Samantha's PoV
Pagbaba namin andun yung Hashtags pati si Ella naguusap na para bang seryoso malapit sa pool.
"Guys! Ano na ? May prayer meeting ba?" Ako
"Sira hahaha nagkkwentuhan lang kami tungkol sa photoshoot kanina" Ella
Tas nag tinginan silang lahat tas ngumiti lang.
"Swimming na ako ah??" Sabi ko sabay talon sa pool tapos sumunod si Ryle pati yung ibang Hashtags.After namin magswimming nag si akyatan na yung lahat tas nag palit.
Paglabas ko ng CR, may nakahanda ng damit para sakin. Typical na style ko (Shirt, leggings, hoodie ,and sneakers) "Oh? Para san to? Lalabas pa ba tayo??" Tanong ko kay Ella. "Ahhh hehehe surprise. Lalabas kayo ni Ryle, pero syempre kailangan niyo muna mag ingat kasi baka dumugin kayo. Pati laging kami ni R2 tinutulungan niyo eh. Ngayon kami naman. Magbihis ka na! Pinagbibihis narin nila si Ryle" sabay tulak sakin pabalik sa CR kasama ng damit.Nagpaalam muna ako kay Ella at paglabas ko ay sakto namang nasa labas rin si Ryle tas tumawa nalang kami dahil sa pinlano ng hashtags pati si Ella.
Andito ulit kami kangayon sa may mga souvenir shops. Namimili ulit kami ng Perlas para sa mommy ko pati sa Mama niya. Mahilig sila sa Pearls ehhh ewan ba namin.
"Ito ba Sam? Bagay kaya kay mama?" Ryle
"Ryle naman... Mama mo yun syempre alam mo yung kungnanong klaseng pearl yung babagay at magugustuhan niya" natatawa kong sabi
"Eh Sam , babae ka kaya mas gets mo. Ano ba ito or ito?" Sabi ni Ryle sabay lagay ng 2 klaseng pearl malapit sa dalawang tenga niya .
"Yung pangalawa nalang, hindi masyado maliit pati malaki. Eh ito naman na necklace na pearl pati may kasama ng earrings ano mas ok?" Tanong ko .
"Mas maganda yung may pagkaflat na pearl" sabi niya sabay ngiti.After namin mamili ng mga pearls, tshirts naman pati delicacies,shirts at keychain. Kanya-kanya kaming kuha hahaha. Binayaran ko na yung pinamili ko . Ay hala. Wala pa akong shirt na nabili para sakin na souvenir ko sa Palawan kahit lagi kami nabisita dito . Habang namimili ako ng shirt bigla sakin lumapit si Ryle . Nakita ko naman na may napili na siyang shirt na souvenir na nakalagay "I am that someone who came to Palawan" di ko gets yung shirt.
"Namimili ka pa ng shirt para sayo?" Tanong niya sabay punta sa may kanan ko .
"Ahhh oo eh. Masyado na kasing common yung mga 'I ❤️ Puerto Princesa ' eh. Uyy ganda ng shirt mo ." Sabi ko naman sabay timgin sa shirt niya.
"salamat . May favor nga ako sukatin mo to. Ka size mo kasi yung cousin ko eh" sabi niya sabay abot ng shirt sakin. Sinukat ko naman tapos lumabas para ipakita sakanya.
"Sakto lang sakin" sabi ko sabay ngiti
"Oh sakto naman pala eh. Halika na" Sabi ni Ryle sabay hila sakin palabas
"Uyyy di pa to nababayaran!" Sabi ko
"Bayad na. Halika na . Kumain na tayo gutom na ako." Ryle
"Ayy oh?? Thank you" AkoHabang naghahanap kami ng makakainan, napadaan kami sa may parang salamin or glass na pwede ka manalamin tas nakita ko yung design ng shirt na binigay sakin ni Ryle "Someone I Love Bought Me This Shirt From Palawan" ahhh ok gets ko na yung desgin ng kay Ryle. Sasabog na puso ko sa kilig!
Nakakain na kami after then naglakad lakad kami sa parang baywalk dito sa Puerto Princesa. Biglang may lumapit samin "Ma'am sir, gusto niyo po magpapicture? Mura lang po ito. 50 pesos po 2 wallet size pati 2 malaki rin. Then ipapadala nalang po namin sa hotel niyo." Umayaw naman kami ni Ryle kasi baka kumalat pa magkaissue pa at lahat na. Umalis na yung lalake tas kami nalang naiwan ni Ryle "Aalis na kami bukas. Hahaha Last na pupuntahan namin yung Underground River sama kayo ah?" Sabi ko sakanya . " Oo naman. Hapon pa naman yung mallshow namin sa Robinsons dito eh. "Ngiti ni Ryle.
Nag usap lang ulit kami tungkol sa mga plano plano pati kaganapan sa buhay namin.
Ryle's PoV
Napansin ko na parang nilalamig siya kasi kanina pa siya nakasandal sakin tas nanginginig. Nilabas ko yung hoodie ko then pinasoot ko sakanya "wag na. Meron naman ako eh" sabi niya "kahit na , mas makapal yung akin. Akin nalang muna hoodie mo " sabi ko sabay ngiti sakanya. Binigay naman niya tas sinuot niya yung sakin.
Mahigit 1 hour na kami dito na nakaupo tas nag kkwentuhan. Ayoko pa matapos to kaso delikado kasi baka may makakita samin. "Samantha"
"Bakit?" Sagot niya
Binack hug ko siya.
"Uyyy. Ok ka lang? O sadyang hokage ka? Hahaha" biro niya
"Ayy grabe siya oh. Hahaha sobrang saya ko lang talaga ngayon kaso kailangan na natin bumalik ng hotel" sabi ko naman habang pagbitiw sa yakap.
"Sige pero daan muna tayo sa pool sa hotel mamaya" sabi niya tas tumango lang akoNung nasa hotel na kami, mga bandang 10:30 pm na yun sarado na yung pool pero nag pumilit parin siya na sumilip sa pool kaya andito kami ngayon sa may mga upuan.
"Di kaya paalisin tayo dito? Sarado na mga ilaw eh" sabi ko
"Wala pa naman nagchcheck" sabi niya sabay lakad sa may gilid ng pool habang tinatanggal yung cellphone, key card at hoodie ko . Tumayo nalang ako at sinamahan siya dun dahil baka mahulog siya.
"Ryle swimming tayo" sabi niya
"Pero sarado na" sambit ko
Tinitigan niya lang ako. Hayy sige na nga! Kundi lang talaga ano eh. Hinubad ko yung relo ko pati cellphone at key card sa pocket ko.
"Dali!!" Sabay hawak niya sa kamay ko at hila papunta sa tubig.
"Mas masaya pag ganito hahaha walang thrill kanina nung nag swimming tayo eh." Sabi niya habang lumalangoy.
Nakakatuwa lang siya panoorin kasi para bang sobrang saya niya. Ilaw lang ng buwan yung ginamit namin na guide kasi pinatay na yung ilaw sa pool kaya sobrang dilim.
"Ryle may sasabihin ako" siya.
" ano yun?" Ako habang lumalapit sakanya
*WOOSHHH* pag splash niya ng tubig sa may muka ko tas natawa siya kaya ginantihan ko hanggang sa pareho na kaming natawa.
Nung tumigil na kami, napansin ko na parang may paparating na may dalang flashlight. Ay patay, baka yun na yung mag chcheck . Magsasalita sana si Sam pero lumapit ako agad sakanya at nag senyas na wag magsalita tas tinakpan ko bibig niya. "Bakit?" Bulong niya. "Ihold mo yung breath mo for 20 secs. Kaya? Mukang papunta na yung bantay eh" sabay hila ko sakanya sa gilid na part ng pool. Buti nalang sa may likod ng mga upuan namin nilagay mga gamit at sapatos namin. Nag senyas ako ng 1,2,3. Tas sabay kami lumubog sa tubig.
Sakto naman at malayo samin yung inilawan ng guard tas nagkakamot nalang siya ng ulo habang papaalis.Bigla na kaming umahon at nagtawanan. Umalis na kami sa pool at nagmamadaling kinuha yung mga gamit namin sabay akyat sa may likod na hagdanan papunta malapit sa room naming hashtags pati yung kay na Sam. Pagpunta namin sa tapat ng pintuan namin "bye Sam! Thank you! " tas niyakap ko siya. Nung vibitiw na ako,yumakap lang siya lalo"Sobrang thank you. Good night Ryle" sabi niya sabay bitaw sa yakap at pumasok na sa kwarto nila ni Ella.
Pagpasok ko ng kwarto namin nina Paulo,Ronnie, at Jon pinagtawanan nila ako kasi basang basa daw ako. Para daw akong sisiw hahaha. Naligo nalang ako at nagpalit tas nag simulang mag kwento sakanila kung anong nangyari.
"NAKANANG SI LOVER BOY NAG BREAK NG RULES PARA KAY SAM!" Pang aasar nung tatlong bibe- este tatlong lalake kong kasama. Hanggang sa nakatulog na inantok na kami. Bago ako matulog, nagdasal muna ako .
At sa huling dasal ko ,
Lord , Sana siya na. Kung hindi man siya, sana makahanap siya ng mas magmamahal sakanya ng mabuti at mapoprotektahan siya. Pero Lord... Siya nalang po kasi ha? Handa po ako mag hintay. Amen