* Maxenne POV *
Nandito kami ngayon sa gym ng school namin. May laro kasi ang boys ngayon laban sa Lions Boys. Sobrang ingay ng gym dahil sa tensyon ng dalawang kupunan. Wala kang maririnig kundi sigawan ng mga manunuod. Lalo na yung mga babae, parang mga hayop nga na nakawala sa hawla nila.
Nakakainis na nga, parang sasabog na ang eardrums ko dahil sa lakas ng sigawan nila. Alam kung hindi sa bawat shoot ng bola ang sinisigaw nila kundi ang mga lalakeng humawak ng bola.
Bukod kasi sa mahuhusay sa basketball. Hindi naman mapapakaila na may taglay ding mga magagandang mukha ang mga ito. Matatangkad at lahat sa mga ito ay may kaya sa buhay.
Kung ako lang ang masusunod, kanina ko pa to pinatulog ang mga babaeng to. Ang sakit na kasi sa tenga.
" Last quarter nalang, panalo na sila. " sabi ni Jead na tumitingin sa time clock.
Kasama ko kasi sila ngayon dito na nunuod. Dito kami sa may unahan kaya nasasalo namin lahat ang ingay ng mga babae sa likod namin na kanina pa sumisigaw.
" Talagang mas magaling maglaro ang mga boys kaysa sa atin. " sabi ni Leah.
" Tama ka dyan Leah, talagang mahuhusay sila. Kahit siguro hindi natin sila matalo-talo. " sabi naman ni Cristel.
" Alam niyo porket mga lalake na ang magaling sa basketball. Hindi ibig sabihin na hindi na natin sila matatalo dahil babae tayo. " sabi ni Jead.
" Bakit babae ka ba? " natatawang tanong sa kanya ni Leah.
Napatawa naman kami dalawa ni Cristel. Hindi naman talaga mahahalata na babae si Jead. Bukod kasi na mukhang lalake itong kumilos? Maiksi pa ang buhok nito na katulad sa mga lalake. Pang lalake din manamit, kulang nalang panlalake din ang mga underwears niya. At higit sa lahat, maraming babae ang lumalapit sa kanya. Kung naging lalake lang kasi si Jead sigurodong lahat ng babae mapapaibig niya dahil napakagwapo nito.
" Ikaw Max, anong masasabi mo? " tanong sa akin ni Cristel.
" Sang-ayon ako sa sinabi ni Jead. Talaga naman kasing kayang-kaya natin talunin ang mga lalake. Ang kailangan lang tibay at lakas ng loob. " nakangiting sabi ko sa kanila.
Totoo naman kasi. Kayang-kaya naming talunin ang mga lalake. Mapapantayan din naman kasi namin ang galing nila sa basketball kung gugustuhin lang nila.
" Samantalang kasi, pareho kayo ni Jead. " nakasimangot na sabi ni Leah.
" Kaya nga tinawag kaming twin duo e. " sabi ni Jead sa kanila.
Binansagan kasi kaming twin dou ni Jead. Marami kasing nagsasabi na mukha kaming magkambal. Pagdating sa loob ng court kaming dalawa ang laging nagtutulongan. Pero bukod don, marami kaming kapareho ni Jead except sa buhok at sa pangbabae niya. Mahaba kasi ang buhok ko, magagalit kasi ang pamilya ko kung papuputulin ko. At sa pangbabae, talagang ayaw ko non no. Hindi kami talo.
Oo! Mukha akong lesbian pero sa panglabas lang na anyo. Parang lalake rin kasi akong kumilos at manamit. Ayaw ko kasi yung pagirly-girly, pakiramdam ko kasi hind bagay sa akin.
Nasa harapan na ang atensyon naming apat. Pero ang atensyon ko ay nasa iisang tao lang. Sa naka number 10 na jersey, ng team captain ng Eagles Boys namin. Ang galing kasi nitong maglaro kahit na ano mang pigil ng mga kalaban nila sa kanya ay malulusotan at malulusotan niya ito. Pero halata naman sa kanya na nagpapayabang lang siya. Akala mo kung sino magaling maglaro?
" Sino ba ang tinitingnan mo at parang concentrate na concentrate ka dyan? " tanong sa akin ni Cristel.
Napansin niya siguro ako na kanina pa nakafocus na nakatingin sa gitna ng court.
" Kilala mo yung lalake na yun? " sabi ko sabay turo don sa nakajersey na number 10.
Tiningnan naman yun ni Cristel, para nagulat yata siya sa tinuro ko.
" H-hindi mo siya kilala? " gulat na tanong niya sa akin.
" Bukod sa pagiging Team Captain niya, wala na. Sino ba siya? " tanong ko sa kanya.
Hindi ko naman talaga kilala yung lalake na yun. Kahit na araw-araw ko siyang nakikita sa school at pinaguguluhan ng mga babae.
Ewan ko ba kung ano ang meron sa kanya at lahat ng babae nakandarapa sa kanya.
" Ano pa ba ang aasahan ko sayo? Wala ka namang pakialam sa paligid mo. " sabi niya sa akin.
Kailangan pa talagang sabihin yun? Hindi nalang na sabihin sa akin kung sino ang lalakeng yun. Kaya galit sa kanya ang ibang team mate namin e..
" Siya si Ivan Dave Smith. Bukod sa pinaguguluhan siya ng lahat dahil sa galing nitong magbasketball at sa gwapo nitong mukha. "
" Kailangan talagang sabihin na gwapo niya? " pabalang na tanong ko sa kanya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. Akala niya naman matatakot ako dyan.
" Yun na nga. Bukod don, ang pamilya niya ang pinakamayamang pamilya sa eskwelahan at bansa. At isa rin siyang Royal Family. " sabi ni Cristel.
" Royal Family? Yun ba yung softdrinks na iniinum? Hindi ko alam na may Family pa yun-Araay! "
Bigla kasi akong binatukan ni Cristel. Napatingin naman ako sa dalawa na tumatawa.
" Royal Family? Softdrinks? Hahahaha!" tawa ni Leah.
" Malabo kana talaga, Max. " natatawa ring sabi ni Jead.
May mali ba sa sinabi ko? Wala naman diba?
" Tumigil ka nga Max. Ang ibig kung sabihin, isa siyang maharlika. Kilala ang pamilya niya sa buong bansa at nerirespito sila ng mga tao. Isa rin siyang Principe " medyo pagalit na sabi ni Cristel.
" Aaahh! " sabi ko nalang.
Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan. Ano bang pakialam ko sa mga royal family at mga Principe na yan? Matutulongan ba nila akong pabagsakin si Manriquez? Matutulongan ba nila yung mga pulubing bata? Hindi naman diba? Kaya wala akong pakialam sa kanila. At isa pa hindi ko naman talaga sila kilala.
Natapos ang laro na panalo ang Eagles. Mabuti pa sila panalo sa Boys ng Lion, kami hindi. Makakabawi din kami sa susunod.
Lumabas kami ng gym ng maabutan namin na maraming nagsilapitan na mga babae sa Team Eagles na boys. Lalo na don sa sinabing lalake ni Cristel kanina. Pero hindi naman makakalapit yung mga babae dahil hinaharangan ito ng mga bodyguard.
Ang OA nya, dapat talagang ganun? Parang sobra pa siya sa babae, takot mahawakan.
Napansin kung nakatingin siya sa deriksyon namin. Sinundan ko yung tingin niya at parang si Cristel yata ang tinitingnan niya.
" Sayo yata nakatingin ang lalakeng yun. " sabi ko kay Cristel.
Tiningnan niya naman kung sino ang tinutukoy ko.
" Nagagandahan siguro sa akin. " sabi niya nalang.
Mukha nga. Wala naman kasing hindi mapapatingin kay Cristel e. Masungit nga, pero hindi naman matatago ang ganda nito.
Umalis na kami don, hindi naman kami katulad sa mga babaeng baliw na baliw sa kanila. At mas lalong nakakahiya kapag babae pa ang humabol sa mga lalake.
BINABASA MO ANG
The Captain and The Prince
AksiBabaeng kung umasta daig pa ang lalakeng pumorma. Mahilig sa sports at walang inuurongan. Isang Prinsipeng kinaiibigan ng lahat, pero sa puso niya. Iisang babae ang laman nito. What happened if they met? What happened if the Prince know na yung dati...