The Reader Who Fell In Love <3

38 2 0
                                    

Maraming tao ang mahilig magbasa nang mga kwento. Pero yung iba, nakakalimutan na gawin or sadyang kinakalimutan na lang talaga nila. Kesyo busy daw sila, kesyo boring daw, at higit sa lahat, ang pinakasikat na linya, TINATAMAD DAW SILA.

Pero hindi naman natin sila masisisi eh kasi, ang mga tao iba't iba ang mga pananaw nan pati yung mga pinagkakainteresan nila sa buhay kaya rin siguro ayaw lang talaga nila magbasa.

Pero back to the reality...

Naramdaman niyo na ba yung feeling na mag hahatinggabi na pero nakatutok parin kayo dun sa binabasa niyong story tapos biglang may maninigaw sa inyo nang "Tama na yang pagbabasa! Lalabo yang mga mata mo diyan! Sige ka! Magkakasalamin ka niyang ginagawa mong yan! Papanget ka pa! " tapos iisipin mo muna nang maigi yun pero magpapatuloy ka parin sa pagbabasa.

Naramdaman niyo na ba yung feeling na sasabihin niyo sa sarili niyo na "Hanggang dito sa chapter XXX muna nga lang ako tapos bukas na lang ulit" pero dahil sa nabitin ka nagbasa ka pa.

Naramdaman niyo na ba yung feeling na kinabukasan pagtingin niyo sa salamin niyo, nagtaka pa kayo kung bakit at paano kayo nagkaroon nang mga eyebags tapos ang sasagi na lang sa isipan niyo ay yung dahilan na 'Oo nga pala. Tinapos ko yung binabasa ko kagabi.'

Naramdaman niyo na ba yung feeling na ginawa niyo lang ang lahat para mabasa at matapos yung story na binabasa niyo, tapos pagnatapos niyo sasabihin niyo na lang "Ang bitin naman!" o kaya, kapag naman sobrang ganda nung naging ending hindi na kayo makatulog kasi iniimagin mo pa kung paano kaya kung sa inyo nangyari yung bagay na yun.

Naramdaman niyo na ba yung feeling na kababasa niyo, hindi niyo namamalayan na nilalamon na pala yung utak niyo nung story kaya naadapt niyo na siya.

Naramdaman niyo na ba yung feeling na kapag nangiti yung bida sa istorya, hindi niyo namamalayan na nakangiti na rin pala kayo, (AMININ! NANGITI KAYO PANIGURADO NGAYON!) kapag kinikilig o kaya nagbablush yung bida, kikiligin at magbablush na rin kayo, kapag yung mga asungot na kontrabida dun sa istorya pinapahirapan yung bida, magagalit na kayo, tapos kapag malungkot yung bida, nagiging malungkot na rin pala kayo, at higit sa lahat, ang pinakasikat, naramdaman niyo na ba yung feeling na kapag umiiyak yung mga bida, bigla na lang may tutulong luha mula sa mga mata niyo tapos bigla-bigla na lang kayo sisinghot. #UHOG >.<

At lastly, para sa mga babaeng katulad ko. Naramdaman niyo na ba yung feeling na dahil sa sobrang kinikilig kayo at iniimagin niyong sobrang gwapo nang mga bidang lalaki dun sa story na binabasa niyo, mapapahiling na lang kayo na..


"Sana totoo na lang siya. Sana may ganyan sa totoong buhay."



Pero mapapaisip kayo dun sa sinabi niyo tapos ang papasok na lang sa isip niyo ang yung mga salitang...

"Nga pala. Walang nag-eexist na ganyan."

Pero paano nga kaya kung mag-exist yung mga characters lamang sa mga gawa lang na stories? I mean what if... they come into real life?

Posible kaya yun? Kasi ang sabi nila... "NOTHING IS IMPOSSIBLE." daw.

Well.. hindi natin alam. Hindi ko rin naman alam eh. Pero paano nga kaya noh kung mangyari yun?


"We met for a reason. You're either a blessing or a lesson."

The Reader Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon