Chapter 8: Christmas In Our Hearts

16 1 1
                                    

Chapter 8 : Christmas In Our Hearts

Chiara's P.O.V.

"Ga-ganon b-ba? Edi shing. Bahala ka na nga diyan. Nakakaimbyerna ka nang araw ko. Hmp! "

Pagkatapos kong awayin si Cloud. Lumabas na rin si sa kwarto niya. Muntikan na ako dun! Juskolerd! Hay nako! Christmas na Christmas talaga, iniimbyerna niya ako. Nakakabaliw! May pa-GOING TO RAPE EFFECT SCENE pa siyang nalalaman. Igagaya niya pa ako dun sa mga nasa wattpad. Hmp!

Pumunta na lang ako dun sa may kwarto ko saka ko kinuha yung gitara ko saka naman na ako dumiretso sa may rooftop. Kailangan ko nang hangin.

***

Cloud's P.O.V.

Lumabas kaagad si Jade este si Chiara sa may kwarto ko. Pero seryoso ha. Kamukha niya talaga yung si Jade pero ang sabi ni Chiara, pangngalan niya yung Jade? Ang gulo niyo ha.

Inayos ko na lang yung kama ko sa kwarto ko saka ako pumunta sa baba at nakita ko si Mommy. Hahaha. MOMMY. Ang lakas talaga maka-award-winning nung acting ko kanina. Hahaha!

"Oh, Cloud. Gusto mo ba akong samahan? " tanong ni Mommy sa akin na nakangiti nang malaki.

"Saan po ba kayo pupunta? " tanong ko sa kaniya.

"Uhmmm.. Ang sabi mo kasi, wala kang mga... aish! Nevermind! Hahaha! Wag mo na lang pala akong samahan! Hahaha! Sige, una na ako! "

Ano yun? Ang gulo ni Mommy ha! Parehas sila ni Chiara. Mana siguro si Chiara kay Mommy. Hahaha!

"Chino ka? "

"Ay Chiarang Tinae! " napahawak ako sa dibdib ko nang maka-kita ako nang isang batang babae na sobrang cute.

"Hindi tinae chi Ate, ipinanganak lang. Chino ka nga? Bakit mommy ang tawag mo cha mommy ko? Bakit ka nandito? "

Napatitig na lang ako dun sa batang babe. Ang cute niya chobra. Este, sobra pala. Pero bulol siya. Hahaha! Tapos ang cute pa nung pisngi niya! Para siyang siopao. Hahaha! Tapos ang puti puti niya tapos ang cute nung ilong niya tapos may hawak-hawak pa siyang cute na malaking teddy bear.

"Ako si Kuya Cloud. Ikaw? Sino ka? Anong pangngalan mo? Ikaw ba yung kapatid ni Chiara? "

"Ako nga, Kuya Cloud. Bakit kilala mo chi Ate? Ako chi Chi-Chi. "

"A-ano? Sisi? "

"Chi-Chi! Pero ang pangngalan ko talaga ay Chevrolet Jeych {Jace} Abarquecha {Abarqueza}. "

"Ang ganda naman nang pangngalan mo, Chevrolet Jeych. "

"Hindi Jeych. "

"Ha? " nakakabaliw makipag-uchap cha bulol ha! Nakakabulol din!

"Lika po. " hinigit ako ni Jeych slash Chi-Chi papunta sa kwarto niya? Parang hindi niya kwarto 'tong pinuntahan namin.

Kumpara sa ibang batang babae na mahilig sa kulay pink at yellow. Ang sa kaniya ay kulay, light blue at color black. May pagka-emo yung style nang kwarto niya. Tapos may nakita akong mga DVD at Manga Comics sa shelf niya sa loob nang kwarto niya.

May kinuha siyang papel saka niya pinabasa sa akin. Kaya ngayon ko lang naintindihan na Jace pala yun. Hahaha! Hindi pala, Jeych. Hahaha! Sorry na.

"Sorry. Hahaha! Jace. " ngumiti naman siya sa akin.

"Ikaw yung nakita ko kanina na lumabach noh? " ha? Anong sinasabi nitong batang 'to?

"Nakita kitang lumabach. Pero wala akong pake cha mundo kaya inakala mo na inakala kong hindi kita napanchin pero mukhang hindi mo naman naiintindihan yung chinachabi ko eh. Kaya nevermind na lang. Hahaha! "

Okay? Sa lahat nang weirdo. Siya ang pinaka-weird. Hays... -.-

"Ano po bang ginagawa niyo dito Kuya Cloud? "

"Uhmm... Dito na ako titira eh. Kasi si Kuya Cloud mo, walang matitirhan dito sa Pilipinas at hinahanap ko pa ang pamilya ko kaya ko nandito. "

"Ahhhh... " tumango-tango na lang sa akin si Jace. Ang cute niya talaga! Hahaha! Pinisil pisil ko yung pisngi niya. Kaya namula naman siya.

"Ang cute cute mo talaga. Ilang taon ka na ba? " tanong ko sa kaniya.

"Chich yearch old po. Pero grade two na po ako. "

"Ha? Ganon ka ka-advance?! "

"Opo. Chi Ate Chiara nga po, fourteen yearch old palang po cha, eh. " literal na lang akong napanganga sa sinabi nang kapatid ni Chiara. Fourteen palang pala yung babaeng makulit at halimaw kung makasigaw na yun?! Sixteen kaya ang pinakabata sa fourth year!

"Uhmmm... Kuya. Ikaw po ba? How old are you na po? " tanong niya sa akin. Ano ba naman yan! Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na.

"Uhmm... fifteen palang si Kuya mo, eh. Pero maiba nga tayo. Bakit ba hindi ka nalabas dito? " hahaha. Yes. Eto na ako. Sumeseg-way na ako. Hahaha!

"Ahhh... kachi po.. inereready ko pa po yung gift ko kay Ate Chiara kachi Birthday niya ngayon. Chiyempre po, magkaiba yung Chrichtmach Gift ko cha kaniya at chaka Birthday gift eh. At chaka, kami na lang po ni Mama ang nagbibigay cha kaniya nang regalo. Maliban cha mga kaibigan niya at cha amin ni Mama. "

Napahinto ako sa sinabi ni Chi-Chi sa akin. Birthday pala ngayon ni Chiara. Pero nasaan na yon? Kanina ang kulit-kulit niya tapos ngayon nawawala na siya. Nasaan na kaya yon?

"Kuya, kung guchto niyo po puntahan chi Ate Chiara, nacha rooftop po panigurado cha. Una na po kayo. "

"Teka nga, bakit parang pinapaalis mo na ako? "

"Makikita niyo kachi yung churpriche ko kay Ate eh. Hahaha! Chige na, pleache!!! Labas ka na, kuya! Batiin mo na lang chi, Ate! "

Itinulak ako ni Chi-Chi palabas nang kwarto niya kaya naman ako nagdesisyon na umakyat na lang papunta dun sa rooftop na sinasabi ni Chi-Chi. Tahimik lang akong nakarating doon.

Nakakapanibago nga eh. Kasi siyempre, titira ako dito kung saan hindi ko pa masyado kilala ang mga tao eh. Kaya ayun pero nakarating na rin ako sa rooftop. Ang ganda sobra nang langit. Ang lamig pa nang hangin sobra nang bigla akong may narinig na naggigitara kaya naman napatingin ako. Si Chiara pala..

"**~Whenever I see boys and girls selling lanterns on the street I remember a child who's in anger as he sleeps. Whenever there are people, giving gifts, exchanging cards. I remember the Christmas is truly in our hearts. Let's light our Christmas tree, for a bright tomorrow, where angels are at peace and all are one in God... Let's.~**"

Huminto siya sa pagkanta. Nakakainis nga eh. Ang ganda ganda nung kanta niya pero inihinto niya pa sa chorus. Hmp! Pwes, ako na lang ang kakanta. Hahaha! Humanda ka sa akin.

"**~Sing Merry Christmas and a Happy Holiday. This season may we never forget the love we had for Jesus, let him be the one to guide us as a Happy New Year starts and may the spirit of Christmas be always in our hearts... ~** "

Nang kumanta ako, napatingin na lang siya sa akin saka ako ngumiti. Ngumiti rin naman siya at kuminang na naman yung mga mata niya. Mukhang may problema siya pero bahala na si Batman sa kaniya.

Sariling problema ko nga kung paano ako makakamove-on di ko pa masolusyonan, yung sa kaniya pa kaya?

"Happy Birthday, Chiara. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reader Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon