Chapter 1 : Lost In The Middle Of The Sky

30 1 0
                                    

Chapter 1 : Lost In The Middle Of The Sky

Chiara's P.O.V.

Once upon a time...

There's a Valentine! So anong pangngalan nang first crush mo at ibibigay ko ang rosas na ito! I love you very much, so much!

"Ingat kayo! Babye Avie! Babye Hailee! Babye Jia! Babye! " pamamaalam ko dun sa tatlo kong kaibigan. Kasi naman eh!

"Tigilan mo nga kami, Chiara! Aba't ikaw ba ang aalis ha? Ikaw? Kung makapaalam ka sa amin. Parang ikaw yung aalis, ah. FYI lang ha, kami po yung aalis. Kaming tatlo! " sabi nung tatlo sa akin.

Hahahaha! Hindi nga pala ako yung aalis. Haha! Ang bano ko talaga eh noh? Kasi naman eh! Si Avie, short for Avienoreen S. Aprils, pupunta nang States kasama yung family niya para dun mag-Christmas sila, malapit na kasi mag-Christmas, eh. Samantalang si Jia, for Jia Matsui, pupunta dun sa Japan para makilala niya yung mga iba pa niyang relatives. Tapos, si Hailee, Hailee Lee, babalik rin siya sa bansa niyang Korea para naman mag-Christmas doon kasama yung mga kapatid niya at mga pinsan na Koreana at Koreano kasama yung Omma at Oppa niya.

Samantalang ako, dito lang sa Pilipinas. Huhu!

"Sige na nga! Lumayas na nga kayo! Inaaway niyo ako eh! Huhu! Aalis na nga kayo eh! Sige na! Bye na! Huhu! "

"Psh! Sige na! Pagbalik na lang namin yung Christmas gift and New Year's gift sa'yo! Bye! " paalam sa akin nila Avie at tuluyan na silang nawala sa paningin ko sa airport. Uuwi na nga lang ako para naman mabawasan ang lungkot na aking nadarama. Hahaha! Ang lalim nun ha! Hahaha! LUNGKOT NA AKING NADARAMA. HAHA!

...{•.•}...

Nga pala, magpapakilala na ako, I am Chiara Jade Abarqueza, you can call me Chiara at bago pa po ako mapikon sa inyo kaka-Shara nang Shara. Ako na po ang magsasabi nang tamang pronunciation nang name ko. Ang basa po talaga diyan ay Kiara, hindi Shara. Kasi, you know, it's Italian. Hahaha! Yung saint sa Italy, Saint Chiara.

Pero magbabasa na ako! Haha! Bookworm kasi ako eh! Yehey! Kasi kahapon, nakakita ako nang bagong kwento na mukhang interesting na gawa lamang nung finallow ko sa wattpad kaya tiningnan ko siya at sisimulan ko na siya ngayong araw na basahin kasi kahapon, description lang yung binasa ko tapos bigla na lang akong nakatulog. Mga one o'clock na nga ako nakatulog kagabi eh. Hahaha!

Di pa completed yung story. Pero ang title niya ay, Pangako Sa'yo. Joke! Hahaha! Masyado akong nadala dun eh. Hahaha! Pero ang title niya talaga ay OTWOL. Hahaha! Joke! Eto na talaga, totoong totoo na to, ang title niya talaga ay Lost in the Middle of the Sky.

Ang astig talaga nang title! Pero wala namang nagbabasa! Hays! Hahaha! Kaya ako nagkaroon nang interes eh! Hahaha! Pero mamaya na nga ang kwento! Magbabasa na ako...

===X===

Lost in the Middle of the Sky

Love is in the air..

Yan ang tamang hugot para sa mga taong nagmamahal nang lubusan at iniiwan sa ere. Ang tamang hugot para sa mga taong lagi na lang pinapaasa, pinapaniwala sa mga pambobola, sa mga taong paulit-ulit na lamang na sinasaktan, at higit sa lahat, para ito sa mga taong, ginagawang syunga sa pag-ibig.

[ Syet! Hahaha. Ang lalim ni Kuya! Di ko na siya makita sa loob nung balon! Hahaha! ]

Kung pwede nga lang talaga humiling sa Presidente nang bansa na 'to o kaya kay Lord. Hihilingin ko, na sana magpagawa sila nang maraming high-tech na mga eroplano para sa bawat tao na nagmamahal at iniiwan na lang basta basta sa ere para kapag niloloko na sila nang taong mahal nila, hindi sila mag-aalinlangan kung anong mangyayari sa kanila kung maiwan na lamang sila sa kalagitnaan nang komplikadong sitwasyon.

The Reader Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon