Talitha's POV
Nakita ko nga kanina na umalis si Gregory, siguro nga uuwi yun sa kanila dahil birthday niya .. Ako naman, kinausap ako kanina ni Ate Grazia tungkol kay Gregory, ewan ko ba kung bakit ganun nalang ka- bitter si Ate pagdating sa mga seminarian .. Oh well, nandito na siya ..
" Ciao Sorella! " bati ko
" Ciao carissima "
" San ka galing Ate Grazia?? Hapon na po ah .. "
" Galing ako sa Kuya Gab mo .. "
" You mean magkasama kayo ni Kuya Gab kanina?? Ate, bakit di mo ko sinama?? "
" Hindi naman kami gumala ni Gab, may pinag-usapan lang kami na importante .. "
" About what?? "
" Basta, carissima .. Huwag ka nang makulit at magmeryenda nalang tayo .. "
" Ate may problema ba tayo?? I mean, sa family, o baka lalabas ka ng convent o baka lalabas si Kuya Gab sa seminary?? "
" Ano ka ba! Hindi ganun yun! Hahaha "
" Or maybe you're planning to send me back to Italy?? "
" Absolutely, NOT Carissima .."
" Ano nga pinag-usapan niyo Ate?? "
" Basta, hindi mo pwedeng malaman at huwag mo na piliting malaman .."
" Ate naman eh! "
" Huwag nang makulit carissima ha?? Pag sinabi kong hindi pwedeng malaman, hindi pwede okay?? "
" Bene, mi dispiace Sorella .. " (Okay, I'm sorry Sister)
" Kumain kana lang kasi ng meryenda, I bought you some foods."
" Ate, marami pakong foods sa fridge .. "
" Ikaw bahala, binili pa naman namin ni Gab to .. "
" Really?? Sige na nga, kakain na ko .. We're you able to send my regards to Kuya Gab, Ate?? "
" No, but kinakamusta ka niya .. "
" So, ano sabi mo?? "
" I told him that you're fine saka isa pa, kahapon lang magkasama tayong tatlo no .. Kahapon lang kaya nagsimula yung exposure niya .. "
" Yeah right .. Did you told him about Gregory?? "
" May dapat ba akong sabihin about Gregory?? "
" Uhhhmm - "
" Kung wala, diba dapat hindi mo na iniintindi yun?? "
" Yes Ate, wala naman .. "
" Good .. Kain na .. "
Tama nga naman siya, wala akong dapat ipag-alala dahil wala namang something samin ni Fratello Gregory .. Ah basta, kakain nalang ako ..
BINABASA MO ANG
Lovers in Parish
ДуховныеNoon, naranasan ko nang magmahal ng isang seminarista at siyempre ang masaktan din ng dahil sa kanya ... Makakaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya niya?? Paano kung sa panahon na nagmo-move on ako ay may seminaristang magpapatibok ulit ng puso ko...