Chapter 8

54 3 0
                                    

Ryle's PoV
Andito na kami sa restaurant na kakainan namin ni Samantha. Hayop kinakabahan na ako ng sobra. Inhale ,exhale. Nakapwesto kami sa may special booth na wala masyadong tao then pinaayusan ko ng candle tas nagpabili ako kanina ng pink rose.

Inalalayan ko na siyang umupo tapos pumunta nadin ako sa pwesto ko .
"Samantha may tanong ako sayo" kinakabahang sabi ko.

"Ano yun?" Sabi niya sabay tingin sakin

"Paano pag may nanligaw sayo ? May chance ba na sagutin mo?" Sabi ko habang tinititigan ko siya ng seryoso.

"Ehhh depende sa tao na yun. Pati kung kaya niya maghintay hanggang sa mag graduate na ako ng college,then maybe sagutin ko siya. Bakit? Hahah"

"Paano pag isa sa hashtags?" Ako
"Lahat naman kayo mababait eh...talented pa pati gentlemen. Siguro? Pag nag work" sabi niya sabay tawag sa waiter then nag order
"Ikaw po sir ano sa inyo?" Tanong nung waiter

"Ahhh kare-kare nalang then 3 rice pati cream dory soup then dalawang ice tea po. Yun lang" sabi ko naman then tumingin ulit kay Samantha

"Ryle...about dun sa girl na kinukwento mo? Kamusta na ano nangyari?" Tanong niya habang nakangiti...pekeng ngiti. Sorry kung kailangan ko pa mag sinungaling sayo.
"Ahhh ok naman. Aamin na ako sakanya ngayon . Andito rin siya sa Palawan." Sabi ko naman habang kabadong nakangiti sakanya.

Samatha's PoV
Aamin na si Ryle dun sa girl. Andito daw yung girl sa Palawan. Hayyyy ang sakit na ....sobra.

Paulit ulit nalang yun tumatakbo sa isip ko. As in parang lutang lang ako habang kumakain kami ni Ryle.
"Samantha? Ok ka lang? Sam?"
"Ahhh...oo ...ano ok lang ako. Teka pupunta ba dito yung mystery girl na sinasabi mo??" Tanong ko para hindi ako mag mukang affected.
"Ahhh oo malapit na daw siya. Gusto ko ikaw una maka meet sakanya." Sagot naman niya habang nakangiti. Kitang kita sa mata niya na excited siya. Sorry Ryle,gustuhin ko man maging masaya ,masakit talaga eh.
"Ah sige wait cr lang ako" sabi ko sabay diretso sa CR. Di ko na napigilan umiyak.
Bakit pa ba kasi ako napalapit sakanya? Ok na dati na hanggang fangirl lang ako sakanya sa tv pati sa muka ni Ella. Di ko naman inaasahan na magugustuhan ko pa siya lalo pati magiging ka close ko.
Ok Samantha.... Ngiti. Cheer up! Ayusin mo lang sarili mo. Naghilamos nalang ako ng muka.

Ryle's PoV
Saktong nag CR si Sam. Pinapalitan ko na yung song ng A Thousand Years. Ipplay yun pag tumalikod na sakin si Sam or kaya pag di siya nakatingin. Kinuha ko na din yung flowers na pinabili ko. Tinawagan ko nalang yung restaurant na to kanina kasi alam ko naman na di na ako makakabili kasi mag aayos kami ng kay na Ella na date. Nang hingi rin ako kay na mama ng advice kung paano ko sasabihin. Inasar pa nga ako eh hehehe.

Lumabas na siya galing CR tas umupo na. "Ano ba itsura nung mystery girl? Hahah kilig na kilig ka lagi pag kinukwento mo eh..." Sabi niya na para bang hindi halata na umiyak siya. Sorry talaga Sam...kailangan eh.
" ahhh sobrang simple niya pero patawa.Makulit siya na matino...hahah gets? Then lagi siyang antukin. Lagi siyang nakasmile then pag nag samile siya napapangiti din ako. Friendly siya pati magalang. Talented din. Unexpected nga kasi hindi naman siya yung nilagay ko or sinasabi ko na characterstics ng dream girl ko sa mga interviews...yet siya padin yung nagustuhan ko. " sabi sabay ngiti sakanya at titig ng diretso.
Hiningi ko na sa waiter yung bill then nag bayad. Kasama na din yung sa pinabili ko na roses.
Nilabas ko na yung phone ko then nilagay yung number niya para sa surprise mamaya.
"Ahh Sam...malapit na daw siya. Pwede pasilip muna kahit sa may bintana kung andun na siya." Sabi ko then tumango lang siya.

Habang sinisilip niya sa may glass door yung "kunwaring mystery girl" na sinasabi ko, nag sensyas na ako sa crew na iplay na yung song.
Tinawagan ko na siya then nilabas yung roses
Phone convo:
Samantha: Hello Ryle,ano ba suot nya? Di ko mahanap eh. Nilalamok na ako dito . Kanina pa ako abang ng abang pati hanap ng hanap wala namang pumapasok.
Ryle: Tama na paghahanap. Andito na siya...
Samantha: hah? Asan? May daanan pala dyan?
Ryle: Hinde...kausap ko na ngayon.
Bigla si Samantha humarap na para bang gulat sa sinabi ko. Pinag patuloy ko lang.
Yung mystery girl na kinukwento ko sayo,kausap ko siya ngayon. Samantha... I really like you. Akala ko nung day 1 na nagmeet tayo akala parang wala lang yun, then sumunod yung mga araw na mas naging close tayo ,hanggang sa kinwetuhan na kita ng sinasabi kong mystery girl. Habang kinukwento ko yun, nagdadalawang isip pa ako kasi baka may iba ka naman na gusto . Pero nung niyakap mo ako nung pauwi na kami...dun ko narealize na nahulog na ako sayo. Wala ng biruan. Seryoso na.
Pagkatapos ko sabihin yun,lumapit ako sakanya then binigay ko yung rose. "Ito ganitong kulay ng rose din yung binigay ko sayo nung una tayo nagkita" sabi ko sakanya. Nakatingin lang siya sakin. Wait,galit ba siya? Hindi niya ako gusto? "Samantha?" Sabi ko sakanya na para bang nag aalangan pa.
Bigla nalang niya ginawa yung di ko ineexpect na magiging reaction niya.
She hugged me then cry
"Sam ? Hala bakit ka umiiyak?? May masama ba sa sinabi ko?"
"Sobrang saya ko lang" sabi niya sabay iyak ulit. Oh sam...
Yung iyak niya sobrang tahimik lang. Basta ramdam ko sa shirt ko na tumutulo luha niya.
"Sorry kung kailangan pa kita masaktan bago umamin sayo" sabi ko then niyakap ko lang siya.
Bumitaw na siya sa yakap then pinunasan niya luha niya. Pupunasan ko na sana eh, kaso naunahan ako.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon