nga, gabi.

Trix: 2am umaga na po yun Mr. Valmores.

Emman: SOrry naman po Ms. Safely.

Trix: Sinabi ng wag mo kong tatawagin sa ganyan eh.

Kurt: Bakit kinakahiya mo apelyido mo? Safely hahaha!!!! Tsaka pa kami nagtawanan ni emman. Si Jell naman ayun ka txt yata yung Kent. Iba na to.

Emman: Sino katxt nyan? Sabay turo kay Jell. Na ngumingiti ng mag- isa. Nagkibit balikat na lang ako.

Maya maya patingin- tingin na sa paligid si Jell.

Kurt: Oh sinong hinahanap mo?

Jell: Sila Kent sabi ko kasi dito na sila dumiretso.

Kent: Jell!. Dumating na nga. Ayun tumabi si Kent kay Jell at si tumabi naman kay Emman si Edward.

Emman: May hinahanap ka? Tanong nya sakin.

Kurt: Wala naman.

Emman: Wala daw eh kanina ka pa palinga linga nung dumating sila Kent eh.

Kurt: Tinitignan ko lang kung gaano karaming new student.

Emman: Baka naman iba ang hinahanap mo. Pinagsasasabi nito? Wala naman akong hinahanap. Pero nagtataka lang ako bakit hindi kasama nila Kent yung kapatid nya.

Emman: Oh sige ako nalang magtatanong. Nahiya ka pa bro. Sabi nya sa akin. Ano namang ikakahiya ko? Kakausapin yata sana nya si Kent pero nakita nya na busy sila ni Jell. Kaya binaling na lang nya kay Edward yung sasabihin nya.

Emman: Ui edward bakit di nyo kasama yung kapatid nun? Turo kay edward. Napatingin din naman ako kay Edward hinhintay ko yung sagot.

Edward: kanina kasama namin pero pinauna na kami eh.

Kurt: Bakit naman?

Emman: Ayan wala daw hinahanap, bakit mo tinatanong?

Kurt: Masama ba?

Emman: Deny pa kasi. Sabay sya tumawa. Sasagot pa sana ako ng bigla ng tumunog yung alarm. Ibig sabihin kailangan ng pumasok sa mga room.

Habang naglalakad kami bigla akong inakbayan ni Emman. Problema nito? Nababakla naba sya sa kagwapuhang taglay ko? Ang gwapo ko talaga.

Kurt: Bakit bro? Dimo na ba mapigilan? Nababakla kana dahil sa kagwapuhan ko?..............Aray!!! Bigla daw ba naman akong binatukan. Tumawa naman si Patrick.

Emman: Gusto ko lang naman kasing sabihing mahahanap mo rin yun.

Patrick: Hoy sino yung mahahanap? Bakit wala akong alam dyan?

Kurt: Tulog ka kasi ng tulog. Tapos sabay namin syang binatukan. Natawa naman kaming tatlo. Natigil lang kami sa kakatawa ng sigawan kami ni Trixie.

Trixie: Hoy kayong tatlo dyan bilisan nyong maglakad.

Emman: Yes Ms. Safely. Sinigaw pa nya yun kaya halatang nainis naman si Trix. Nakagawian na ni emman ang asarin yun ah. Kung di ko nga lang sila kaibigan baka naisip ko na mag shota yung dalawa.

Forgive MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon