Talitha's POV
Ngayong buwan ng Mayo, inaasahan na may mage-exposure na seminarista dito sa parokya namin at nandito na siya sa ngayon .. Si Seminarian Gregory Fernandez, isang upcoming 3rd year Philosophy ng OLASSP .. Lord, wag naman sana akong mahulog sa kanya, nadala na'ko dun sa una at ayaw ko nang maulit yun .. Inaamin ko, gwapo naman si Bro. Gregory eh, pero hindi ko siya trip at hindi ko siya crush, GWAPO lang siya, okay! Gwapo lang! Nagu-gwapuhan lang ako sa kanya pero yun lang pramis! Hay naku, alam ko naman na itong isa kong kasama dito sa parokya na si Monique eh, crush na crush na agad kay Bro. Gregory, edi isaksak niya sa baga niya si brader! Pumunta ako sa parokya dahil may serve ako sa 5PM na mass ..
" Talitha! " tawag sakin ni Monique na nasa choir
" Bakit?? " tanong ko at lumapit ako sa kanya
" Dumating na yung seminarista! " excited na sabi niya sakin
"Ah talaga? Mabuti naman kung ganoon. " walang kagana-ganang sagot ko sa kanya
" Ang gwapo niya! " kilig na kilig na sabi niya
" Tapos?? " sarcastic kong sabi
" Ayun siya! " sigaw niya
Like duh! Bigla lang naman kasing lumabas si Bro. Gregory mula sa rectory ng parokya at ano ba naman itong si Monique, landiness masyado, hai naku alam ko naman na lahat ng seminarista ee PAASA! As in, CAPLOCKS pa yan aa, P.A.A.S.A.!
" Sige, sandali lang Mon, practice muna ako .. " pagpapaalam ko sa kanya
Nag-practice muna ako ng reading ko at maya-maya lang nagsimula na yung misa at nakita ko kanina habang nagla-line kami for processional march na nakatingin sakin si Bro. Gregory, hindi naman ako assuming pero wala namang ibang tao sa likuran ko dahil nasa gilid naman si Father ee .. So ayun, natapos yung misa at ewan ko ba, parang palagi kasi siyang nagnanakaw tingin sakin ee .. Ayoko naman mag-assume, siyempre ayoko masaktan ulit, at ngayon pauwi nako sa bahay namin .. Habang naglalakad ako, medyo malapit lang naman ang bahay namin sa parokya nakasalubong ko si Bro. Gregory ..
" Hello! " bati niya sa'kin
" Hi po! " ganting-bati ko
" I'm Gregory, ikaw?? " pagpapakilala niya
" Talitha Katharine po, but you can call me Talitha .. " pagpapakilala ko din
" Can I call you Katharine?? " tanong niya
Aba at may pa Katherine pang nalalaman si brother.
" Sure, brother! Actually, you're the first to call me on ny second name " honest kong sabi
Totoo naman, siya ang unang tumawag sa akin ng Katharine.
" Really?? " parang gulat na tanong niya
" Si .. " sagot ko (Yes)
" Si?? Diba yes yun?? " tanong niya
" Yes, it means yes .. Sorry I was used in speaking Italian .. " paliwanag ko naman
" Okay, so, Italian ka pala?? " tanong niya ulit
" Si, fratello .. " sagot ko (Yes, brother)
" Ha?? " naguguluhan niyang tanong
" Mi dispiace, sabi ko , Opo brother " (I'm sorry)
" Huwag mo na'kong tawaging brother .. Gregory nalang .. "
" Okay po, Gregory .. "
" Grabe, ang hirap naman makipag-usap sa isang Italiana .. Pure Italian ka?? "
" Pasensya na po kayo, Bro. Gregory, I was just used in speaking Italian, yun kasi nakasanayan ko for 18 years .. By the way, I'm a half-Filipina, half-Italian .. Italian kasi si Papa .. "
" Ang ganda mo .. " bigla niyang sabi
Nagulat namana ko sa turan niya.
" Hindi naman po hehehe. "
" Totoo nga, maganda ka! "
" Hindi naman po, siguro nagagandahan lang kayo sakin dahil sa maputi ako .. "
" Ang humble mo naman .. Pero maganda ka naman talaga .. "
" Sige na, salamat po .. Ang kulit niyo naman po .. "
Ay siya, bakit parang ang pabebe ko dito?
" Saan ka ba nakatira ?? "
" Sa Proxima Centauri Homes po .. "
" Malapit lang naman pala ang bahay niyo dito sa parokya .. "
" Yes po .. So, paano, uuwi na po ako Br - Gregory, Gregory .. " paalam ko
" Pwede ba kitang ihatid sa inyo?? " alok niya na mas ikinagulat ko
Bakit naman niya ako ihahatid e kakakilala pa lang naman namin. At isa pa, kahit isa siyang seminarista ay hindi ako basta-bastang magtitiwala sa kanya.
" Po?? Hindi po ba bawal na sumama kayo sakin?? "
" As long as, magpapaalam ako kay Fr. Paul at pumayag siya, okay lang naman .. "
" Huwag na po muna siguro, kakarating niyo lang po kasi dito sa parokya namin, ayoko naman na you know, issues .. "
Tama, mai-issue lang kami kapag pumayag ako na ihatid niya ako.
" Sige, next time nlang Katharine .. Nice meeting you "
" Piacere di conoscerla, Gregory .. Prego pe la tua santa perseveranza! Dio ti benedica! " sabi ko na lamang (Pleased to meet you, Gregory .. I pray for your holy perseverance! God bless you!)
At umuwi na'ko .. Bahala na kung naintindihan niya o hindi yung sinabi ko sa kanya basta kailangan ko nang umalis dahil baka makita pa'ko nina Ate Lorie at baka ma'isyuhan na naman ako sa seminaristang ito ..
BINABASA MO ANG
Lovers in Parish
SpiritualNoon, naranasan ko nang magmahal ng isang seminarista at siyempre ang masaktan din ng dahil sa kanya ... Makakaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya niya?? Paano kung sa panahon na nagmo-move on ako ay may seminaristang magpapatibok ulit ng puso ko...