Chapter 7

59 3 0
                                    

Ryle's PoV
"Ano guys ok na?" Sabi ni Ronnie ng mahina sabay tingin samin ni Samantha. Nag thumbs up kami tapos inalalayan na ni Ronnie si Ella pababa ng sasakyan. "Ano ba to ha? Sisikmuraan talaga kita pag kalokohan lang to. Teka makakapunta ba sina Ryle? Ano ba kasi to? "sabi ni Ella na may halong kaba at tuwa " Ayy baka humabol nalang si Ryle. Si Samantha di makakapunta. May lagnat." Sabi ni Ronnie. Buong car ride kasi naka piring si Ate Ella tapos kami ni Samantha nasa car nina mama, hahatid daw kami eh haha. Kunwari di kami makakapunta agad or makakasunod sakanila . Alam ni Ate Ella na sa monthsary nila aalis sila ni Ronnie pero di alam kung saan talaga pupunta.

Pinatanggal na ni Ronnie yung blind fold kay Ate Ella and nasurprise siya hahaha "Pakshet seryoso ba to?" Ella
Pinakita lang ni Ronnie yung ticket nila sa Palawan
"Kasama din kami!" Sabay namin sabi ni Samantha
Hinug ni Ella si Ronnie ng mahigpit tas nag thank you
"Be good Pao ha! Guys pabantayan nalang si Pao hahaha love you. Mamimiss ka namin. Call me or dad when you land" sabi ng mama ko then hinug ako
"Sige po tita thank you po sa pag payag kay Ryle hahaha" sabay beso ni Ronnie kay mama.
Samantha's PoV
-plane ride
Nung pa take off na yung plane, biglanng kinabahan si Ella. Takot siya pag pa take off pati pag landing ng eroplano eh. Sinubuan siya ni Ronnie ng chewing gum tas hinawakan yung kamay . Medyo nag relax naman si Ella. Napansin ko na nakatingin rin pala si Ryle sa dalawa (take note magkatabi kami ni Ryle) "Sweet nilang dalawa oh! Tayo din." Sabi niya sabay susubo na sana sakin yung chewing gum "Ay nako Ryle. Hahaha pangit ng trip mo" "Anong trip? Seryoso to. Oh nganga " sabay subo sakin ng chewing gum tas ngiti.

1hr mahigit yung plane ride mula manila hanggang Palawan. 30 mins palang kami sa eroplano nakatulog na tong katabi ko. Nakasandal yung ulo ni Ryle sa may shoulder ko. Di ko maiwasan na kiligin. Samantha wag... May ibang gusto si Ryle wag ka na umasa. Yan yung paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko hanggang sa makatulog na din ako .
Pag gising ko,nakasandal na ako sa balikat ni Ryle tapos gising na siya "uyy gising ka na. Tamang tama, pa landing na " sabi niya sabay ngiti .

"Guys picture ulit!!!" Sabi ni Ronnie habang hinihintay namin yung mga maleta namin "Ay nako R2 wala pa tayo sa Underground River memory full na yang camera mo." Sabi naman ni Ella "oo nga last picture na kami ni Samantha sa likod tas kayo sweet para kunwari 3rd at 4th wheel kami sainyo " pag sang ayon ni Ryle kay Ronnie sabay higit ako papunta sa likod nung dalawa tas nag picture ulit.

Hindi kalayuan yung hotel na nakuha namin mula sa airport and tbh, maganda yung hotel. Syempre nirecommend ko eh hahaha joke. Nag book kami ng 2 bedrooms na may 2 beds. Nag punta na kami sa kanya kanya namin na room. Kami ni Ella magkasama sa isang kwarto.

Habang nag aayos kami ng gamit ni Ella, biglang may kumatok sa pinto . Pag bukas ko
"Ella pahiram muna si Samantha ah? Wait lang" sabi ni Ryle sabay hila sakin palabas. " Oh? Miss mo na agad ako? Hahaha bakit?" "Set up na daw tayo mayamaya sa may maliit na kubo then may restaurant. Medyo may kalayuan sa hotel eh. Para daw sa date nila. Then after their dinner manonood daw tayo ng fireflies . All planned na. Dala ko na yung butterflies na paper , ikaw na mag abang sa rose sa lobby make sure di makikita ni Ella. Yung restaurant na nag provide ng candles." explain niya. " ahh sige sige. Teka after natin mag prepare saan tayo? Mapapakagat sa lamok habang nag ddate sila? Hahahaha kain nalang tayo! " sabi ko naman "Syempre may iba tayong lakad. Ako na bahala dun. Ayusan mo muna daw si Ate Ella kasi mag ccity tour daw sila ni Ronnie. Dont worry sasabit nalang naman natin yung mga butterflies na paper tas ayusin natin yung set up then tapos na. Habol tayo sakanila. And alam ko naman na halos kabisado mo na tong Puerto Princesa kaya alam kong di tayo maliligaw. Sige na pasok na. " ngumiti lang siya sabay pasok sa room na katapat lang ng room namin.

"Ano sabi ni Ryle?" Tanong ni Ella. "Gayak ka na, mag cicity tour daw kayo ni Ronnie." Sabi ko na naghhide ng kilig para sakanila hahaha "Eh paano kayo ni Ryle? Kayo ah!! Baka-" "Wala! Ano ba hahaha may iba kaming lakad sige na mag ayos ka na. Sunod kami sainyo " sabi ko habang tinutulak siya papasok sa CR.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon