Chapter 7: Best Actor of the Year

8 0 0
                                    

Chapter 7 : Best Actor Of The Year

Chiara's P.O.V.

"Oh Baby... sino siya? Boyfriend mo? "

Nanlaki kaagad mga mata ko saka ako napatingin kay Cloud na nagulat rin. Naman! Sa lahat naman! Sa lahat naman nang itatanong niya. Ayan pa!

"Ma! Hindi po! " tanggi ko. Siyempre hindi naman talaga eh.

"Ay! Ganon ba? Sayang! Eh sino ka ba, Ijo? Ngayon lang naman kasi kita, nakita eh. Anong bang pangngalan mo? "

Tumingin ako kay Cloud na napangiti na lang sa tanong ni Mama sa kaniya. Sana wag kang magkakamali. Subukan mo lang talaga! Nako! Titirisin ko yung hotdog mo!

Tumingin sa akin si Cloud na nakangiti saka ulit siya tumingin kay Mama. Lumapit siya kay Mama saka nagmano. Nagulat naman si Mama sa ginawa ni Cloud kaya napangiti na lang siya.

"I'm Cloud Jail Daysford po, Ma'am and I can be your future son-in-law if you want too, este anak po. I'm from United States po, Ma'am. Nakilala ko po yung anak niyong si Chiara in the airport, last time na naghatid siya nang mga kaibigan niya doon. Nakabanggaan ko po siya there. Well, I'm here to find my parents, my family, because the people who serves as my guardians in the U.S. just died a month ago and I don't really know too much about here in the Philippines until one day when I got here, I bumped again Chiara for the second time around at the mall so naalala ko po siya. Then, humingi ako nang tulong sa kaniya kasi that time na nakabanggaan ko siya. I have no money, no clothes, kasi po... nanakawan po ako. "

"Ohmyghad! Ijo... I'm so sorry. Hindi ko alam. Did they hurt you? " nag-aalala na po yung nanay ko. Hahaha!

"Not that much po, Ma'am. " nako.. pakipot ang Ulap.. hahaha! Pero ang galing niya ha, infernes. Pwede na siyang storyteller. Hahaha!

Biglang niyakap ni Mama si Cloud. Hahaha! Best Actor si Cloud. Hahaha! Ang hirap naman magpigil nang tawa.

"Alam mo Cloud, I'm amaze kasi nakayanan mong makikipagbakbakan sa daan dito sa Pilipinas and I'm also amazed kasi ang galing mong magtagalog. Pero paano ka ba natutong magtagalog? Kasi diba nakatira ka sa U.S? "

"Uhmmm.. well, my guardians told me po, that my parents are pure Filipinos so... ayun po. "

"Ohmy.. Lord! Thank you very much! You know what, I can see you're a great kid, Ijo so I'll give you a great gift. " anong gift ang sinasabi nang nanay kong to?

"Gift? What kind of gift, po? " tanong ni Cloud na gusto ko rin tanongin. Oo nga. Anong gift?

"From now on, you can call me, Mommy, and hanggang hindi pa natin nahahanap ang family mo dito sa Pilipinas you can stay here like it's your home, Cloud. "

Pagkasabi ni Mama nung mga salitang paniguradong nagustuhan na marinig ni Cloud, biglang kuminang yung mga mata niya at niyakap niya si Mama. Ang FC ha! Kadiri! Pwe!

"Thank you po, Mommy. " eeww..

"No. Thank you for coming into our lives, Cloud. Thank you. So... Welcome, Cloud my New Baby! " pwe!!! Ayoko na! Suko na kaagad ako! Juskolord! Kapatid ko pa nga lang na babae na maliit di ko na makontrol. Yan pa kayang Cloud na yan? Naman!

Yumakap ulit si Cloud kay Mama na ngiting ngiti. Bigla naman siyang tumingin sa akin at bigla akong ngitian nang parang kay Joker. Abot hanggang tenga at sobrang nakakakilabot! Naman! Kailangan ba talagang mangyari 'to sa akin? Hayss... -.-

***
Cloud's P.O.V.

"Oh. Dito ka matutulog. Hmp! " bigla akong inirapan ni Chiara. Hahaha! Nako!

"Alam mo kasi... wag ka nang pakipot. Sigurado ako na gusto mo rin naman na dito ako tumira kasama niyo nang mommy mo, at ikaw... " lumapit ako kay Chiara na sobrang lapit. Kaya napaatras na lang siya papasok sa loob nang kwarto ko.

"Psh.. lumayo ka na nga. Hindi ko kaya gustong makasama ang katulad mong mahilig humugot at brokenhearted! Umalis ka nga! May gagawin pa ako! Paskong pasko! Binibwisit mo ako! Tsupi! "

Itinulak ako ni Chiara papunta sa kanang direksyon kaya naman napapunta ako dun sa kama ko pero buti na lang at nahawakan ko siya kaya naman ang tendency. Nasa taas ko siya ngayon pero ang ginawa ko sumunod. Inihiga ko siya sa kama ko kaya ako na ang nasa taas niya.

Nginisian ko siya bigla kaya naman namula siya. Hahahaha! Natawa na lang ako sa kaniya. Pero pagbalik ko nang tingin sa kaniya, nakangiti lang siya with matching na kumikinang na mata.

Kaya naman naalala ko na kung sino yung kamukha niya.

"Jade... " napakunot yung noo niya sabay tinulak niya ako. Saka siya tumayo at inayos yung damit niya.

"Anong Jade? Alam kong Jade yung second name ko. Pero hindi ako yun... first time pa lang kaya kita nakilala. "

"Hindi. Kamukhang kamukha mo nga si Jade. " nanlaki kaagad yung mga mata niya sa akin.

"Ga-ganon b-ba? Edi shing. Bahala ka na nga diyan. Nakakaimbyerna ka nang araw ko. Hmp! "

The Reader Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon