Chapter 2: Hate at First Sight

158 9 0
                                    

"Lilipat ka na ng NU."

WAAAAAAAA! chos. . masyado naman. . HAHAHA. wala naman sakin yun kung lumipat ako ng school . . medyo nakakainis lang kasi mapapalayo ako sa bestfriend ko .. HELLO?! sa halip na lakad lang ng simula SIYU hanggang PIYU, mapapasakay pa ang lola mo. . at saka, mejo mahirap makipag friends sa strangers no. . sure na block section na sila, tapos eepal ako bigla..

"Wag kang O.A. Liza." pag pansin agad ni mama sa napaka papansin kong pag react. hehehe. .hmmm wait lang . .

"Ma, Anung planeta naman ang bumangga sa isip niyo at ginusto niyo na lumipat ako ng school?" kasi naman, bigla bigla nalang? parang kriminal lang sa mga pelikula ah, oh kaya ung mga secret agent, kapag mejo narereveal na yung identity, bigla nalang lilipat ng address. "Baka gusto niyo na din na palitan yung pangalan ko?"

"Me and your dad talked about it last night, medyo hindi na maganda ang image mo sa school. You've been ruining lives dyan sa pakikipag relasyon mo at pag iwan sa mga nagiging lalaki mo." yung voice ni mama, medyo seryoso pero babanat parin ako >:D

"Ruining Lives!? BIG WORD MA!" hahaha . . wag ka, bagets parin yang mama ko.

"Liza, we've been supporting you jan sa pakikipag relasyon mo, We see nothing wrong with you being on a relationship, perhaps, you are already 17, not in legal age yet but, gusto rin naman namen maramdaman mo yung mainlove at that stage." sermon ba to, si mama kasi, kung anu anu ung pinapanuod sa TV kaya pati mga linya sa teleserye binabanat na sakin. hai . "Pero yung ginagawa mo, kinakabahan kame, babae ka, mga lalaki yan, paano kung balikan ka nila. Ayaw namen na may mangyari sayo sa mga ginagawa mong yan!"

"Ma, I can take care of myself. Or kung gusto niyo pabantayan ninyo ako kay Kuya Van" Sabay kindat sa papasok na lalaking may bitbit ng mga pinamili nila mama. "Ok lang diba kuya?"

"Woi Woi Woi! anu yan?! Baket naririnig ko yung pangalan ko jan?" hehehe.. Si Van Salvador! ang pinsan kong pang Action Star ang pangalan, pero may sikreto ;P gusto mo malaman ? HAHAHAA .. wag na! hulaan niyo nalang ..LOL!

"Liza, ayaw ka nameng pag higpitan ng daddy mo, pero hindi rin namen itotolerate yang mga ginagawa mo." Gusto ko na umakyat sa taas, hindi ako sanay na sinesermunan ng ganito ng mama ko. hai. Anu ba naman yan. nakakahiya naman kung hindi ko iaaply ang GMRC ko nung gradeschool kaya hahayaan ko nalang mag salita si mama. "Tomorrow, we'll be talking to your Auntie. Excuse yourself from your classes."

"ok ma," sagot ko nalang para hindi na humaba tong usapan na to. "Akyat na po ako sa taas. GOODNIGHT" sabay akyat sa hagdan papuntang kwuarto.

"Liza, Hindi ka ba kakaen?" pahabol na tanong ni mama.

"Kumaen na po kame ni Lhei sa labas. Matutulog na po ako. GOODNIGHT ulit!" at ayun. Pumasok na ako sa kuarto kahit nga hindi pa ako kumakaen. Baka kasi tumawag pa si daddy at kausapin ako, aabutin nanaman kame ng magdamag sa mga hindi nauubos na kwuento niya.

Katulad nang mga nakaraan at lumipas na mga araw, ayun, hindi ko binubuklat yung mga libro ko, halos puro cramming nalang ang ginagawa ko at wala talagang todong review. Nagsisimula palang naman ang semester kaya sa tingin ko, ok lang na mag papetiks petiks ako no?

"Aw shet! hindi ko pa natetext si Lhei simula pag uwi ko!" kinuha ko agad yung phone ko at pag unlock TSUK! "50 Messages Received?" well natural na yan . Kasi nga ang ganda ko ee.. hmmmm.. search search search . . . .

"Walang text si Lhei?" mejo nakakagulat hah.. matawagan na nga lang .. dial dial dial . . at isang pindot nalang ng DIAL BUTTON ay success na ang pag connect ko sakanya ng biglang . . . .

"*YOUR INSECURE, DON'T KNOW WHAT FOR, YOUR TURNING HEAD WHEN WALK THROUGH THAT DO-OO-RR!*"

what?! another random guy na gustong maghanap ng magandang kausap sa phone.. sa totoo lang, kung papangalanan ko yung mga lalaking nakakausap, nag tetext at tumatawag sakin, well, decade tayo bago matapos. maidial nga ulet .. hmmm..

How to Break a Breaker's Heart? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon