"So ikaw ang bagong boyfriend ni Ava?" Tanong ni Quen kay Andrew. Hindi ko pa nakikita na ganito ka galit si Quen at sa totoo lang natatakot ako na baka may gawin siya sa kapatid ko. I ,mean kapatid ko pa rin si Andrew kahit sabihin na natin na may pagka-tanga, kapatid ko parin siya.
Tiningnan ko si Andrew at nakita itong lumonok ng malalim. "Quen parang awa umalis na tayo. Hindi na ako gutom." Sabi ko sa kanya ng mahinahon. Tiningnan niya ako sabay hatak sa aking kamay palabas ng Mcdonalds.
Paglabas namin ay bigla rin naman kaming pumasok sa kanyang kotse at pumunta sa aking bahay. Pagdating naman doon ay nakita namin si Kath kasama si DJ na nakaupo sa monoblock na upuan sa harap ng bahay. Minabuti na lamang namin na sa kotse muna kami dahil baka makita pa kami ng dalawang "love birds" at tumigil sa kanilang pinauusapan.
---------
Madaming oras ang nakalipas at naisipan namin ni Quen na magpakita na rin dahil a) gutom na ako at b) kailangan na rin umalis ni Quen kasama si DJ. Noong nakita na kami ng dalawa, (by the way muntikan na sila mag kiss) bigla na lamang si nag hiwalay at dumeretso si DJ kay Quen habang si Kath ay hinatak ang aking kamay hanggang kami ay nasa loob na ng bahay.
"OMG MAY DEBUT AKO!?!?!" Sigaw ni Kath.
Napatawa ako dito. "Oo Kath. Alam ko."
Tumili naman ito at nagpapasama bumili ng gown niya. Wala naman akong magagawa diba kaya pumayag nalang din ako. Pumanik kami sa aking kwarto at doon nagbihis. Syempre hindi kami sabay. Ano siya swineswerte? Nirereserve ko lang ang makakakita ng aking napakasexy na katawan.
Pagkatapos namin magbihis ay tiningnan namin ang aming sarili sa salamin. Nakasuot ako ng Misfits T-Shirt, grey na jeans, Chuck Taylors at naglagay rin ako ngmadami daming eyeliner at mascara. Si Kath naman ay naka blue na blouse at naka orange na pantalon. Nakasuot rin siya ng beige na sandals at naglagay ng lip gloss. Nang matuwa na kami sa aming nakita kami ay dumeretso na sa bilihan ng gown. Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas at nakarating na rin kami.
Pagpasok na pagpasok namin ay humiwalay na si Kath saakin at pumili na ng kanyang gown para sa kanyang debut. At pagkatapos ng ilang mahiwagang oras at ilang pabalik balik sa fitting room, nakapili na rin siya ng black na gown na sana pala ay yun nalang ang binili ko kahapon. Pero wala eh tanga eh.
Pagkatapos namin magbayad ay diretso na rin kaming umuwi. At doon namin nakita ang dugoong Andrew.
Quen.

BINABASA MO ANG
Summer Escapades
फैनफिक्शन"Years passed and I knew I need to see you again. I'm just not sure if its for reconciliation or for closure." || discontinued