Chapter 1: Osu! First set!

1K 27 12
                                    


 Dito nagsimula ang lahat bago pa ako mapadpad sa ibang mundo.

--------

Monday

   Nakaupo lang ako sa kinauupuan ko habang nakapatong yung baba ko sa kamay ko at nakikinig sa announcement ng guro. Hinihintay ko lang naman mag ring yung bell para makauwi na ako. Nakakatamad mang makinig pero no choice, kailangan eh. Pagkatapos nito manunuod na ako sa bahay ng anime. 

Micah: ...

Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog na din ng malakas yung bell ng school. Sawakas, uwian na't pwede nang umuwi sa bahay ng maaga.

Teacher: Class dimissed

Students be like:
"YES !" 

"hay tapos na rin!"

"Makakauwi na rin !"

"Tara kain doon sa food street!"

"Uy sama akooo! Gusto ko ng kwek kwek!"

"Libre naman diyan oh!"

"Arat Food trip!"

"Jamming tayo guyzxcs!"

Micah: Makakapanuod na lang ulit ng anime sa bahay.

tamang bulong ko sa sarili ko, inayawan ko din yung offer nila na sumama sa kainan. Medyo wala ako sa mood para kumain at mag jamming. Sadyang uwing uwi na ako para manuod ng anime. Noong papalabas na ako ng classroom ay bigla akong tinawag ng kaklase ko.

Classmate: Micah!

Ah... May kutob na ako kung bakit ako tinatawag pero nagpanggap na lang na hindi ko alam kung ano man yun.

Micah: Ano yun?

Classmate: Sali ka ulit sa Volleyball team! :( 

Ningitian ko na lang siya sabay biglang seryoso at binigyan ko ito ng malamig na pagtingin. Sa malalim kong boses ay sinagot ko yung kahilingan niya.

Micah: Sorry, ayoko.

 Umalis na ako agad habang hinayaan lang siyang nakatayo doon. Umayaw ako dahil may rason ako. kahit naman na sumali pa ako sa team, hindi pa din ako makakapasok sa korte. Naglalaro ako ng volleyball dati pero sa ngayon ayoko na, ayoko nang maglaro ng volleyball.

"Ginawa ko naman kasi ang lahat para sa volleyball pero mapupunta lang pala iyon sa wala"
"I did everything with all my might for volleyball but it is still effortless"  

Habang nag lalakad ako papalabas ng eskuwelahan, nakita ko yung ibang volleyball players na nag papraktis pero binalewala ko na lang sila. Nakita ko din yung ibang kakilala ko doon, may isa din akong nakita na sinusubukan niya ang makakakaya niya sa volleyball sapagkat di pa din siya makalaro sa game. Haa.. nag sasayang ka lang ng oras't enerhiya. Mapupunta lang iyang ginagawa mo sa wala.

     Noong nasa labas na ako ng gate ay patuloy ako sa pag lalakad papaalis ng school ay nakaramdam ako ng panghihilo. Nanlalabo ang paningin ko't parang inaantok kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata para pag pahingahin.

Mga ilang segundo ang nakalipas nang pagpapahinga, dahan dahang kong iminulat ang mga mata ko...

Micah: Huh..

  Dalawang beses akong kumurap para ayusin yung paningin ko. Medyo malabo labo pa yung nakikita hanggang sa lumilinaw na'y napa "Huh?" ulit ako.

Micah: Ha-huh?...

I'm inside The Anime World Called "Haikyuu!!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon