Chapter 6

48 3 1
                                    

Samantha's PoV
Nagligpit nalang ako ng kinainan namin tas naligo pati nagbigis. Bakit ba ako ganun kaapektado? Alam ko nanaman sa simula na di ako magugustuhan ni Ryle. Ang swerte nung babae . Napansin kong pumasok na si Ella sa room. "Sam? Ok ka lang? " tanong niya. Ngumiti nalang akotas bigla siyang lumapit " Dahil ba dun sa kinwento ni Ryle sayo? " tumango nalang ako. "Hindi pa naman daw siya sure sa feelings. Malay mo naman ikaw yun? Hahaha cheer up! Akala ko ba overnight natin tong dalawa eh bakit love life naman napunta ? O dali, dating gawi. " Nag movie marathon kami, nag nail polish, make over pati gumawa ng video tutorial tas natulog na.

Kinaumagahan ,biglang nag ring phone ko
Ryle calling...
Ako: bakit?
Ryle: good morning
Ako : good morning din. Napatawag ka?
Ryle: wala lang mag gogood morning lang hehehe bye! Ingat ka
Tas binaba nya na. Ano nanaman trip nun.

Kakadating ko lang mula sa bahay nina Ella. Mag isa ako ngayon magsisimba kasi may out of town seminar sina mommy at daddy. Binaba ko na yung mga gamit ko sa kwarto ko then nag prepare na umalis since nakaligo nanaman at nag breakfast ako kina Ella.

After ko magsimba, nag gala muna ako sa mall then biglang may tumawag sa phone ko
Nathan calling...
Ako:hello ? Bakit?
Nathan: Sammy! May dance competition kasi kami mamaya, gusto niyo manood ni Ella? Mga 8:30 pm yung start? Sa may trinoma
Ako: sige sabihan ko nalang siya. Good luck!! See ya
-end of phone convo
Si Nathan yung isa sa guy best friend namin ni Ella. Mga 13 years old palang ako nun nung nameet ko siya. Ngayon na nga lang ulit kami nag usap eh. Tinext ko si Ella tungkol dun sa competition ni Nathan . Pupunta daw siya so bale sabay na lang kami pupunta.

Andito na kami sa venue nung competition ni Nathan. Maraming nag chcheer sakanya. Sikat kasi pati gwapo hahaha.
Tapos na siya mag perform, pumunta agad siya sa table namin kasama nung iba niyang relatives na nanood . Bigla ako inatake ng yakap ni Nathan.
"Grabe miss na miss lang ako?" Sabi ko sakanya
"Oo naman, one year na kaya nung huli tayo nagkita! " Nathan
Pag tingin ko kay Ella hawak niya yung phone niya tas nakatutok samin "Oh guys picture! " sabi ng mom ni Nathan pati ni Ella . Una kami lang ni Nathan tas sumama na si Ella.
After ng picture taking pati usapan, uuwi na sana kami kaso sabi ng mom ni Nathan mag dinner na daw kami kasama sila.
Nandito kami ngayon sa may Gloria Maris. Si Nathan nakikipag kulitan samin ni Ella kasi daw miss niya na kami. O diba parang bakla lang hahahah pero di siya bakla ah!
"Uyyy Ella! Balita ko kayo na ni Ronnie? Yung dating kinukwento mo samin tas dinadramahan mo pa kami na sabi mo hindi ka mapapansin? Hahahah Eh ikaw Sam ano na balita sayo? Balita ko yung kaibigan daw nung Ronnie yung nanliligaw sayo eh. Ryle ba yun?" Nathan
" Nako hahahah" sabi naman ni Ella
" wala naman. Nagiging busy na ng konti sa restaurant namin pero kaya naman. Huy hindi ah! Magkaibigan lang kami nun." Sabi ko naman na biglang namula pisngi ko
"Ganun ba? Edi may cha-"
"Nathan.... "
"Joke lang syempre. " sabi naman ni Nathan na nagkamot nalang ng batok.

Ella's PoV
Mukang nagkakaroon ng muling ibalik scene dito ah! Hahaha dati kasing nanligaw si Nathan kay Sammy, eh hindi niya sinagot kasi hanggang kaibigan lang daw talaga tingin niya kay Nathan. Habang pinagmamasdan ko yung dalawa mag usap biglang may tumunog sa phone ko... Si Ryle? Nag message? Agad ko na binuksan yung message niya
Text:
Ryle: Ate Ella... Sino yung kaakbay ni Samantha? May boyfriend na siya? Ano name?
Ella: Akala ko ba di ka pa sigurado sa feelings mo eh bakit kung maka tanong ka wagas? Hahaha
Ryle: Ate Ella naman ehh... Sino po ba yung lalake?
Ella: Ex niya...
Ryle : SERYOSO?!
Ella: Ex niyang manliligaw. Wag ka mag alala di naman niya sinagot.
Ryle: Sige thank you
Ella: Di pa daw sure sa feelings sa lagay na yan ah? Sus
-end of comvo
Nakauwi na kami ni Sam . For sure deretso tulog na yun. Naligo na ako tas nagbihis at agad naman nakatulog

Samantha's PoV
-After 5 days
Mali ba na maapektuhan ng ganito ? Ang swerte ng girl na gusto ni Ryle. Nag ttext parin si Ryle sakin after nung gabi na yun, pero hindi ko na siya masyado ni rereplyan. Ayoko lang maattach ng sobra sakanya kasi mahirap mahulog ng wala namang sasalo sayo . Bukas na yung surprise ni Ronnie kay Ella. Pupunta kami ng Palawan. Actually may mall show sila dun pati photoshoot. Nag request lang sina Ronnie at Ryle na mauna namuna dun ... Buti nalang at pumayag.

Bandang 6:30 na ngayon naayos ko na lahat ng gamit na dadalhin ko bukas.
*Ding dong
Sino naman kaya yun??
Pagbukas ko ng pinto andito nandun sin Ronnie at Ryle? "Bakit?? Napadaan kayo? Pasok muna " pag bukas ko ng gate. " may hinanda kasi ako na dinner reservation kay Ella bukas sa Palawan... Tapos ano, magpapaptulong sana ako sainyo ni Ryle na tapusin tong paro paro na parang paper para bukas ddesign-an nalang natin yung venue? Turuan ko lang kayo" sabi ni Ronnie na pursigido naman yung muka hahaha . Mahigit 1 oras din kami tinuruan ni Ronnie pati kung paano yung magiging itsura ng dinner nila. Matrabaho to haaayy. After kami turuan ni Ronnie, nagpaalam na siya na uuwi na daw kasi may igagayak pa siya. Kami nalang ni Ryle yung naiwan sa bahay. Inisip ko nalang na dapat maging masaya nalang ako kung sino nagugudtuhan niyang girl. Ganun naman ang fan at ang kaibigan diba? "Ilan pa ba gagawin natin?" Pagtatanong ni Ryle na para bang pagod na
" 50 pa... Tig 25 nalang tayo" sabi ko naman. Habang gumagawa kami ng paro paro na papel, nagkwento siya tungkol dun sa girl na nagugustuhan niya. Totoo na daw yung feelings niya eh. Nakisakay nalang ako tas nakipag biruan sakanya hanggang sa napaidlip na ako.
"Samantha...gising na. Tinapos na ko rin yung sayo na part, yung ibang hashtags din pala tumulongnsa pag gawa habang nasa rehearsals sila pag breaktime daw. Bangon na, tulog ka na sa kwarto mo." Teka boses ni Ryle yun ah. Minulat ko ng konti yung mata ko tas nakangiti lang siyang nakatingin sakin.
" Ate, saan po kwarto ni Samantha? Buhatin ko nalang siya papunta dun para makatulog siya ng maayos" tanong ni Ryle sa isa sa helper namin sa bahay.
" Sa pang 4 na pinto , yung may blue na pintuan sa kaliwa"
Naramdam kong may bumuhat sakin pero bakit parang pa piggy back ride ang buhat? Pag mulat ko, nakasampa ako sa may likod ni Ryle " Seryoso ka Ryle? Piggy back ride talaga? Hahaha" antok kong sabi sakanya " Eh baka kasi mailang ka na pabridal style yung pagbuhat ko sayo pati nakashort ka panaman, baka mailang ka na nakaexpose legs mo . Kaya pa piggy back ride nalang." Pag eexplain niya
"Ano ako laseng? Hahaha may tiwala naman ako sayo eh" sabi ko na parang papikit nalang ulit. Binaba ulit ako ni Ryle sa may sofa tas ramdam ko na binhuat nya na ako ulit. Yung mas maayos na buhat . Agad naman ulit ako nakatulog.

Ryle's Pov
Habang buhat buhat ko si Samantha. Hindi ko alam pero kinikilig ako hahaha. Bakla na tignan pero bakit ba? Pag ka pasok ko sa kwarto niya, ang ganda ng room niya pati ang lawak. Hiniga ko na siya sa kama niya . Halatang antok na antok siya . Ang cute tignan .
Bigla siya nag salita ng mahina "alam mo ella, ang swerte nung babae na gusto ni Ryle. Masaya ako para sakanya kaso ang sakit padin" sabi niya ng mahina. Mukang nananaginip at nag ssleep talk na ata to . Napangiti naman ako tas sinabi ko
"kung alam mo lang na ikaw yung gusto ko. Sorry ah? Kailangan ka pa masaktan" tas hinalikan ko yung noo niya . Nilagyan ko na siya ng kumot tas inalarm yung alarm clock niya para hindi siya malate ng gising bukas tas umalis na ako.
Mga 9 na ako nakaalis sakanila. Pag pasok ko ng kotse ko, tinawagan ko agad si ate Ella
Phone convo:
Ella: oh bakit? Napatawag ka?
Ryle: ate ella, gayak na gamit mo para bukas ah?? See you.
Ella: kahapon pa gayak hahaha excited ako eh chos. O bakit ka nga napatawag?
Ryle: Narealize ko na...

Gusto ko na talaga si Samantha.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon