Talitha's POV
Noong nagpaalam si Fratello Gregory kanina, may iniabot siya sa'king isang box. Hindi ko na muna binuksan ang box na yun dahil aalis pa kami at susunduin namin si Kuya Gab dahil marami siyang bitbit. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot, siyempre, umalis na si Fratello Gregory, wala na yung taong palaging mage-encourage sa'kin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Kinuha ko sa bag ko ang binigay ni Fratello Gregory sa'kin. At ang laman ng box na yun ay isang Tau Cross?? Tau Cross nga! Sinuot ko ito at may nakita akong isang maliit na papel na nakadikit sa box at may note na:
"GOODBYES ARE NOT FOREVER, GOODBYES ARE NOT THE END. IT SIMPLY MEANS THAT I'LL MISS YOU UNTIL WE MEET AGAIN.
I'LL MISS YOU KATHARINE!"
Napangiti ako sa note na yun at naiiyak ako pero pinigilan ko lang dahil kasama ko si Mamà .
" Mi mancherai anche tu! " bulong nalang ng isip ko
Pagdating namin ni Mama sa parokya kung saan na-assign si Kuya Gab, nakita naman naming nandoon si Kuya sa labas at may hinihintay. Pumasok naman si Mamà sa loob ng simbahan at nag-chika muna sila ni Fr. Mat. Ka-close kasi ni Fr. Mat si Mamà dahil pinakilala siya noon ni Ate Grazia noong sila pa. Anyways, habang nag-uusap sila, nandito kami ni Kuya Gab sa labas ng simbahan at umuupo nung bigla niyang napuna ang suot-suot kong Tau Cross.
" Hmm. Tau Cross. Let me guess, galing yan kay Gregory no?? " tanong sa'kin ni Kuya Gab
" Si. " sagot ko
" Aba! Binigay talaga niya sa'yo. Sabi ko na nga ba. "
" What do you mean, Kuya?? "
" Hindi mo alam?? "
" Ang alin?? "
" O hindi mo maalala?? "
" Ang alin nga?? "
" Na ang Tau Cross na yan ay galing sa papa ni Ree. "
" Yeah. I remembered. And then what?? "
Alam kong may karugtong yung kuwento nitong Tau Cross ee, hindi ko lang maalala kung ano yun.
" Hindi mo na nga natatandaan ang kinuwento ko sa'yo. "
" Siyempre. I won't ask you if I remembered. Kaya better na sabihin mo na sa'kin kung ano. "
" Okay. Hindi naman makapaghintay 'tong batang 'to. "
" Bilisan mo, Kuya. Ano na?? "
" Sandali. Sandali. "
" Binibitin pa kasi eh! "
" Ito na nga yun.. "
At binitin niya ulit.
" Ano ba, Kuya?? Isa pa, sasapakin na kita! May kasalanan ka pa kaya sa'kin! "
Hindi pa rin siya natinag sa mga sinabi ko at patuloy pa rin ang pagbitin sa'kin sa storya ng Tau Cross na bigay sa'kin ni Fratello.
" Ito naman. Sabi ng papa ni Ree bago siya namatay na ang Tau Cross na yan ay ibigay daw niya sa babaeng magkakaroon ng isang malaking bahagi sa gagawin niyang desisyon balang araw. " paliwanag niya
" At ako yun?? " inosente kong tanong
Hindi ko kasi maintindihan bakit may ganun-ganun pa. Di ba pwedeng pan-remembrance lang??
" Hindi ko yan masasagot, carissima. Si Ree lang ang makakasagot niyan. Pero, sa tingin ko, hindi mo na siya dapat tanungin.. "
" Bakit?? "
" Kasi, matagal na niyang tinatago ang Tau Cross na yan. Simula nung Preparatory Philo pa kami nung binigay yan sa kanya at ngayon ko lang yan nakita na ibinigay niya sa isang babae. Nararamdaman kong sigurado na si Ree sa nararamdaman niya kaya niya iyan ibinigay sa'yo. Hindi ko dapat sinasabi sa'yo ang mga bagay na ito, carissima pero ramdam kong mahal ka na niya. "
" Ano ang ibig mong sabihin, Kuya?? "
" Ang ibig kong sabihin ay ganito. Magkakaroon ka nang isang malaking bahagi sa gagawin niyang desisyon balang araw, at bilang seminarista, dalawa lang ang maari niyang pagpilian. Ang isantabi ang nararamdaman niya para sa'yo at ipagpatuloy ang pagpapari, o ang — " pinutol ko ang karugtong nung sinabi ni Kuya Gab at ipinagpatuloy ito
" O ang iwan ang seminaryo upang makasama ako?? Tama ba Kuya?? "
" Oo, bunso. "
" Alam kong mas pipiliin niya ang pagpapari, Kuya. Wag kang mag-alala. Hindi nun iiwanan ang seminaryo. "
" Hindi tayo makatitiyak, cara. "
" Ayokong maging dahilan para masira ang bokasyon niya. "
" Paano kung ikaw ang bokasyon niya?? Carissima, hindi lahat ng seminarista, nagiging pari. "
" Kuya, ayoko. May bokasyon din akong iniingatan. "
" Married Life is also a vocation. Wala kang dapat na ipangamba. Just trust God's will, okay??" pag-aalo sakin ni Kuya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon
" I love you, carissima. " bulong ni Kuya
" Ti voglio bene anch'io, Kuya. " tugon ko at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Lovers in Parish
SpirituellesNoon, naranasan ko nang magmahal ng isang seminarista at siyempre ang masaktan din ng dahil sa kanya ... Makakaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya niya?? Paano kung sa panahon na nagmo-move on ako ay may seminaristang magpapatibok ulit ng puso ko...