Chapter 5: Cloud The Lost Boy

5 0 0
                                    

Chapter 5 : Cloud The Lost Boy

Chiara's P.O.V.

"Hmp! Oo na! Oo na! I'm Cloud. Cloud Jail Daysford. "

Literal na huminto ang mundo ko sa mga sinabi nang taong nasa harapan ko. Siya yun. Siya yung Cloud na Ulap na Kulungan pa na Hugotero na Brokenhearted na gwapo na lalaki dun sa Lost In The Middle Of the Sky na istorya ni Blackheart.

Imposible. Paano siya nakalabas dun sa istorya? Kinuha ko yung cellphone saka ko binuksan yung wattpad ko. Nawawala yung istorya ay! Ayun pala! Ang dami ko kasing libro sa library eh. Hahaha! Ang kaso... may kakaiba sa kaniya.

Iba na yung cover niya. Kulay light blue na lang siya na kumikinang kinang tapos wala na yung lalaki dun sa cover. Napatingin ako kay Cloud. Tinitigan ko ulit siya, over and over again hanggang sa napatingin ako dun sa may bandang tiyan niya. Syemay! ABS. ABS. ABS. ABS. ABS. ABS. ABS. ABS. ABS. ABS. YUMMY! ANOBENEMEN YEN! KALOKA!

Cloud's P.O.V.

Huminto lang si Chiara. Hahahaha. Oo na, FC na ako. Nakiki-Chiara na ako. Hahaha! Pero medyo kinilabutan na ako sa kinilos niya nang mapatingin siya sa bandang tiyan ko.

Panigurado, minamanyak na ako sa isipan niya. Hahaha!

"Huy! Tama na! Matutunaw ako nang ginawa gawa mong yan! "

"AY ABS! " nanlaki kaagad yung mga mata ko. "ESTE MANYAK. MANYAK KA. MANYAK KA. MANYAK KA. TAMA! MANYAK KA NGA!  LUMIPAT KA NGA NANG INUUPUAN MO! PSH! LIPAT! "

Tumayo ako mula sa pagkakaupo dun sa kama niya. Oo na. Umupo na ako dun. Ang lambot kaya nang kama niya. Hehehe. -.-

"Kilala mo ba ako? " tanong ko kay Chiara saka ako umupo dun sa upuan niya sa desk niya  sa kwarto. Tiningnan niya lang ako na parang kinakabisa niya yung itsura ko.

"Kilala mo ba ako? Kasi kung kilala mo ako-- "

"Hindi. Hindi ikaw yun. "

"Anong hindi? Anong sinasabi mo diyan? "

"Ang ibig sabihin ko, hindi. Hindi kita kilala. Akala ko kasi ikaw yung kaklase ko nung prep ako, yun pala hindi. Malabong mangyari yun. Masyado kang gwapo para maging ikaw siya.  " biglang nag-init yung tenga ko. Ako? Gwapo? Hahaha!

"Tama ba yung pagkakarinig ko? Ako? Gwapo? " sinamaan niya ako nang tingin saka niya ako binato nang unan na nasalo ko rin naman.

"Tse! Manahimik ka nga! May iniisip ako eh! "

"Anong iniisip mo? I mean, sino. Ako? Hahaha! "

"Tongek! Hindi! Iniisip ko, kung... kung... kung... "

"Kung?"

"Kung papaano ka napunta dito sa kwarto ko. Normal ka naman siguro na tao diba? "

"Oo nga noh. Paano ako napunta sa sahig nang kwarto mo? "

"Hindi ko alam. Aba't dapat ako nga ang magtanong nan sa'yo eh! Kaloka ka! Nakakaimbyerna ka nang araw ko! "

"Pero seryoso, hindi 'to ang village ko. Nasaan ba ako? "

"Nasa impyerno ka, " sinamaan ko siya nang tingin. "Este, Villa Villanueva. Eh ano bang pangngalan nang village niyo? "

"Villanueva Villa. " nanlaki yung mga mata niya.

"Eh halos magkapareho pala ang pangngalan nang Village natin eh! Kaloka! "

"Oo nga noh. Hahaha! Pero iba naman ang mga bahay dito eh. Pero paano ba ako napunta diyan sa sahig mo?! Nagtataka na talaga ako, ah! "

"Basta! Hindi ko alam! Kahit na ako nagugulohan na eh! Hays... " bumuntong hinga si Chiara at nagkaroon nang panandaliang katahimikan pero biglang may kumatok.

"Baby Chia, meron ka bang kausap diyan? Gising ka na ba? " biglang nanlaki kaagad yung mga mata namin ni Chiara. Yung MOMMY niya!

Bigla naman akong tinulak ni Chiara papasok sa banyo. Hala! Ako ata ang rereypin netong babae na 'to eh.

"Diyan ka lang Cloud. Wag kang mag-iingay kung hindi. Hindi ka makakalabas nang buhay dito. Ang alam ni Mama, hindi ako nagpapapasok nang gwapo sa aish! Basta may allergy ako sa gwapo! "

The Reader Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon