"Isa pa" Sabi ko sa bartender ng bar na pinuntahan ko.
"Sir closing na po kami" Sabi ng bartender.
"Eh gusto ko pa nga eh" Sigaw ko sa kanya.
Lintik na bartender yan kilala niya ba ako?!?
"Sir closing na po talaga kami"
Tumayo na ako sa inuupuan ko at dumeretso sa pintuan. Tinawagan ko si DJ para sunduin ako pero pagkita ko sa phone ko biglang may umappear na "No Battery" . Amputa nga naman oh!
Umupo muna ako sa isang corner sa kalye na hindi ko alam kung ano o saan parte ito ng Pilipinas makikita. Naliligaw ako pero mas ginusto ko nalang na umupo kaysa maglakad at alamin kung nasaan ako. Nakasandal ako sa isang pintuan ng isang bahay na nasa loob ng isang informal settler's area.
Malamig ang hangin at lalo ito lumamig ng makita kong nagsisimula na umulan. Basang basa ako kahit natatakpan naman ang kalahati ng katawan ko dahil sa bubong na nasa itaas. Wala akong naggawa kundi kumatok sa pintuan.
Pagbukas nito ay nakita ko ang isang mukhang nanay na mukhang gulat na gulat sa nakita niya.
"Pwede ho bang pumasok?" Tanong ko.
Tumungango nalamang ang babae at binuksan tuluyan ang pinto. Pumasok ako at pinag masdan ko ang kanilang bahay. Okay naman siya. Hindi maliit pero hindi rin malaki.
"Umupo ka lang iho" sabi niya sa akin.
"Ah sige po" Sabi ko habang tinitingnan ko ang mga picture frame na nakatayo malapit sa kanilang tv.
Nagulat ako nang makita ko ang picture ni......
__________________________________________________
CLIFFHANGER :)
FAN
VOTE
LIKE
COMMENT
BINABASA MO ANG
Summer Escapades
Fanfiction"Years passed and I knew I need to see you again. I'm just not sure if its for reconciliation or for closure." || discontinued