Chapter 9

4.4K 99 4
                                    

BEA'S POV

"Kumain na tayo." Biglang inalis ni Jho yung pagkakaakbay ko sa kanya. I can say now that she's really mad. As in...very mad.

Pumasok na siya sa loob kaya pumasok na rin ako at dumiretso kami sa kusina. "Ang bilis mo namang magluto."

"Di ako. Si manang."

"Eh kahit na. Bakit ang bilis? Kararating lang natin ah. Wala ka namang phone para makatawag. Nasakin phone mo."

"Ano?! Tapos hindi mo man lang nagawang ibigay sakin!" Gosh. Umuusok na naman yung ilong niya. "Akin na nga!"

"Easy beh. Nakalimutan ko lang ibigay." Inabot ko sa kanya pero padabog lang niya itong kinuha. "Sinundan kita sa St. Luke's para ibigay sayo yan. Pero nakita ko si Marci so ayun hindi na ako tumuloy."

"Sumunod ka para ibigay to?"

"Yeah. Ano pa bang gagawin ko dun?"

"And how the hell did you know that I was there?!" F*ck. Bakit ba ang bilis mainis nito?

"Uh... uhm, may nagtext kasi so I checked it out and it was Trey. S-she said she saw you heading to St. Luke's kaya ayun. Hehe." I gave her my signature smile but it didn't work. She still have this freakin poker face. Ugh. She's not her usual self.

"You what?! Binasa mo yung text? Do you even know the word privacy?!"

"Sorry." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Now, she's really mad. Ni hindi niya nga ako magawang irapan eh. Ano ka ba kasi Bea? Ang dami mo ng kasalanan sa kanya!

She sighed. "Let's eat."

Naupo kami at nagstart ng kumain. Kahit sobra-sobra ang gutom ko, hindi ko magawang kumain ng maayos. Can you imagine? No lunch plus a very long travel. Ugh. I would die right now but no. Not now.

It's very awkward, like VERY awkward. Balot na balot ng katahimikan ang buong lugar. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan. Plus nakokonsensya pa ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-sorry sa kanya.

I know she's mad at me. I know... She would've rolled her eyes on me if she's not. Hindi rin siya mag-popoker face ng ganyan kung hindi siya galit.

I should say sorry. "Jho, I'm--"

"I'm done." Binagsak niya yung kamay niya sa mesa sabay tayo. I never saw her like this. Like never ever. "Just go upstairs when you're done. I'll just take a quick shower."

Umalis na siya at umakyat sa taas. Okay? Binilisan ko nalang ang pagkain ko. Sino ngayon ang maghuhugas nito? Ako? F*ck. I can't wash dishes. Nilagay ko lang sa sink lahat ng plates. Now what?

"Ako ng bahala dyan hija."

"Ay palakang nadapa!" Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Sheesh. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Manang naman, bakit lagi kayong pasulpot sulpot?"

"Pasensya na hija. Hindi na kasi ako sanay na may ibang tao dito. Ngayon lang ulit kasi nagawi dito si Ma'am Louisse mula noong aksidente."

"A-aksidente?"

"Oo."

"Uhm.. Sige po, aakyat na po ako sa taas." Umalis na ako at dumiretso sa taas. Tss. Saan ba dito ang kwarto niya?! Ang daming pinto.

Binuksan ko yung unang pinto. Madilim sa loob kaya kinapa ko yung switch ng ilaw. Pagbukas ng ilaw ay-- "Wow." bumungad sakin ang sandamakmak na bola ng volleyball! Trophies. Nets. Flags. Jerseys. Shoes. Lahat ng volleyball equipment and stuff to be exact. "I never thought she loves volleyball that much."

Secret Love Song (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon