May isang babae panay sunod sakin at hindi pa makunteto ay sinisigaw pa ang pangalan ko.
"Zane! Zane!" Tumingin ako sa may likuran 'ko at medyo malayo sya sakin kaya napabuntong-hininga nalang ako.
Buti nalang. Nang malayo na sya ay isinuot ko ang hood 'ko at para hindi nya nako mahanap pa.
Sakit talaga sa ulo 'yung babaeng 'yun. Wala nang ginawa kundi magpakatanga sakin.
Ilang beses ko nang ipinapakita na hindi ko na sya mahal. Pero panay habol pa rin sakin at ipinapakita naman nya na isa akong malaking kawalan sa buhay nya.
Nakarating ako sa apartment namin and I looked at my phone and usual sya at sya pa rin laman nito. Puro missed calls at text.
Alam kong gwapo ako pero babae rin sya at alamin nya limitasyon nya. Babae pa rin sya at dapat hindi sya naghahabol sa katulad 'ko.
Napakatanga kasi eh.
Umiinom ako ng juice nang biglang pumasok ang ate kong maganda na nakabusangot at naglalakad papalapit sakin..
"Alam mo, humanda ka talaga saking lalaki ka" sabi nito habang ipinapakita ang kamao nya sakin.
Pinaningkitan ko sya ng mata dahil hindi ko naman ba alam kung ano ginawa kong kasalanan.
"Gandang bungad sakin, ate ah? " sabi ko habang nakangisi sakanya
Kaso inismidan lang ako at kinuha ang juice ko. Nabigla naman ako at nainis. Pati ba naman juice, hindi pa kayang kumuha.
"Ano, magrereklamo ka?" Pagtataray nang ate ko.
Kahit gaano pa ako ka-cool, minsan nawawala ito pag si Ate na ang kausap, hindi pala minsan kundi palagi.
Daig pa ang lalake kung umasta ito pero kung manamit nahiya lahat ng babae sa kasexy-han nito.
Pagkatapos nyang ilagok lahat ay tumingin sya sakin. "Oo nga pala, yung si precious, panay text sakin kung nasaan ka daw ba. Hindi ako tinigilan, leche! Kausapin mo nga yun ah? Hindi yung ako pa guguluhin." Sabi nya.
Halos mabitawan ko yung hawak kong baso sa sinabi nya sabay napailing. "You mean precy?" I asked.
Natigilan saglit ate ko at napakamot sa ulo. Precy or precious basta yun. Kamuka nya kasi si My Precious eh!"sabi nya sabay walk-out.
Pagkaalis ng ate ko ay I took a deep deep breath. "Seriously?"
Sumasakit ulo ko sa babaeng 'yan, kailan kaya nya kaya ako titigilan. Tsk.
EX lang sya. Hanggang dun nalang yun.
--
Dumating ang gabi at ito na ang oras ko para tawagan sya.I dialed her number. Nami-miss ko na kasi sya sobra. Kahit nagkakita kami kanina ay namimiss ko pa din sya.
Si Joyce. Yung nililigawan ko ngayon. Sakanya ko ipinalit yung babaeng obssess na obssess sakin.
Dahil unang-una, maganda si Joyce, sexy at sweet nya sobra. Pero yung isa, walang ibang ginawa kundi away-awayin ako. Puro selos at sobrang bata kung mag-isip.
Hindi nyo ako masisisi kung naghanap ako ng mas better sakanya, gusto ko kasi na i-treat akong special rin. At hindi laruan na aawayin nalang basta.
Buti nalang at dumating si Joyce--At hindi. Buti nalang nandyan si Joyce para balikan 'ko.
Si Joyce kasi ang dating KA-MU ko kaso may boyfriend sya non pero niligawan ko pa rin at pinaglaban ko kaso hindi talaga pwede. Nang muntikan na syang makipagbreak sa boyfriend nya at para sagutin ako ay may humadlang. Basta long story sya, kulang ang isang kabanata para sa panibagong istorya nito.