Talitha's POV
December 8, ngayon ay ang ika-21 na kaarawan ko. Mayroong gaganaping formal party dito sa mansion. Ininvite ko na rin ang mga brothers na naging ka-close ko at buti naman pinayagan sila ni Father Rector na dumalo basta't before 9 PM daw ay babalik na sila ng seminary. My party will start at 6 o'clock in the evening. 5:30 na ng hapon at nakabihis na'ko. My party went well lalo na at nandito ang isang taong napaka-espesyal sa akin, my seminarian man. Korny ba masyado?? Hahaha. Ganyan talaga siguro basta inlababo e. At 8 PM, natapos na yung party ko. Ayoko kasi ng masyadong maraming cheche bureche e. Nakauwi na rin yung mga bisita ko, mga brothers na lang ang natitira. Nandito ako ngayon sa bench na malapit sa pool area nakaupo nung biglang tumabi sakin si Fratello Gregory.
" Katharine. " bulong niya
" Fratello, ikaw pala. "
" Para sa'yo. " sabi niya sakin sabay abot ng isang box
" Ano to?? " tanong ko
" Buksan mo. "
Binuksan ko ang laman ng maliit na box na yun at nabigla ako sa nakita ko.
" Isang singsing?? " bulalas ko
Hindi lang siya basta singsing. Isa itong cross ring na may naka engraved na initials na K&G sa loob na bahagi ng singsing. I'm certain that it stands for Katharine and Gregory.
" That ring shall bind the two of us, kahit na malayo tayo sa isa't-isa, ang singsing na yan ang maglalapit sa ating dalawa. " pahayag niya
" Gosh! Pwede na ba akong kiligin?? " natatawa kong tanong sa kanya
" Bakit?? Kinikilig ka na ba?? " pabiro niya ring tanong
" Alam mo, kahit na 21 nako ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi kiligin sa mga simpleng ginagawa mo e. "
" Unti-unti na bang nafa-fall sakin ang reina elena ng Immacolata?? " tanong niya
" Sira! Matagal na kaya akong nahulog sa'yo no. That's why, I wanted to tell you something, right now. "
" Ano yun?? "
" Yes! " bulalas ko
" Anong yes?? "
" Yes! Pumapayag na'ko! "
" Pumapayag na ano?? "
" Ang slow naman ng boyfriend ko! Pumapayag na'kong maging girlfriend mo! " sigaw ko sa kanya
" Ha?? Talaga?? Wooooh! Yeeeeees! " sigaw niya sabay suntok sa hangin
Natatawa ako sa ginagawa niya.
" I love you, my seminarian. " pahayag ko
" I love you too, regina mia. " sabi niya sakin and he kissed me on my forehead
" I promise to love you always and everyday hanggang sa huling hininga ko. Kahit ilang beses pa akong mamatay at mabuhay ulit, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. I love you. Kaarawan mo pero ikaw pa yung nagbigay ng napaka-espesyal na regalo. Salamat, Katharine. " pahayag niya sakin
Ngayon, magkayakap na kami.
" Thank you also, fratello. Wala na akong masabi. " sabi ko sa kanya at biglang tumulo ang mga luha ko
Yung luhang hindi sanhi ng kasawian kundi ang mga luhang dulot ng lubos na kasiyahan. Gregory, alam kong darating ang panahon na magkakahiwalay tayo upang tuparin ang ating mga pangarap. Upang tuparin ang plano ng Diyos sa mga buhay natin pero hayaan mo muna akong mahalin ka sa ngayon, kahit na mali man ito sa paningin ng ibang tao. Pero para sa dalawang taong nagmamahalan, walang mali dito dahil may dahilan ang Diyos kung bakit nagtagpo ang ating mga landas.
Maya-maya lang ay naghiyawan ang mga barkada naming seminarista kasama sina Mamà at Papà.
" Congratulations Mr. and Mrs. Gregory and Talitha Katharine Fernandez. " bati samin ni Bro. Mike
" Sira ka talaga kahit kailan Bro. Mike! Hindi pa kaya kami kasal. " saway ko sa kanya
" Diyan na rin papunta yan! " sagot niya
" Hindi a! Ikaw talaga. "
" De joke lang, Talitha. Nawa ay basbasan ng Panginoon ang pagsasama ninyo. " biro ulit niya
" Hindi pa nga kasal e! " sabi sa kanya ni Gregory sabay kurot sa tagiliran niya
" Joke nga lang e. Pero, masaya kaming lahat para sa inyong dalawa. "
" Salamat. " sagot ko
" Carissima, paano na ako?? " biro ni kuya
" Doon ka magpaalam kina Mamà, kuya. Wag sakin. " natatawa kong sabi
" We are happy for the two of you, amore mia. Gregory, wag mong paiiyakin ang aming anak ha?? " sabi naman ni Papà
" Makakaasa po kayo, Tito. " sagot ni Ree
" Paano na yan Mamà, Papà, Carissima, kailangan na naming bumalik ng seminary dahil malapit nang mag-alas nueve. " pagpapaalam ni Kuya Gab
" Oh siya, sige. Mag-ingat kayo ha?? " pagpapaalala sa kanila ni Mama
" Ma, ihahatid ko lang po sila sa labas. " pagpapaalam ko at sinabayan ko sila hanggang sa labas
Nakasakay na sa loob ng sasakyan ang mga brothers kasama si Kuya Gab. Si Gregory na lang ang naiwan.
" Regina mia, kailangan ko nang bumalik sa seminary. Mahal na mahal kita. Mag-ingat ka palagi ha?? " he said and kissed me on the forehead again
" Thank you my seminarian. Ingat kayo. I love you too. " sabi ko na lang
" Ree, mapapagalitan na tayo oh! Sa christmas vacation mo na ituloy yan! " sigaw ni Kuya
" Andiyan na! Bye regina mia. " sabi niya at sumakay na siya ng van pabalik sa seminary.
~~~~~
Author's Note:
Sila naaaaaaaa! Hahahaha. Masaya na akoooo! Mwehehehe.
BINABASA MO ANG
Lovers in Parish
SpiritualNoon, naranasan ko nang magmahal ng isang seminarista at siyempre ang masaktan din ng dahil sa kanya ... Makakaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya niya?? Paano kung sa panahon na nagmo-move on ako ay may seminaristang magpapatibok ulit ng puso ko...