Author's notes: BA DUM TSSS.. OMFG 60+ votes na ang Summer Love... haha medyo OA noh? Sorry naman hindi ko lang ineexpect haha.. Anyway, hope you enjoy reading..
___________________________________________________
Ano ba naman yan. Nakakainis naman si kuya eh. Hindi naman basta basta kukuha lang ng girlfriend lalo na kung ang boyfriend nun artista! Putcha naman. Di na nawala ang problema sa aking buhay.
Ganito kasi yun nung bata ako middle class family kami. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap. Kaso nung namatay father ko nawala lahat sa amin. Tapos nag ka sakit pa si mama kaya lalong naubos ang pera namin. Grade 6 ako nung lumipat na kami sa kanto. Lumipat na rin ako ng school at iniwan ang mga kaklase. Pero hindi ako tumigil, pumasok pa rin ako ng eskwelahan. Public nga lang pero okay na saakin yun. Dun ko nakilala si Kathryn. Hindi kami actually close ni Kath dati kasi akala niya masungit ako pero ang totoo, hindi naman.
Ang kapatid ko naman - si Andrew - ang nagtratrabaho sa amin. Siya ang kumikita ng pera para sa pagkain at iba pang mga bagay. 20 na siya ngayon. Kaya mas mataas ang kita niya ngayon kaysa dati noong siya'y 16 pa lamang.
Anyway, nakalimutan ko na nasa harap ko pa pala si Quen. Narinig kaya niya yung sinabi ko kay Andrew? Wag naman sana.
"Ano meron kay Ava?" tanong ni Quen.
Shit narinig nga niya.
"Wag kang magagalit pero...sila na ng kuya ko." Pabulong ko na sinabi.
Lumaki ang kanyang mga mata. Nagagalit na siya. Pero kanino sa akin o sa kuya ko? Panigurado kay kuya yun.
Shit ano ba naman yan Andrew!
"Ha? Kuya mo at si Ava ang magkasama? As in sila na?"
Tumango ako.
"Shit ano bayan!" Sigaw ni Quen.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko nalang na umalis sa kwarto at iwan siya pero hindi ko kaya. Ang kuya ko ang may dahilan kung bakit siya ganyan. Ang kuya ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Kahit awkward ito tingnan. Pagkalipas ng ilang minuto tumayo na ako at dumeretso kay Allana dahil sa tingin ko eto nalang ang maari kong gawin ngayon.
Inayos ko ang buhok ni Allana habang si Quen naman ay nakatingin sa akin. Hindi ko ito napansin hanggang tumingin rin ako sa kanya.
"Quen sorry talaga."
"Wala na naman ako maggagawa diba?" Sabi ni Quen.
At doon ko naisip na meron siyang pwedeng gawin.
"Quen may naisip ako."
Tiningnan ako ni Quen. "Ano yun?"
Huminga ako ng malalim at sinabi: Gawin mo akong fake girlfriend mo.

BINABASA MO ANG
Summer Escapades
Fanfic"Years passed and I knew I need to see you again. I'm just not sure if its for reconciliation or for closure." || discontinued