Gown

121 9 0
                                    

"Wait so fake girlfriend ka ni Quen?" tanong ni Kathryn sa akin habang nagsisipilyo sa cr.

"Hindi Kath giraffe ako." Sabi ko ng pabiro.

"Pero seryoso pumayag naman siya?"

Tumango ako at tumili naman si Kath. "OMG Juls! Kayo na ni Quen!"

Napahinga ako ng malalim. Minsan talaga ang kulit nitong si Kath kaya masarap siyang batukan. "Kakasabi ko lang fake ako. Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa fake?"

"Yung mukha mo" Nilabas ni Kath ang kanyang dila at pagkatapos ay binatukan ko na siya. Wala eh ang kulit ng lahi eh.

"Titigil ka o huhulog kita sa bangin."

"Baka kaya mo?" Sabi niya feeling confident. Natawa ako dito at nilapitan si Kath kasama ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Noong napansin niya ito, lumaki ang mga mata niya at biglang tumakbo sa labas ng bahay habang may naka pasok pa toothbrush sa kanyang bibig.

Hay nako Kath kailan ka pa ba matututo?

Habang wala pa si Kath ako ay umupo at kinuha ang aking phone. Nagulat ako sa aking nakita. 5 miss calls galing kay Quen. Ano kaya gusto nito?

Bigla ko siya tinawagan at bigla rin man siyang sumagot. "Ano problema?"

"May plano si DJ since alam mo na nagiging close na sila ni Kath, na ipaghanda siya sa 18th birthday niya kahit maliit lang."

"Alam ni Kath?"

"Hindi kaya wag mo sabihin. At oo nga pala susunduin kita diyan at bibilhan kita ng gown."

"Para saan?"

"Sa debut nga ni Kath."

"May debut si Kath?" Tanong ko ng pabiro.

"Hay bahala ka diyan."

Pagkatapos noon ay ako agad ay nagbihis ng puti na T-Shirt na may nakasulat na My Chemical Romance at red at black na checkered na pantalon. Sinuot ko rin ang aking ankle boots at ang spiky na bracelet na regalo sa akin ni Kath nung birthday ko. Naglagay rin ako ng konting black eyeliner at mascara hanabg pinapanatiling simple ang aking labi at mga cheeks. Tiningnan ko ulit ang aking sarili at natuwa sa nakita. Sumilip ako sa labas at nakatayo si Quen sa kalye katabi ang kanyang kotse. Nag iwan ako ng note sa lamesa at umalis ng bahay bago pumasok sa kotse.

----'----

Dumating kami sa isang boutique at agad na akong pumili ng gown. Pagkatapos ng ilang pabalilk balik sa fitting room nakapag desisyon na ako na ang gold colored gown ang aking napili. Pinakita ko ito kay Quen at sa tingin ko naman ay nagustuhan niya ito. Dumeretso kami sa bayaran at umalis rin kaagad. Baka kasi may mga fans pa na makasalubong si Quen eh feeling ko hindi pa siya okay para gawin yun ngayon.

Habang nasa daan bigla akong nagutom at nagrequest na pwede muna kaming kumain. Pumayag naman dito si Quen at ipinark ang kotse sa McDonald's. Tumakbo ako kaagad sa loob at pumila na sa cashier. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Quen papunta rito. Nahanap ko ito na nakakatawa kay tumawa ako. Napansin naman ito ni Quen at ngumiti bago akbayan ako sa aking mga balikat.

Pagkatapos ng ilang tao at ilang autograph na napirmahan, kami na ang magoorder at hindi namin aakalin na ang haharapin namin ay si....

Andrew.

Putcha.

Summer EscapadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon