004

10 1 2
                                    

Habang nagtatype ako sa laptop biglang nag ring yung phone ko, It's mom

"hi sweetie!"

"Hi mom?"

"Haven't heard anything from you, okay ka lang ba dyan? Do you need anything?"

"No mom, I'm fine"

"Inaalagaan ka ba ni Ivan dyan? Nakakakain ka ba ng tama? How about the groceries? Do have food there?"

Shocks oo nga pala, I run out of stocks and paubos na rin pala yung toiletries ko, lagi kong nakakalimutan maggrocery dahil lagi naman akong sa school kumakain or fast food at pag uwi ko sa condo hindi na ako kumakain nakakatulog na kasi ako sa sobrang pagod.

"Hay nako sabi ko naman sayo mag sama ka ng maid dyan kahit si Rosa lang"

"Mom I'm fine okay? Busy lang sa acads"

"Okay darling, call me if you need anything and by the way pakisabihan na rin si Ivan na sagutin ang calls ng dad niya tumawag ang tita mo kanina eh, kay? bye. Love you"

"Bye, love you too  mom"

Bukas na lang siguro ako maggrogrocery 6pm na baka magpadeliver na lang ako ng dinner ko.

When I finished my papers for English I fell asleep at my desk siguro it was just a short nap pano ba naman kasi nagising ako sa ingay or sobrang lakas na tawa? When I opened my lids I saw Ivan laughing at his cellphone while pointing at me. Ugh this guy talaga!!!!!

"Hoy ano yan"

"Wala wala hahahaha" umiling-iling pa siya

Oh I knew it

"Hoy ano ba delete it!!!" Sinubukan kong kunin sa kamay niya yung cellphone pero kahit matangkad ako mas matangkad pa rin siya, tinaas niya pa lalo yung kamay niya. Annoying.

"Ayoko nga, not when you're this ugly" tapos tinikom niya yung bibig niya na parang pinipigilan niyang tumawa but he still can't help it

"No, you didn't!!!!" Kinapa ko pa yung muka ko. I swear nagiinit na yung muka ko sa inis, tumakbo ako sa mirror ko to see may face drawn with lines, circles, unknown shape and shades, must be my rotring pens, I glance at my desk to check my pens, and yes it is, tanggal pa yung takip.

"DAMN YOU IVAAN!!!!" I walked straight to my bathroom to wash my face. Kahit nasa banyo ako rinig na rinig ko pa rin yung tawa niya. Pag katapos ko maghilamos lumabas ako ng bathroom habang pinupunasan ang muka ko.

Ivan likes to take pictures specially stolen pictures of me, yung mga worst and ugly moments ko or I if don't look well.

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? Why are you pestering me? Why are you even here anyway?" Nakahiga na siya sa sofa at nanonood ng TV, wow condo mo po?

Tumingin muna siya saakin tapos bumalik ulit ang mga mata niya sa TV at bago nagsalita

"You said it yourself, to pester you"

I just rolled my eyes and walked to my room.

Tumayo din siya at naglakad papuntang kitchen

While I lay down on my bed I heard him said

"Ano ba yan wala man lang pagkain sa sa ref mo? Ano ba to.. Lemon .. Ketchup, a carton of milk.."

Then he walked into my room, sumandal siya sa pintuan.

"Hoy ano ba ang sabi ko walang pagkain sa ref mo nagugutom ako"

Hindi ko siya pinansin

"Hoy ano ba?! Hindi mo ba ako naririnig?" Tapos binato niya sakin yung lemon, tinamaan ako sa leeg sa sobrang inis ko binato ko rin sakanya, thanks to my skills it hits his face

We're Better when we're TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon