Chapter 1: Giving Heartaches

245 11 0
                                    

Celiza's Point of View </3

"I'm Sorry babes, ugh, Ry . . .Naisip ko na hindi maganda na ipagpatuloy pa natin to. Hindi ko gusto saktan ka pero, Hindi tayo bagay, marami tayong hindi mapagkasunduan, marami akong gusto na hindi mo kayang ibigay, Sorry. tapos na tayo."

Hindi ko na sya pinag salita pa, bakit pa? Isa lang naman siya sa mga lalaki na hindi ko na binibilang pa as boyfriend ko . . Umiyak man sya at humagulgol sa hallway ng SIYU (CEU), wala na ako pake. . Paulit ulit lang naman tong scenario na to sa tuwing makikipag hiwalay ako sa mga nagiging boyfriend ko. . Mejo BAD GIRL ba? well, kung bitin kayo kasi napaka ikli lang nang usapan namen at hindi na ganung binigyan pa ng detalye ang usapan namen, (Ni hindi nga binigay ung buong pangalan ng boy eh) eh di mag hintay kayo, kasi may manliligaw na ulit ako :P At malamang sa malamang . .d rin mag tatagal ng mga to >:D

Celiza Marie Watson po, kilala sa SIYU as Heartbreaker, bad image? yes, Proud ba? Oo naman, HAHAHA, eh instant celebrity ang dating ko no. Maglalakad ka lang sa mezzanine e pinag bubulungan na ako ng mga Ex-girlfriend ng mga Ex-boyfriend ko. . . oh diba?

Kakain ka sa mga Fastfood sa labas maging sa convenience store at small movie house sa Recto, anjan lahat sila, nag wisiwis ng pangalan ko. Every other week, ibang boy ang kasama ko, siguro sa population ng School of Pharmacy sa SIYU, halos 1/2 na ng mga lalaki ang nanligaw sa akin, ( ganda ko no? ) 2nd year palang ako, 17 years old. Hindi ko alam kung anu pumasok sa isip ko at nangongolekta ako ng mga lalaki dito. Mga blockmates ko nalang ata ang hindi nagkakaroon ng lakas ng loob ligawan ako eh. Ewan ko ba. Siguro dahil sa bestfriend ko, si . . . .

"Lhei!" ayan na sya, nag lalakad sa tapat ng Bookstore na malapit lang sa school, yung kulay red at white ang COLOR ng LOGO. heheh..

"Mariemars" sagot ng bestfriend ko sa akin.

"Beyen bhez!" pag rereklamo ko sa nakakainis na tawag na sa pangalan ko.

"Hahaha! sorry mars, nang iinis lang, nakikita ko kasi sa mga mata mo na isa nanamang puso ang tinanggal mo sa dibdib ng isang lalaki ngayong araw! hmmmmm"

"Si Ryan?" aba, natatandaan ko pa yung pangalan niya. LOL. Sabagay, ako ba dapat ung bitter?!

"Bhez?" pabulong na singit ni Lei. "Tama na yan. . alam kong naiinis ka sa mga lalaki dahil sa nangyari sa amin ni Leo" si Leo Reign Orleza, ex-boyfriend ng bestfriend ko na si Lhei Anne Perez. Nag iinit talaga ang dugo ko sa tuwing maririnig ko ung pangalan ng lalaki na yun. Sige ikwento natin sandali kung sino ba ung P*NYETANG yun para naman may kakampi ako dito.

Si Leo! ang antipatikong lalaki na akala mo kung sinong gwapo na naging boyfriend ni Lhei simula 3rd year highschool pa kame. 1st year college lang BFF ko ngayon kahit na sabay kaming grumaduate at sa tingin ko ay alam na ninyo ang dahilan kung baket!? OPO! Binuntis niya ang kaibigan ko! At matapos na malaman ng WALANG HIYANG lalaking yun na may dinadala na si Lhei sa tyan niya. Iniwan na niya eto at lumipad papuntang ibang bansa. Hindi din naging maganda ang pag hihiwalay nila kasi, pinag bintangan pa ng LALAKING YUN ang bestfriend ko na nakipag HOOk UP sa iba at ipinasa lang daw sa kanya yung pagiging AMA ng BATA! NAKU!

"Bhez, ang presyon mo . . kumukulo nanaman ang dugo mo . . tagos sa sa balat o!" pag pansin ni Lhei sa biglang pag babago ng mood ko..

"Ai naku Bhez! alam mo naman na talagang nag didilim ang mundo ko sa tuwing na aalala ko at naririnig ang pangalan ng LALAKINg yun" sabay taas ng manggas ng puting puti ko na school uniform. "Sana nga nag crush na yung eroplano niya.!" 

Medyo demonyo nanaman ang peg ko ah..

"Ai naku bhez, hayaan mo na yun. umuwi na tayo, sa daan na natin pag usapan yung tungkol sa inio ni Ryan" pag yayaya ng kaibigan ko na kanina pa nag hihintay sa pag uwi ko galing sa klase.

How to Break a Breaker's Heart? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon