Chapter 5

20 1 0
                                    

KRISTA'S POV.


Nagising ako ng maaga ngayon. Pagtingin ko sa labas wala pa palang araw. Hindi na ako makatulog kaya naisipan ko ng mag jogging muna. Matagal ko na rin itong hindi nagagawa.


Hindi naman nakakatakot tumakbo dito sa subdivision na ito dahil marami namang mga ilaw na nakasindi at may mga naglalakad lakad din na mga security guard.

Nang mapadaan ako sa park parang napansin ko na may tao doon sa swing. Nilapitan ko nga at tama nga ang hinala ko si Kuya yon kasama nya si Eyn Jell. Nagtago ako dito sa punong malaki, sakto lang na hindi nila ako makikita at maririnig ko mga pinag- uusapan nila.

Kent: Jell sya nga pala may boyfriend ka?

Jell: Boyfriend? Wala.

Kent: sa ganda mo na yan wala kang boyfriend? Imposible.

Jell: Wala nga kasi naman sila kurt.

Kent: Oh anong problema kay Kurt?

Jell: Bukod kasi sa barkada ko sya, pinsan ko rin sya. May mga nanliligaw pero natatakot silang kausapin sila Kurt.

Kent: hindi ko naiintindihan.

Jell: Ganito kasi yan, lahat ng manliligaw sa amin ni trixie bago namin sagutin kailangan makausap muna nila. Kaya lang natatakot sila especially kay kurt

Kent: Yung kurt na tahimik na yon? Natatakot yung mga manlikigaw nyo? How come?

Jell: Kahit naman ganon si Kurt marami pa rin kayong hindi alam sa kanya. Napaka possesive at maalalahanin kaya nun.

Possesive? Tapos maalalahanin? May tinatago rin palang kabaitan yung mokong na yun eh. Akala ko ganon lang talaga ka tahimik yun.

Umuwi na rin ako sa bahay napagod rin ako eh. Tapos na rin kaming kumain ni kuya ng breakfast. Kasalukuyan akong nanonood ng hello kitty. Hoy wag kayo, alam kong kayo rin naman mahilig sa cartoon eh. Ng biglang pumasok si kuya sa kwarto ko.

Krista: Oh kuya anong problema?

Kent: Magbihis ka bilis, niyayaya tayo nila Jell sa bahay nila, kasama si edward at si nicole.

Krista: Anong meron sa kanila?

Kent: Wala lang, punta lang daw tayo dun, last day na kasi, pasukan na naman daw bukas.

Krista: Ah ok. Sige na lumayas kana dito. Hintayin mo nalang ako sa baba.  Pagtataboy ko kay kuya.

Kent: ang sweet mo talagang kapatid. Thank you huh.

Krista: Youre always welcome my big brother.

Naligo na rin ako at nagbihis na. Nag pambahay lang ako. Short with blouse lang na may hello kitty pa rin. At pagbaba ko naabutan ko na nandon na rin pati sila nicole.

Nicole: Wow, grabe ngayon lang ako makakapunta sa bahay ng mga yun, buti nalang dumating kayo magiging kaibigan na rin namin sila. Sabi nya habang sabay kami na naglalakad at yung dalawa naman nasa likod lang namin.

Sinabi pala ni kuya na dito rin daw sa subdivision na ito nakatira yung mga yun. At sa iisang bahay lang daw. Malapit lang naman daw kaya nilakad nalang namin.

Krista: Kuya saan na? Malayo pa ba?

Kent: Yung blue na gate. Doorbell kana.

Forgive MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon