Eagles vs. Lions
Labanan ito ng dalawang school, maraming nanunuod sa loob ng court. Ngayon kasi ang laban ng Eagle laban sa kanilang pinakamahigpit na kalaban sa basketball.. ang Lions.
Siksikan sa loob ng gymnasium, kanya-kanyang sigaw ang mga manunuod sa kanilang paboritong manlalaro. Sa dami ng manunuod ang nagsipuntahan, parang championship na ang nagaganap ngayon sa loob ng gym.
Bukod kasi sa Laban ng dalawang pinakamagaling na team, mismong mga manlalaro ang dinudomog ng mga estudyante, karamihan dito ay mga kalalakihan. Magagaling at magaganda ang bawat player ng team na karamihan naman sa mga ito ay mayayaman.
Ngunit mas marami ang humahanga sa mga Eagles. Dahil sa bukod sa magaganda at magagaling, mga mababait pa sila. Kaya marami ang humahanga sa kanila.
Si Jead ay magaling sa court at mahilig din ito sa mga babae. Madalas nga siyang kantyawan ng barkada, dahil kung naging lalake lang ito tiyak marami na siyang nabuntis.
Si Leah ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Magaling sa paghawak ng bola at siguradong lagi itong pasok sa ring.
Si Cristel naman ang kinaiinisan ng team Eagles, dahil sa sobrang sungit nito at mataray. Madalas nilang tanungin ang kanilang coach kung bakit pinapasok pa siya sa basketball. Ang sagot lang ng kanilang coach ay magaling din si Cristel sa pagbabasketball.
Si Maxenne Hanna naman ang pinakamahusay sa kanila. Simple lang siya, pero tiyak na mapapagod ka dahil sa mabilis kumilos at magaling pagdating sa loob ng court. Tahimik ngunit mabagsik.
Sa galing nilang maglaro, hindi pinalalagpas ng mga estudyante ang kanilang bawat laban. Mabibingi ka sa lakas ng hiyawan sa loob ng gym sa tuwing makakapuntos ang Eagles.
Dinidribol ni Max short for Maxenne dahil yun ang tawag sa kanya ng karamihan, na sa kamay niya na ngayon ang bola at dinidribol ito patungo kay Jead ngunit sinalubong siya ni Manriquez.
Naramdaman ni Max kung paano siya sikuhan ni Manriquez sa tagiliran. Dahil sa sakit nabitawan niya ang bola. Sa sobrang inis at pandadaya ni Manriquez sa kanya, sinuntok niya ito, dahilan para mabigyan siya ng " Foul ".
Inis namang umupo si Max sa bench dahil hindi man lang ito sinita ng referee. Pakiramdam niya magkasabwat yata ang referee at Lions.
" Ano ba ang ginagawa mo, Max? Nakaapat kanang foul, at isa nalang ay graduate kana! " galit na sabi sa kanya ni coach Fim.
" Sorry Coach, babawi nalang ako. " sabi ni Max sa kanilang Coach.
" Magpahinga ka muna, ipapasok kita sa last quater. "
Alam ni Max na yun ang mangyayari. Kaya lang hindi niya talaga mapigilan ang sarili na suntukin si Manriquez dahil sa pagsiko nito sa kanya at pandadaya.
Napatingala siya ng abutan siya ni Jead na malamig na inumin. Saka ito umupo sa tabi niya.
" Bakit mo kasi yun ginawa, alam mo naman marami kanang nakuhang foul. " sabi ni Jead sa kanya.
Inis naman siyang tumingin kay Jead na nakatingin rin pala sa kanya.
" Kung ikaw kayang sukuhin, hindi ka magagalit? " inis na tanong sa kanya ni Max.
Nagulat naman si Jead sa sinabi niya, dahil hindi ito alam na ganun pala ang ginawa sa kanya ni Manriquez.
" Hindi lang suntok ang makukuha niya sa akin. Ipapakain ko pa sa kanya ang bola at kaliwat kanan ang suntok na aabutin niya sa akin. " sabi ni Jead.
Tumawa naman si Max sa sinabi niya. Bukod sa magteam mate silang dalawa, close pa sila sa isat-isa, kaya hindi nagkakamali na pareho silang kumilos na dalawa.
Nasa harapan na ang kanilang atensyon ngayon. Nasa loob ang kanilang focus na dalawa.
Sinusundan ni Max ang bawat galaw ni Manriquez. Papakawalan na sana ni Cristel ang bola sa ere ng makita ni Max na kung paano banggain ni Manriquez si Cristel kaya napatumaba ito. Akmang papasok na sana si Max sa loob ng court pero agad naman siyang pinigilan ni Jead.
" Gusto mo bang hindi na makapasok sa loob ng court? " sabi ni Jead sa kanya.
Walang nagawa si Max, kundi bumalik sa pagkakaupo at muling tumingin sa harapan.
" Mayabang talaga ang Manriquez na yan. " inis na ring sabi ni Jead.
" Hindi lang mayabang, talagang napakamayabang." sang-ayon ni Max.
Dahil sa pandadaraya ng mga Lions, natalo ang kapunan nila Max. Pero hindi sila papayag na ganun nalang ang mangyayari sa kanila. Babawi sila sa susunod na laban nila.
Papauwi na si Max sa kanilang bahay ng gabing yun. Naabutan niya ang kanyang mga pamilya na naghahapunan na sa dining area.
" O, nandyan kana pala. Halikana sabay na tayung kumain. " sabi ng kanyang mama.
Umupo naman si Max sa tabi ng kanyang kapatid.
" Bakit malungkot ka. Talo kayo no? " tanong ng kanyang Kuya Tommy na may halong pang-aasar.
" Pano kami hindi matatalo.. E ang daya ng kalaban namin. " inis na sabi ni Max.
" Makakabawi din kayo sa susunod, anak. " sabi ng ama niya sa kanya.
Ngumiti lang siya dito at kumain nah. Saang ayon siya sa sinabi ng kanyang ama. Makakabawi din sila sa susunod na pagharap nila.
BINABASA MO ANG
The Captain and The Prince
ActionBabaeng kung umasta daig pa ang lalakeng pumorma. Mahilig sa sports at walang inuurongan. Isang Prinsipeng kinaiibigan ng lahat, pero sa puso niya. Iisang babae ang laman nito. What happened if they met? What happened if the Prince know na yung dati...