"Dali na, bes! Ngayong gabi lang naman eh, saka ano ka ba, last day na natin ngayon." Umiwas ako ng tingin sa kaibigan kong si Wayne, ayokong tumango sa kagustuhan niya.
"Maaga nga kasi dapat ako uuwi." Pagpapaliwanag ko. Kahit hindi naman ako kailangan maaga, hawak ko buhay ko ngayon dahil wala akong kasama sa bahay, walang magsesermon kapag late ako nakakauwi.
Pero gaya ng sabi ko nung una ay ayokong sumama sakanila.
Ayokong sumali sakanila kung saan pagsapit ng 7pm ay magpapaiwan sa loob ng classroom, at mago-ghost hunting. Pangkaraniwang kagustuhan ng mga magbabarkada. Ayokong sumama sakanila hindi dahil sobrang takot ako pero baka may kung ano pa ang mangyari samin.
May nai-kwento kasi samin yung janitor ng school namin na kung saan 6pm ay lilibutin niya ang buong campus para malaman na walang estudyante, at pag tapos na siya ay pupunta na siya sa kwarto niya kung saan nasa kabilang campus pa.
Hanggang sa 7pm ay walang nagtangkang lumabas o pumasok sa campus na ito hanggang 7 ng umaga. Bakit? Simple lang dahil tuwing pagsapit ng gabi ay may kung ano daw ang gumagala sa campus na ito para mag-check din ng classroom, kaso hindi na siya tao. Isa na siyang kaluluwa. 'Daw?'
Ayan ang kwento samin, no assurance. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang balitang iyon, kaya itong mga kaibigan ko ay inantay pa talaga ang last day ng school namin para magawa namin ito.
Magtatago naman daw sa loob ng classroom kaya panigurado ay hindi daw kami makikita ng Janitor.
"Para kang di tunay na kaibigan." Sabi ng isa kong kaibigan si Ayen, tumayo na siya at pamarchang umalis sa harapan ko. Ganon din ang iba, lahat sila ay masama ang tingin sakin.
Napabuga nalang ako ng hangin, hindi dapat namin gawin to. Wag naman sana nilang ituloy.
Dinismiss na kami ng 5pm. May one hour pa sila para tumambay dito pero hindi na ko nakisali pa, and as usual lahat sila ay masama ang tingin sakin.
Pauwi na ako nang maalala kong hindi ko pa dala ang libro kong physics, kung saan naibigay ko ata kay Christina. Hiniram niya ata kanina, tumingin ako sa orasan ko at 5:30 pm palang.
Posibleng nasa bahay na din yun dahil maaga din siya umuuwi, mabuti nalang walking distance lang sila dito. Hindi ko pwedeng basta na ibigay sa'kanya ang physics dahil may nakaipit dun na papel kung saan sobrang importante.
Hays, bakit ko kasi nakalimutang kunin yung papel? Ayun kasi yung kailangan ko ipamili ngayon, utos ng asawa ng kuya ko. Lagot nanaman ako nito. Uuwi sila ng madaling araw kaya kailangan may mga grocery na agad sa bahay.
Nakarating ako sakanila kaya kumatok muna ako, "knock, knock!"
Nakatatlong katok ako at sumalubong sa akin ang nakangiti niyang nanay, "Si Christina po?"Namilog ang mga bibig niya at napakunot-noo naman siya, "Late daw siyang uuwi ngayon. Akala ko sabay kayo." Sabi niya.
Ako naman ang napakunot-noo nito, wala naman siyang binabanggit sakin na late siyang uuwi at sabay kaming uuwi.
Shocks! For sure, sinama siya ni Ayen at Wayne sa trip nila. Mabilis akong nagpaalam kay Tita--- Mama ni Christina. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta dun o hayaan nalang muna ang listahan ng mga kailangan i-grocery.