Chapter 6: Unwanted Kiss

84 4 0
                                    

Masakit parin ung bungo ko sa pagkakauntog ko sa locker na walang hiyang lalaki na yun. Hinihintay ko yung result ng exam ko, ala una y medya na, nakaupo ako sa canteen at kumakain. Bwisit, sa tuwing nakikita ko sya, nadadagdagan ng nadadagdagan ang inis ko.

Siguro pwede ko nang malaman kung nakapasa ba ako o hindi kaya naman tumayo na ako. Pumunta na ako ng admissions office. Konting lakad yun simula sa canteen. Sumilip ako at ... BOOM! Sinalubong ako ni Cute na examinee.. :)

"HI, ikaw si ahhm..." hinahanap niya yung pangalan ko dun sa mga hawak niya na sobre, sa tingin ko un na ung mga result nung kinuha naming exam kanina. "Celiza Marie U. Watson? tama po ba?" tapos inaabot niya yung sobre sakin.

"Yup, pasado ba ko kuya?"

Ngumiti lang sya sakin tapos hinihintay niya na buksan ko yung sobre, parang mas excited pa sya sakin. Binuksan ko na din un para nga tingnan yung result. "Congrats, po ate. Welcome sa National-U." Napatingin ako sakanya. Tch.. Hindi naman ako ganun kasaya, pero kung ganito rin lang namang mga tao ang makakasama ko araw araw. Hai, nakakatunaw ka po.

"Thank you,"

"Ahm, magtatransfer po ba kayo ate? o freshmen?" pagtatanong ulit ni guy.

"Transfer, Pharma, 2nd year. Same procedure narin ba yung freshmen at ung mga transferee?" Sa totoo lang kahit hindi ko na itanong un, ok lang. Si tita naman kasi talaga ang mag iintindi ng pag enroll ko dito sa school. Kailangan ko lang ibigay kung ano ang mga dapat ipasa. da MOVES lang talaga. >:D

"Ow? Pharma din po ako dito, 2nd year standing, baka maging magkaklase po tayo." Naku, bawas badvibes naman to. Magiging kaklase ko si cute sa paglipat ko. Rawr, pero hindi ang lalaking to ang misyon ko dito, "Tungkol naman po dun sa procedure, Yup, parehas lang po. Magkakaiba lang siguro sa mga kailangang ipasa pero maliban dun, same procedure po." tapos nginitian niya ulit ako. HIHIH. Approachable si kuya.

"Ah ganun ba? sige thank you po u ..." hindi pa ako tapos magsalita may naamoy akong pamilyar sa ilong ko.. SHIT!

"Ei,Alvin? Nakita mo ba si Mr. Gales?" Snatcher Guy? Napalingon na nga ako at ... WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEW! Nakakasira talaga ng mood to!

"Hoy!" biglang nagshift ang maamong pusa kong mood sa isang galit na galit na musang. GROOWWWWLL!

"Ei!" Ang kapal ng mukha ng lalaking to, nagawa pa niya na batiin at kawayan ako.

"Magkakilala kayo?" tanong naman ni cute. Sya ang nagpipigil na pag putok ng bulkan sa loob ko. Nakakakulo ng dugo. IIIII!

"We actually met hours ago, but I never had the chance to ask her name, She's having an argue with my locker." At talagang pinag mukha pa akong baliw sa harap ng cute na kausap ko.. argh!

"What? No way this girl will be talking to your lifeless locker." Buti pa si cute, nakakapag differentiate ng maganda sa baliw. Wait lang, ako ang pinag uusapan dito, siguro pwede na akong sumingit.

"Excuse me? Meron pa siguro akong mga 5 minutes before umuwi. ahhmm Mr.?" kinausap ko sya sa tone na kunwari gusto ko malaman ang name niya. At sa tingin ko naman nagets nila yun.

"Alvarez, Jake Alvarez," He tried to offer his hand pero hindi ko sya kinamayan.

"Ok, Mr. Alvarez. As I was saying, meron pa akong 5 minutes before ako umuwi. Meaning, meron ka pang time para mag sorry sakin." Ang plano ko eh painlove-in ang lalaking to. Pero sa tingin ko hindi ako magtatagal na makasama sya sa sobrang jerk niya. Nakakainis.

"Look. I'm sorry, Hindi ko naman alam na may girl na pipiliing mag lakad sa harap ng locker ko eh samantalang napakalawak ng daan sa gitna ng hallway." Nag sosorry ba talaga sya? Kung meron pang ha-High pa sa Highblood, baka inatake na ako ngayon sa sobrang badtrip ko sa lalaking to.

How to Break a Breaker's Heart? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon