Chapter 6: Boyfriend

9 0 0
                                    

Chapter 6 : Boyfriend

Chiara's P.O.V

"Diyan ka lang Cloud. Wag kang mag-iingay kung hindi. Hindi ka makakalabas nang buhay dito. Ang alam ni Mama, hindi ako nagpapapasok nang gwapo sa aish! Basta may allergy ako sa gwapo! "

Tumango-tango na lang sa akin si Cloud saka tuluyan sinarado nang kaunti yung pintuan ko sa banyo. Pagkasarang-pagkasara naman niya nun, pumunta na ako sa may pintuan para buksan yun saka tumambad ang nanay ko. Hay nako!

"Nasaan yung kausap mo? Nasaan? " tanong agad sa akin ni Mama na hindi manlang naghulus-dili.

"Ha? Kausap? Wala kaya akong kausap. " ang galing ko talagang magmaang-maangan! Hahaha!

"Anong wala? Eh bakit ang tagal-tagal mong magpakita sa akin, aber? "

"Ma.. naghilamos pa ako. Tapos nagtooth-brush pa ako. Siyempre kapag nagtutooth-brush tayo, hindi tayo makakapagsalita nang ayos at saka Ma, tumae pa ako. " ang galing kong magpalusot! Wuhooo! Saludo na ako talaga sa sarili ko! Hahaha!

"Hmp! Ewan ko sayo! Basta kapag nalaman ko lang talaga na! Na! Meron kang itinatago, Chiara! Humanda ka sa batas nang isang api! Tse! "

Pagkatapos nang napakawalang-kwenta usapan namin ni Mama, umalis na rin naman siya saka ko sinigurado na wala na siya malapit sa kwarto ko. Saka ko pinuntahan si Cloud sa banyo ko.

"Cloud. Labas na. " sabi ko sa kaniya.

"Teka lang. Naihi pa ako. Hahahaha. Kanina pa ako nagpipigil nang ihi eh. Hahaha! "

Napasapo na lang ako sa noo. 'Tong Ulap na to. Hay nako! Ano bang gagawin ko dito?

***

Cloud's P.O.V.

"Okay, Cloud. Yung mga tinuro ko sayo, natatandaan mo parin ba? " tanong sa akin ni Chiara na kasama ko sa labas nang gate nang bahay nila.

"Oo naman! Eh siyempre, isang daang beses mo kaya pinaalala sa akin yung mga kailangan kong sabihin sa Mommy mo. " sabi ko sa kaniya.

"Aba! Kailangan talaga yun noh! Siyempre ayokong magkamali ka sa harapan nang Mama ko. Basta ha. Yung mga paalala ko sa'yo. "

"Ayay! Captain! Pati yung mga pick-up lines, na sinabi mo na gagana sa Mama mo. Natatandaan ko parin. Kaya lika na! " pagmamayabang ko kay Chiara.

Nga pala, nagtataka kayo kung paano kami nakalabas noh? Well, ganito kasi yung nangyari..
*flashback*

Pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo na iniihian ko. Hinila kaagad ako ni Chiara para makausap.

"Cloud. Saka na tayo mag-usap nang masinsinan ha. Kasi masyadong komplikadong komplikado talaga yung sitwasyon natin. " sabi niya sa akin.

"Sige sige. Pero anong pag-uusapan ba natin ngayon? " tanong ko sa kaniya.

"Ano pa nga ba? Edi ang plano natin para makalabas ka dito sa bahay na 'to at paano kita mapapapasok ulit. "

"Ha? Papalabasin mo ako tapos papapasukin mo ulit ako? Medyo nakaka-gm yun, ah.. Aray! "

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa binatukan niya ako. Kasi naman eh. Nakaka-gm naman talaga kasi yung sinasabi niya. Ilalabas tapos ipapasok. Hay nako!

"Alam mo, mas maganda kung iipunin mo na lang yang kabastusan mo sa loob nang ulo mo, ha. Para ngayon, mapag-usapan natin kung paano kita mapapatira dito kasi wala nga yung bahay mo dito, diba? Kaya ikaw, makinig ka na lang at makipag-operate, okay?! "

The Reader Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon