Chapter Three

10.8K 485 10
                                    

Sabado ngayon at syempre wala kaming pasok. Maaga akong nagising dahil magjojogging ako at mag-eexercise sa plaza. Nagpapabuti kasi ang exercise sa katawan ko. At isa pa paghahanda din ito para sa darating namin na susunod na laban.

Malapit na ako sa may court ng mapatingin ako sa loob ng court. Napansin ko kasi na parang may nangyayari don.

" Araay! daing ko.

Ang sakit kasi ng pwet ko. Hindi ko alam na may nakabanggan na pala ako.

" Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. "  masungit nitong sabi.

Ang sungit naman nito? Hindi ba pwedeng hindi lang sinasadya. Hindi man lang ako tinulungan tumayo.

Tumayo na ako at pinagpagan ang pwet ko. At tiningnan ko kung sino ang nabangga ko.

Nagulat ako na si Ivan Dave Smith pala ang nabangga ko. Ang walang modo at mayabang na lalake na kahit isang tingin mo palang ay talagang masungit na.

" Titingnan mo lang ba ako? Hindi kaman lang hihingi ng sorry. Tutula na yang laway mo o. "

Ang kapal talaga ng lalakeng to. As if naman na maniniwala ako sa kanya. Imposibleng tutulo ang laway ko sa kakatingin sa kanya. Kung si Jungkook ang nasa harapan ko pwede pa. Pero sa kanya? hindi talaga mangyayari yun.

" Sorry ha! "  sarcastic na sabi ko sa kanya.

" Ikaw pa ang ganang magalit ngayon. Hindi mo ba kilala kung sino ang kaharap mo ha! "  inis niyang sabi.

" Mukha ba akong galit? Nagsosorry na nga ako sayo. Tapos sabihing mong galit ako? At sinong nagsabi na hindi kita kilala. Diba ikaw yung softdrinks na lagi kung iniinom. Ano bang tawag don? "  tanong ko sa kanya.

Napansin ko na parang naguguluhan siya sa sinabi ko. Maging yung bodyguard na kasama niya.

" Aaahh! Alam ko na. Royal! Galing ka sa Royal Family diba? "

" Alam mo naman pala bakit kung- " 

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Nakakairita yung boses niya...

" Magkano ba ang benta ng Royal sa inyMura ba? Kung mura, sabihin mo sa akin at ng makabili ako ng marami "  sabi ko sa kanya.

" W-what? "  naguguluhan niyang tanong sa akin.

Bobo na nga bingi pa! Klarong-klaro na yung sinabi ko hindi niya pa nagets?

Napatingi ako sa bodyguard niya na nagpipigil ng tawa. Meron ba talagang nakakatuwa sa sinabi ko. Bakit lagi silang tumatawa pag sinasabi ko yun?

Tama naman diba ako? Softdrinks naman talaga ang Royal. Ewan ko nga kung bakit nilagyan pa nila ng Family. Nagpapauso siguro.

" Makaalis na nga. "  sabi ko saka umalis sa harapan niya.

Nakakapagod kayang ulitin yung sinabi ko. Mahaba kaya yun.

Pumasok ako sa loob ng Tennis court at pinuntahan yung kaguluhan sa gitna.

" Hoy! Hoy! Anong ginagawa niyo sa mga bata. Alam niyo bang bawal yang ginagawa niyo. Kakasuhan ko kayo ng child abuse! "  matapang na sabi ko sa kanila.

Kanina ko pa kasi nakikita na pinagtutulak nila yung mga batang naglalaro ng tennis. Wala na ngang kalaban-laban sa kanila ang mga bataPinaglalaruan pa nila ito.

The Captain and The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon