Hindi maganda ang gising ko kasi maaga palang binubulabog na ako ng maganda kong pinsan . . . . Si Van po yung tinutukoy ko. Pinipilit niya na meron daw akong kaklase na nag hihintay sa akin sa baba. Hindi pa ako tinatawagan ni bhez na ginagawa niya tuwing umaga. Hindi ko parin nararamdaman na pinatay ko na yung alarm ko. Basta ang alam ko hindi pa talaga oras para bumangon ako.
"Bumangon ka na dyan. Malelate na ako sa klase ko."
"Ano ba biii, maaga pa. Pumasok ka na. At sabihin mo dun sa naghihintay sa akin, tulog pa ako, masakit ang ulo, nilalagnat, hindi makatayo, bugbog, coma! naka confine!...."
Naramdaman ko na may humawak sa parteng noo ko. Iniwas niya yung magulo kong buhok sa mukha ko. "Gusto mo bang padalhan kita ng doktor dito ngayon." Hindi na boses ni Van ang narinig at pumasok sa tenga ko. Minulat ko agad ang mata ko at tumingin sa kung sino mang masamang espiritu ang kumakausap sa akin ngayon. Nagulat ako ng makita ko si Jake na nakaluhod sa kama ko at tukod ang isang kamay sa mga unan ko.
"Anong ginagawa mo sa kuwarto ko!? Sino ang nag papasok sayo dito." Napaupo agad ako, itinaas ko yung kumot ko at ibinalot sa katawan ko.
"Sa sobrang tagal ko na na nag hihintay sayo halos ikwento ko na sa pinsan mo ang talambuhay ko. Anong oras ka ba babangon? Malelate na ako sa klase ko." Dumiretso na sya ng upo sa kama ko at sumandal sa isa sa mga unan ko. "At wag mo na rin itanong kung kumaen na ako. Kumain na ako kasama sila ng mama mo."
Napataas ang kilay ko. "Ang kapal ng mukha mo ah. Meron ka ba nung HIYA na tinatawag nila?"
Tumingin sya sa relo niya. Tiningnan niya ako sa mga mapang-asar niyang titig. "Meron pa akong 30 minutes bago magsimula ang klase ko."
"Binubwisit mo ako Jake. Pumasok ka na kung gusto mo! Wag mo ako abalahin sa pag tulog ko. MAAGA pa para sa klase ko." Humiga ulit ako tapos itinago ko yung buong katawan ko sa ilalim na kumot ko.
"29 Minutes." Naramdaman ko na itinaas niya ang paa niya sa kama ko.
"Tigilan mo ako!"
"Tick-tock-tick-tock!" Eto ba talaga yung lalaki na yun! Yung kahapon lang eh nagtanong sa akin kung pwede akong maging girlfriend pero sa halip na pagandahin ang gising ko e sya pa ang nag sisimulang mangbwisit sa akin.
"Argh!" tumayo na ako sa kama ko at tinulak sya palabas ng kwarto ko. "Lumabas ka na! Maliligo na ako. Maghintay ka na sa baba. Pwede?"
"Bilisan mo! 28 Minutes nalang..."
Isinara ko na agad yung pinto nang makalabas sya sa kwarto ko. Pero naririnig ko parin yung pang aasar niya na para talagang pinagmamadali niya ako.
Natapos na ako maligo. Sobra narin akong nagmadali para lang tigilan ako ng lalaking yun. Ngayon palang ako tinatawagan ni Lhei para gisingin.
Bumaba ako at andun parin si Jake, nakikipag kwentuhan kay Van na halata namang natutuwa narin sa kausap niya.
"Siguraduhin mong babawi ka sa akin sa pangbubulabog mo ng ganito kaaga." Nagawa ko na syang irapan dahil sa sobrang asar.
Tumayo na sya at nagpaalam sa pinsan ko. "Bye bii." Kumaway siya kay Van at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Tara?"
****************************************
Bumaba na kami ng sasakyan ni Jake at dumiretso papasok ng school. Sinalubong naman kami ng ngiti ng mga guard. "Mas bagay naman sayo ang naka uniform ah. Kung ganyan ba naman araw araw e di wala tayong problema."
Ngayon ko lang napansin na suot na nga niya yung uniform niya. Malinis syang tingnan maliban parin nga lang sa mahaba niyang buhok. Hinila niya ako papuntang elevator. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
How to Break a Breaker's Heart? [On-Going]
Teen Fiction"Kung fate namin ang magkita lagi, hindi ba nilalapit siya sa akin ng tadhana para makamoved on sa oras na meron pang boyfriend ang ex-girlfriend ko." - Jake Alvarez. "Kapag sinabi na natin yung 'OO' sa mga lalaki, babalik na ulit sila dun sa 'make...