Bumangon na ako sa kama saka dumeritso sa banyo. Medyo sumakit nga yung katawan ko dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko alam na mapapawisan pala ako ng ganun ka bongga. Pero okay lang nakakaexercise naman ang katawan ko dahil kahapon.
Matapos kung maligo nagsuot na ako ng uniform ng school namin. Naaasiwa nga ako sa uniform namin.. ang eksi ng palda namin na talagang kita yung legs. Tapos yung blouse namin, masyado namang fit sa amin na, parang hindi ka na nga nakakagalaw ng maayos.
Pero dahil nga butihin akong estudyante, nagsuot ako ng medyas na black na hanggang tuhod ko na parang hindi na kita yung legs ko. Kasabay non ang pagsuot ko ng shoes tennis na white. Hindi ko muna papalitan tong damit ko, dahil magagalit sa akin si Mama. Ayaw na ayaw niya kasi akong makitang nag-aayos ng panlalakeng damit.
Kung maitatanong nyo kung ano ang kulay ng skirt namin.. ay dark blue at yung blouse namin white na may dalang nektie. At ganun rin sa boys namin kaya nga lang pants ang pang ibaba nila. Magmumukha naman silang tanga tingnan kung magpapalda rin sila diba?
Matapos kung magsuot ng damit at magsuklay. Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina.
" Good morning! " masayang bati ko sa kanilang lahat.
Humalik ako sa pisngi ni Papa na nagbabasa ng drayo habang may kape sa tabi niya. Sumunod naman ako kay Mama na nag hahanda ng pagkain. At syempre sa butihing kung kuya na akala mo matutunaw na ako sa tingin niya.
" What!? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
" Ang baduy mo. " sabi niya sa akin.
" Wala kabang magandang sabihin sa akin tuwing umaga kundi ang salitang BADUY!? " sabi ko at umupo sa tabi niya.
" Wala kabang magawa sa buhay mo kundi ang pumurma at kumilos na parang lalake? Babae ka Hanna! Hindi lalake! " sabi niya sabay topic sa akin.
Talagang ginaya pa ang boses ko? Ano ba ang pakialam niya kung ganito ako mag-ayos Naiinggit lang siguro siya dahil mas cool akong pumurma sa kanya.
" Walang basagan ng trip, Tol. " sabi ko at sabay tapic din sa kanya.
" Tama na yang asaran niyong dalawa... Ikaw Hanna.. ayusin mo yang kilos babae mo. Ayaw kung nakikita kitang kumilos na parang lalake. " pagsesermon sa akin ni Mama at umupo sa tabi ni Papa.
Napatingin naman ako kay kuya na nakangisi na. Nakakainis talaga, lagi nalang silang kampi dalawa pagdating sa akin? Pero hindi naman ako papayag na walang tatanggol sa akin.
" Papa, hindi mo man lang ba ako ipagtanggol sa kanila. Pinagtutulongan naman nila ako. " sumbong ko kay Papa.
Binaba niya yung drayo saka tumingin sa akin. At syempre kailangan mag mukhang kawawa ako sa harap ni Papa.
" Huwag niyo ng awayin si Hanna. Hayaan niyo nalang siya sa gusto niya. " sabi ni Papa sa kanila.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Papa. Napatingin ako kay Kuya na katabi ko, nakasimangot na yung mukha niya. Si Mama naman binatukan si Papa. Gusto ko sanang tumawa kaya lang baka ako naman ang batukan ni Mama. Kaya huwag nalang.
" Hon naman. " sabi ni Papa ng batukan siya ni Mama.
" Hon.. hon mo yang mukha mo! Kaya nagkaganyan ang anak mo dahil lagi mong kinokonsenti. Tingnan mo nagmumukhang lalake! " galit na sabi ni Mama.
BINABASA MO ANG
The Captain and The Prince
AksiBabaeng kung umasta daig pa ang lalakeng pumorma. Mahilig sa sports at walang inuurongan. Isang Prinsipeng kinaiibigan ng lahat, pero sa puso niya. Iisang babae ang laman nito. What happened if they met? What happened if the Prince know na yung dati...