Chapter 23 An Unforgettable Lunch

370 3 0
                                    

Talitha's POV

Pagkababa ni Mama mula sa kanyang silid ay nakahanda na ang hapag-kainan. Agad naman kaming tumungo sa dining hall at nag-lunch na. Habang kumakain ay kinakausap ni Mama si Vince.

" So Vince, come stai?? " tanong sa kanya ni Mama

" Molto bene Tita Bella, grazie, e lei?? " (Very good, Tita Bella, thank you, and you?? -Formal)

" Va bene. Molto bene, grazie. Napakaformal mo naman. You can still use informal Italian words pag kinakausap kita. "

" Tita naman, hindi naman ako ganun ka fluent sa Italian, kung hindi lang naman dahil kay Talitha hindi ako matututong magsalita ng Italian. "

" Kahit kailan talaga, Vince napakahumble mo. "

" Hindi naman po Tita. "

" Negative pride. " I whispered

" What did you just said carissima?? " tanong sakin ni Mama

" Nothing, Mama. " I replied

" By the way Vince, how is seminary life?? " tanong sa kanya ni Mama

" Okay naman po Tita. " sagot niya

" Masaya ka ba naman doon sa loob?? "

" Masaya naman po ako, Tita. Minsan, may pagkakataon lang na hindi ko maiiwasang hindi malungkot. "

" Bakit ka naman nalulungkot doon sa loob, hindi mo pa rin ba nahahanap ang fulfillment mo doon sa loob ng seminaryo?? "

" Hindi pa rin Tita, passive lang yung fulfillment na nararamdaman ko, kumbaga short-term lang. Nais ko nga po sanang mag-personal regency muna para po makapag-isip-isip po ako ng maayos kung itutuloy ko pa rin po ba ang pagpapari. "

" Sayang naman kung iyong lilisanin ang seminaryo, alam mo, nararamdaman ko na babae ang dahilan kung bakit ka nababagabag sa bokasyon mo. "

" Ang galing niyo pong mag-Psycho tita. "

" Remember that I graduated BS Psych, Vince. Malaking parte ba ng desisyon mo ang babaeng nagpapatibok ng puso mo ngayon?? "

" Sa tingin ko po, Tita, oo po. Mukha nga pong isa siyang malaking parte ng desisyon ko. "

" Aba! Kinakailangan mo nga talaga ng retreat at discernment. Sino ba yang babaeng nagpapatibok ng puso mo ngayon? Maari mo bang ipakilala sakin?? "

" Tita — "

" Mama, anong oras po ba natin ihahatid si Kuya Gab sa San Roque?? " tanong ko para hindi matuloy ni Vince ang sasabihin niya

" 3 PM carissima. Why?? "

" I just asked para makapag-siesta pa'ko. "

" Oh, okay. "

" Siyanga po pala, Mama. This is Gregory, kaklase ko. I also invited him para makilala niya kayo. "

" Oh! Yes, I'm sorry Gregory ha?? Hindi agad kita na-entertain, I was so excited about Vince's stories kasi. "

" Ayos lang po yun Mrs. Bernardone. "

" Just call me Tita Arabella. Masyadong formal ang Mrs. Bernardone. "

" Ah okay po, Tita Arabella. "

" You are also a 2nd Year Philo?? "

" Yes po, Gab and I are classmates. "

" Mabait ba naman itong si Gab doon sa seminary?? "

" Napakabait po ni Gab, Tita. Walang dapat na problemahan. "

" You know, Mama, Fratello Gregory is nice. Dito siya na-assign sa area ko at tinutulungan niya 'ko sa mga bata. "

" Mabuti naman kung ganoon, Gregory. Sana mag-persevere kayo, lalo na ikaw Gab, anak. Aba! Mahal din tuition mo sa seminary no. "

" Mama naman. Siyempre, magpapari ako. "

" Basta ito lang ang mapapayo ko sa inyong tatlo, sundin niyo yung pangarap niyo. Kung saan kayo masaya, doon kayo. Basta, palagi lang kayong magdasal mga anak. "

" Maraming salamat po Tita Arabella " pagpapasalamat ni Fratello Gregory

" Thank you Tita Bella. " - Vince

" Grazie di cuore, Mama. Ti voglio bene. " (Thank you with all my heart, Mama. I love you) - Kuya Gab

" Walang anuman iyon mga anak. "

" So, pwede na akong magpahinga?? " tanong ko

" Of course, my dearest. "

" Thank you, Ma. Excuse me Kuya, Vince and Fratello Gregory. " pagpapaalam ko

Umakyat ako sa room ko at nagpahinga na muna dahil mamaya aalis kami at ihahatid namin si Kuya Gab. I'm so thankful dahil na nakapag-usap na kami ni Vince pero hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tanggapin ulit. Ayokong maging destruction sa bokasyon niya. Ayoko na ako ang magiging dahilan para talikuran niya ang bokasyon niya.

Lovers in ParishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon