Chapter 25

4.6K 115 45
                                    

THIRD PERSON'S POV

(The Past)

"Ang daya mo naman eh!!!!"

"Hahahaha! I am not!"

Sumimangot ang isang napakacute na bata babaeng nasa edad na pito. Pilit niyang inaabot ang bola sa isa pang babaeng ka-edad niya pero mas matangkad sa kanya.

"Gimme that! Gimme!"

"Abutin mo kasi."

"I'm trying! But it's too high! You're so unfair Louisse!"

"I'm not Isabel. You're not doing your best."

"Oh yes I am!" Lalo pang sumimangot si Isabel kaya lalong naningkit ang mga mata niya habang inaabot ang bolang itinataas ni Louisse. "Pag ako tumangkad hindi mo na rin maaagaw yung bola sakin!"

"Louisse! Stop it na. You're gonna make Isabel cry na."

"Noooo. She won't cry. Right, Isabel?" Hindi sumagot si Isabel at isa lang ang ibig sabihin nito.

"Cry baby." Singit ng isang batang lalaki.

"I'm not a cry baby Jeune! Baka ikaw!" Sinamaan niya ng tingin si Jeune at inirapan.

"Tama na yan Louisse." Inagaw ng isa pang batang babae ang bola kay Louisse kaya siya naman ang nakasimangot na ngayon.

"Naji!!!!"

"What now?"

Hindi sumagot si Louisse kaya napangiti si Naji. "Tara nga dito. You're so cute." Niyakap niya si Louisse sabay gigil sa pisngi nito.

"Hey! Louisse is mine!" Sigaw ni Isabel at hinila si Louisse sabay harang sa kanya. "You want her, you face me first."

"Sa liit mong yan Isabel? Di mo 'ko kaya."

"Oh you bet I can!"

"Isabel!!!!!" Sabay sabay silang apat na napatingin sa malayo. May isang batang babae ang tumatakbo papunta sa kanila at kumakaway. "Tawag ka ni Tita Det!!!!!"

"Takbo ka ng takbo Kianna. Pag ikaw nadapa naku!" Sermon ni Naji pagkalapit ni Kianna sa kanila.

Ngumiti lang si Kianna bilang sagot at agad na pumasan kay Isabel. "Horsey horsey!"

"Kiannaaaaaa! You're too heavy!" Reklamo ni Isabel at pilit na ibinababa si Kianna. "Buti pa Louisse magaan lang!"

"I hate you Isabel!" Sumimangot si Kianna at bumaba. "Let's go! Tita Det cooked for us."

"Alright!" Tuwang tuwa si Isabel dahil pinagluto na naman sila ng mommy niya ng mirienda. Hinawakan niya agad ang kamay ni Louisse at sabay silang tumakbo.

Naiwan ang tatlo na sinundan nalang ang dalawa ng tingin.

***

"Where's Louisse?"

"Dunno." Sagot niya sabay kagat sa kinakaing sandwich.

"Bakit di mo alam?"

"Hindi naman ako hanapan ng nawawalang tao, Jeune."

"Dapat alam mo Naji. Sayo siya binilin ni Tita Lovel diba?!" Napailing nalang si Jeune at padabog na umalis.

Umirap lang si Naji at nagpatuloy sa pagkain.

"Umalis na ba?" Bulong ng isang babae mula sa ilalim ng mesa.

"Yep."

Lumabas si Louisse mula sa ilalim at tumabi na kay Naji. "Nangawit ako dun ah!"

Secret Love Song (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon