Picture ni Julia. Siguro mga 5 palang siya noon.
Nagulat ako at umupo muna saglit. Pwede naman diba. Besides kilala naman siguro ako ng nanay niya at siguro naman gusto niya na may makaupo na artista sa kanyang sofa set. Dumating ang nanay ni Julia upang mag bigay ng aspirin at tubig. Sosyal may aspirin.
Actually hindi ko alam kung nanay niya yun pero feeling ko dahil.. naka daster eh.. Okay so wala pa akong ebidensya na nanay niya talaga yun pero alam mo naman kung itsurang nanay o hindi diba.
"Nanay po ba kayo ni Julia?" Tanong ko. Para matigil na rin ang pagtataka.
"Oo nakakagulat nga at hindi pa siya umuuwi ngayon" Sabi ng kanyang nanay habang tumitingin sa wall clock nila.
Shit oo nga si Julia! Shit! Shit! Shit!
"Ay Enrique Gil nga po pala'' sabi ko pagkatapos inomin ang aspirin at tubig na ibinigay niya.
"Naku naman. Hindi mo na kailangan mag pakilala sa akin." sabi ng nanay ni Julia.
Tumingin ako sa relos ko kahit alam ko naman na lampas 10 na ng gabi. Ba't ba naglaseng ako? Ah kasi nga pala bigo ako sa pagibig..
"Ah tita paano mo ba pumunta sa arena?" Tanong ko. FYI tita na tawag ko sa kanya. Close kami eh kaso naman manang..
"Naku mag tricycle ka nalang iho" sabi niya.
WTF..Mukha ba akong nagtritricycle? Pero kung yun nalang ang only option para makita si Allana.. Then I don't see why not.
"Ah sige po. Salamat" Sabi ko habang inaayos ang pantalon. Gusot gusot na kasi eh. Tumayo ako sa sofa at iniwan nakatayo ang baso ng tubig sa kanilang "center table".
"Salamat po ulit" sabi ko bago umalis. Nang nasa labas na ako nang kanilang bahay, swerte ko at nakakita ako ng isang tricycle. Pinarahan ako nito sa harap ko mismo. Sumakay ako at sinabi ang address ng arena. Tumango naman ang tricycle driver at sinimulan magdrive.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na rin ako sa kwarto ni Allana. Kumatok ako sa pintuan dahil alam ko na andun pa naman si Julia.
Mukha namang tama ako dahil siya ang nagbukas ng pinto.
Pagpasok ko sa kwarto ni Allana napansin ko na tulog na aking kapatid. Minsan mukha ring anghel tong kapatid ko eh. Minsan lang.
"nalinisan ko na yan."Sabi ni Julia na mukhang galit.
"Ha? Hindi na dapat"
"Hindi na dapat? dude papatayin na ako ng mother ko dahil hindi ako nakauwi on time tapos sasabihin mo hindi na dapat? Hindi ko nga alam kung malilinisan mo pa yan pagdating mo eh. Speaking of pagdating mo, saan ka ba pumunta? Sabi mo may concert ka eh 2 palang umalis ka na. Ano ba problema mo Mr. Gil?" Sigaw na tanong ni Julia.
"Sorry naman. Nag "supposedly" date kami ni Ava pero unfortunately nakita ko na may kasama na siyang iba kaya pumunta ako sa bar para mag laseng. Ano okay ka na!?!"
Galit siya. Galit din ako. Bakit sa tingin niya madali lang ang magkaroon ng responsibility sa isang bata na hindi mo alam kung babalikan pa siya ng mga magulang niya. Sa tingin niya madali lang malaman na yung on screen/off screen girlfriend mo na may kasama nang iba. Sa tingin ba niya madali yun lahat?
Umupo ako sa isang silya at tinangal ang tie ko. Nararamdaman ko na may nahulog na na mga luha galing sa aking mga mata. Hindi ko na mapigil ang galit ko para kay Ava. Pinili ko na nga lang na umiyak eh.
Lumapit si Julia sa akin at umupo sa isang silya na malapit sa inuupuan ko.
"Sino ba yung lalaki? Gantihan natin.." Sabi ni Julia. Baka kaya niyang gantihan.. Sana..
"Ewan"
Bigla naman tumunog amg cellphone niya. Sinagot niya ito at napamura. Seryoso ako, nagmura siya. Ang lakas pa nga eh.
"Gago ka ba? Alam mo namang may boyfriend yun diba?" Sigaw ni Julia.
Sino may boyfriend?
"Shet Andrew naman oh.. Kapatid kita pero hindi mo pwedeng maging girlfriend si Ava." Bulong ni Julia.
Teka nga lang, paano napunta si Ava dito?
------------::::::::-----------:::::::-------------:::::::-------------::::::::--------
Sorrrrryyyyyyy sa late update... Forgive me... *makes puppy eyes* haha.. Anyway, ang name ng mother ni Julia ay Anette Montes while ang kapatid niya na "boyfriend" ni Ava ay Andrew Montes. P.S hindi ko alam kung bakit puro A ang starting letter ng mga make up characters ko... AS ALWAYS, FAN,VOTE AND COMMENT :)))
Always,
Pukegatepitch
BINABASA MO ANG
Summer Escapades
Fanfiction"Years passed and I knew I need to see you again. I'm just not sure if its for reconciliation or for closure." || discontinued