Chapter 3 : Mommy
Chiara's P.O.V.
---------------x---------------
Nag-usap kami nang masinsinan ni Cake. Katulad nang isang Cake, sweet nga talaga siya, sobrang mapagmahal, parehas kaming seryoso sa lovelife, magaling siya, marami siyang mga talent, sinampolan pa nga niya ako eh.
Habang nagsasalita siya, sobrang nagagandahan talaga ako sa kaniya. Ang lakas nang kabog nang puso ko. Gusto ko nga talaga siya.
[ Nako! Tsk tsk tsk! Nakakaloka 'tong Cloud na 'to! ]
"Eh... ikaw? May girlfriend ka na ba? Ano nga palang name mo? Di ka pa nagpapakilala sa akin eh. "
"I'm Cloud Jail Daysford and I'm single. Actually may nililigawan ako pero binasted na niya ako eh. Kaya medyo naiinis pa ako. Pero okay lang. Sabi nga nung kasambahay namin, 'MOVE ON MOVE ON DIN PAG MAY TIME' Hahaha! "
"BH din ka pala. Di ko alam. Alam mo, ang engot nung babae na nangbasted sa'yo. Oh... maggagabi na eh. "
May inabot siya sa akin na cellphone kaya naman kumunot yung noo ko.
"Ano yan? "
"Edi cellphone. Put your number then I'll text you so next time we can hang-out again. "
"Okay. "
Binigay ko kay Cake yung number ko saka ko na siya inihatid dun sa may bahay niya saka ako umuwi sa bahay ko. Malapit lang yung bahay niya kaya nakauwi kaagad ako sa amin....
===X===
***
December 24, 2015, 11:36 PMMalapit nang magpasko. Ang bilis nang oras. Nagbabasa parin ako nung Lost In The Middle Of The Sky.. at matatapos ko na rin siya last na lang 'to..
Para maintindihan niyo po. Ako na lang ang magkekwento para madali na lang. Summarizisation ko na ito nung story.. LP and l1lqoq q ws
Well, ang nangyari kay Cloud. Nagpakatorpe muna siya kay Cake pero sa bandang huli, nakaamin na siya. Pahirapan pa nga, eh at tinulongan pa siya nung parents, kapatid at mga kasambahay niya na makaamin lang kay Cake. Nanligaw naman si Cloud sa kaniya pero sa bandang huli... sinaktan at iniwan ulit siya ni Cake, kasi si Cake pala ay may boyfriend na talaga. Pero comatose lang siya kaya naman hindi kilala nang mag tao yung boyfriend niya. Samantalang ang babasahin ko na ay yung Epilogue. Matatapos na ko! Eto na..===X===
LITMOTS <3Parang author's note na 'to kung tutuusin! Kasi naman eh! First book ko 'to! I'm not an author! I'm not a writer! Myghad! Short Story lang ang kaya kong gawin! Hindi pa tapos ang story kasi wala akong maisip na MAGANDANG ENDING! I CAN'T FIND THE PERFECT ENDING FOR THE STORY! I don't know kung gagawin kong SAD yung ending or HAPPY.. Hays... -.-
I NEED AN IDEA! MYGHAD! I KNOW WALANG NAGBABASA NITO! PERO PLEASE! CAN SOMEONE HELP ME? PLEASE GUYS! MAGBASA KAYO! NAMAN! ANG HIRAP NANG WALANG READERS!
PERO SA TOTOO LANG MAY ENDING NA AKONG NAISIP NUNG UNA PALANG ANG KASO, NAKALIMUTAN KO NA EH! HAHAHAHA!
KAPAG, WITHIN THREE MONTHS OR HANGGANG SA BIRTHDAY KO SA MARCH, WALANG NAGCOMMENT. I'll erase this story. I PROMISE. I SWEAR! Hays... -.- Hay nako! Para namang may nagbasa nito..
Sige na nga bye! Nagmamahal nang lubusan kay X, BH, short for blackheart.
===X===
***Aish! Yung story na yun! Alam kong hindi pa siya completed! Pero akala ko naman kung ano! Hay nako! Kawawa tuloy si Cloud. Hindi manlang siya mabigyan ni Author nang magandang ending. Hay nako!
Tumayo na ako sa mula sa pagkakaupo ka sa kama ko saka ako lumabas papuntang rooftop. Nakakain na naman ako at saka ayoko talagang mag-celebrate nang birthday ko pati nang Christmas kasi.... aish! Wala! Nevermind!
Naupo ako dun sa may bench sa rooftop saka ako tumingin sa langit. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano makakaapekto sa akin yung story na binasa ko. Napakawalang-kwenta naman kasi eh.
Paano ba naman kasi? Never pa akong na-inlove, nagka-crush. Nakyutan lang, meron pa. NBSB pa rin ako. Hays.... kasama na naman ako sa malalamig ang pasko at birthday. Hayss.... pero alam niyo... sa tingin ko crush ko si Cloud. Hahaha! Sana may nag-eexist na katulad niya.
Yung gwapo, tapos nakakatawa at higit sa lahat, gentleman. Hay nako! Sana talaga totoo na lang siya. Pero bago pa ako malunod sa kakaisip tungkol dun sa binasa kong story nagising din ako sa katotohanan kasi narinig ko nang nag-kacountdown yung mga tao para sa darating na pasko.
"3.... "
"2.... "
Pero sana talaga, may katulad ni Cloud noh? Hahaha! Ano ba namang klaseng hiling ang hinihiling ko. Hahaha! Napaka-imposible masyado.
"1! MERRY CHRISTMAS! "
Nagpapakasaya na sila. Samantalang ako, sobrang malungkot. Masyadong maraming memories ang rooftop na 'to kasi sa buhay ko. Napatingin ako sa may langit saka ako tumayo, may nakita naman ako na shooting star. Nakakalungkot naman. Bakit ba iisa lang ang shooting star? Hindi pa pwedeng may kapareha siya?
Hay nako! Nahawa na ako kay Cloud! Papasok na nga lang ulit ako sa kwarto ko para makatulog na ako.. ~_~ zZ
***
"Hoy... gumising ka na, please... gumising ka na... "
"Mamaya na. Kitang natutulog pa ako, eh. Christmas na Christmas,iniistorbo niyo ako ma. Pagbigyan niyo naman ako. Birthday ko naman ngayon eh.. "
Huminto si Mama sa paggising sa akin. Hahaha! Buti nga sa kaniya. Bahala na sa kaniya si Batman, noh!
"Gumising ka na... please... "
Aba't! Ang kulit-kulit ni Mama! Kainis ha! Bahala siya diyan.
"Gumising ka na... please na. Pati ba naman, ikaw di mo ko papansinin. Ganyan na ba talaga kayong lahat na mga babae. Pakipot pa. Gusto niyo lang na lagi kayong ibinebaby nang mga lalaki eh. "
Nakakayamot na ha! Kanina pa ako nababanas kay... lalaki.. napamulat kaagad yung mga mata ko. Boses lalaki yung naririnig ko. Sh*+.
Unti unti kong ginilid yung mga mata ko, pati na rin yung katawan ko para makita ko yung taong nanggigising sa akin kanina pa. o.o parang luluwa mga mata ko. Ang gwapo niya. Para siyang anghel na nagmula pa sa langit.
Pero teka nga! Sino ba 'to?! Hindi kaya RAPIST SIYA?! HALA!
"Good morning? "
"AHHHHHHHHHHH!!!! RAPIST!!! "
BINABASA MO ANG
The Reader Who Fell In Love
Teen FictionWhat are you going to do if one of the fictional characters that you like, come into real life? <3