Dahan-dahan kaming umakyat ni Jead sa pader. Madaling namang makaakyat dahil may puno malapit sa pader. Kaya easy lang sa amin toh. Ginagawa din kasi namin toh dati pag nalelate kaming pumasok. Hindi pa naman kami nahuhuli-
" HOY! BAWAL YAN! "
Mali pala! Nahuli na pala kami ngayon.
Nagkatinginan kami ni Jead.
" Patay. " sabay sabi naming dalawa.
Dali-dali kaming tumalon ni Jead pababa at saka tumakbo ng mabilis para hindi kami mahuli ni Guard.
" HOY! TIGIL! " rinig naming sigaw niya.
Hindi parin kami tumigil sa kakatakbo. Ano kami tanga para mapahuli sa kanya?
Nagtago kami ni Jead malapit sa likod ng swimming building. Nang masigurado naming wala na siya. Umalis na kami don sa pinagtataguan namin.
" Muntik na tayo don. " sabi ko.
" Siguradong lagot tayo kay coach.. pag nahuli tayo. " sabi ni Jead.
" Hayaan mo, hindi naman yun malalaman e. " sabi ko sa kanya.
Umalis na kami don at pumunta sa classroom. Pagdating naming sa classroom, parang dinaanan ng bagyo ang room namin?
" Anong nangyari dito? " tanong ko kay Jead.
" Bakit ako ang tinatanong mo? Magkasama tayong pumunta dito, pre. " sabay hampas niya sa likod ko.
Talagang may kasamang ganun? Nagtatanong lang e. Lumabas kami ni Jead sa room namin dahil mukhang walanamang pasok ngayon.
" Max! Jead! "
Napatingin naman kami sa likuran namin. Si Leah pala. Napangiti ako ng makitang kasama nito si Cristel. Hindi mo talaga matatago yung ganda niya.
" Kanina pa kayo hinahanap ni coach. " sabi ni Leah.
" Ha! Bakit daw? " pagtatakang tanong ko sa kanya.
" Abat, malay namin. " walang ganang sabi ni Cristel.
" Mabuti pang puntahan nalang natin siya. " sabi naman ni Jead.
Sabay-sabay naman kaming apat na pumunta sa basketball gym. Halos nandun lahat ng member ng basketball? Mapa babae man o lalake. Lahat sila nagpapraktise.
Pumunta naman kaming dalawa ni Jead sa opisina ni coach. Sila Leah naman at Cristel ay napaiwan dahil magpapraktise daw sila. Hindi naman din sila kailangan ni coach.
Pumasok na kami sa loob ng opisina ni coach at naabutan namin siyang nagtatype ng sa kanyang loptop.
" Good morning coach! " sabay naming bati ni Jead.
Isinirado naman ni coach ang loptop niya saka tumingin sa amin ng seryuso. Bigla naman kaming natakot ni Jead sa kanya. Minsan lang kasing magseryuso si coach. Pag may importanteng sasabihin o may kasalanan kaming nagawa sa kanya.
" Bakit niyo ba kami pinatawag coach.. may sasabihin ba kayo sa amin? " tanong ni Jead sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Captain and The Prince
AksiyonBabaeng kung umasta daig pa ang lalakeng pumorma. Mahilig sa sports at walang inuurongan. Isang Prinsipeng kinaiibigan ng lahat, pero sa puso niya. Iisang babae ang laman nito. What happened if they met? What happened if the Prince know na yung dati...