003

22 1 3
                                    

Sobrang daming tao sa canteen noong pumasok ako, dahil lunch time na maraming estudyante ang nandito, nahagip agad ng mata ko ang table nila Ivan marahil maingay ito, agaw pansin din kasi ang mga babaeng kasama nila, yung iba ay classmates namin samantalang ang iba ay taga-ibang department ata.

Nagtatawanan silang lahat pero ng makita ni Ivan na nakatingin ako sakanya ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya, mabilis kong tinanggal ang tingin ko at nagkunwaring naghahanap ng table na kakainan.

Few days after that fight walang nagkikibuan saamin ni Ivan, at sa tuwing may lakad siya, sinisiguro niya muna na nakauwi na ko sa condo.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa table ni Coleen ng nakita ko siyang nakaupo don kasama si Angela. Coleen is my seatmate and Angela's her friend classmate din namin, sila pa lang kasi ang nakakausap ko eh, parehas naman silang mabait saakin kaya magaan din ang loob ko sakanila.

Si Coleen ang unang nag-approach saakin non, tinanong niya ako tungkol sa lesson namin sa English na medyo hindi niya ata na-gets kaya simula non lagi niya na akong kinakausap.

Tahimik lang akong kumakain habang naguusap sila ni ni Angela tungkol sa mga orgs na nagiimbita saaming freshmen na salihan namin.

"Eh kung dun kaya tayo sa mother org natin, baka makatulong sa academics" suggestion ni Angela

"Hmmm pwede rin kaso parang gusto kong sumali sa Dance Revo" sabi ni Coleen

"Wow daming time!!" sagot ni Angela, kaya sabay silang tumawa.

Sa course na 'to wala ka na talagang time sa mga ganyang bagay, masyadong busy at maraming ginagawa.

"Ikaw ba Alliah?"

"Iya na lang"  sabi ko at ngumiti = tska umiling. Wala naman kasi talaga akong time para dyan eh, mas as gusto kong magfocus sa acads, I want to ace all my exams, after all I'm still a Montecillo, kahit wala ako sa Cebu, I still want to graduate with flying colors.

I could say na mahirap talaga 'tong course na to, sa dami ba naman ng Math, siguro next sem Geometry na kami tas calculus.

Pagkapasok ng next prof namin sa isang subject nag-announce na agad siya ng project, hindi agad na-proseso ng utak ko ang sinasabi niya, pero nag tatake down naman ako ng notes, ipinaliwanag niya din naman na wag kaming mag-alala dahil groupings ito.

Magandang grupo ang napuntahan ko, karamihan kasi dito ay sa tingin ko ay masipag kaya pakiramdam ko wala akong magiging problema.

"Oh ilan kayo dyan sa grupo?" Tanong ng matanda naming prof ng lumapit siya.

"7 po"

"Tamang-tama kulang pa kayo ng isa. Cabrera dito ka na"
unting unting nagunaw ang mundo ko sa sinabi ng prof ko, bakit ba hindi mawala sa landas ko yang Cabrera na yan? Bakit ba kahit saan na lang ako magpunta o mapunta andyan siya. Di ba pwedeng matahimik na lang ako, yung walang Ivan na aaligid, natapos ang klase na sobrang inis na inis ako. 

"Iya!" Lumingon ako para makita kung sino.

Si Coleen.

"Sama ka ba saamin ni Angela, kain lang sa labas"

"May gagawin ako eh, next time na lang siguro"

Ang totoo niyan wala kasi ako sa mood, ayoko naman magmukang kj or what sakanila.

Pagkaalis nila, dumaretso na ako sa gate 2 kung saan nag-aantay na ang kotse ni Ivan.

Pagkapasok ko ng kotse niya nilagay ko na yung seatbelt ko at pinatakbo niya na ang kotse.

We're Better when we're TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon