Nagpapanik na ako dito.Wahhh may nagawa na naman ba akong masama para mapatulog siya ng ganyan....bigla nalang akong napahinto sa pag iisip.
Teka lang bakit ko naman sinisisi ang sarili ko sa nangyari kay rin eh wala naman akong ginawa.Atsaka nakagapos ako kaya paanong may magagawa akong masama sa kanya.
"Prinsesa"agad na nagpanting ang tenga ko pagkarinig ng salitang iyon.
"Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako prinsesa"naiinis na sigaw ko.Pero agad ding nawala yung inis ko ng makita na may ibang tao pala.
"Sino kayo ah"nagtatapang tapangan na tanong ko sa kanila.Pero sa loob loob ko kumakabog ata ng sobra ang puso ko sa takot.Wahhh gusto ko mang isipin na ililigtas nila ako dahil mala knight in shining armor naman ang peg nila kaso bakit pa kasi nakangisi sila.At parang galit na galit at nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa akin.
Itinaas ng lalaki sa gitna ang kamay niya at sa gulat ko napasigaw nalang ako.
Ahhhhhh
Nagulat ako ng gumalaw yung baging at mas lalong humihigpit ang pagkakatali sa akin na halos hindi na ako makahinga.Nahihirapan na talaga akong humingi.Napapikit ako ng sandali sa sakit na nararamdaman ko ayokong sumigaw.Ayokong mas lalo silang maging masaya na nahihirapan at nasasaktan ako.
PRINSESA!
Nang marinig ko ang boses ni rin dahan dahang bumalik ang lakas ko.Pinilit kong idilat ang mata ko para makita si rin.Napangiti ako ng makitang maayos na siya.Kahit nakapikit parin siya nakikita ko ang kasiyahan sa mukha niya.Kaya naman di ko napigilang mapangiti kahit nasa ganito na akong sitwasyon.
Mabuti nalang at ayos ka rin...
Tuwang tuwa talaga ako na okay lang si rin.Panandalian lang ang tuwa na iyon ng mas humigpit yung pagkakatali sa akin at ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay.
"Aba't nakakayanan mo pang ngumiti"nahihirapan man ay tiningnan ko siya.Nagtataka talaga ko kung paanong sa paggalaw lang ng kamay niya ay napapahigpit niya ang pagkakatali.Napapagalaw niya ang mga baging at hindi ko talaga maintindihan kung paanong nangyayari ito.
Rin tulungan mo ako...
Paghingi ko ng tulong kay rin.Kahit na alam ko naman ng hindi niya magagawa iyon dahil sa nakakulong siya at ako pa ang may kasalanan.
"Prinsesa mukhang nakalimutan mo na kami"narinig kong sabi ng isa pa sa kanila.Pero tiyak kong hindi ito ang kumokontrol ng baging.
Ano bang ibig nilang sabihin.Hindi ba nila maintindihan ang sinasabi ko.
"Ano bang mga problema niyo.Sinabi ko ng hindi ako prinsesa isa lang akong normal na tao"pinipilit kong magsalita.At sinusubukang ipa intindi sa kanila na hindi nga ako prinsesa.
Ano bang pumasok sa kukote nila at pinagsisiksikan nila at ipinipilit na isa akong prinsesa.
"Normal na tao!Ikaw?"ang kumukontrol ng baging ang nagsalita.Ramdam ko ang pagkasarkastiko sa tono ng pananalita niya.Parang natatawa ito sa sinabi ko.Kahit na wala naman akong naisip na nakakatawa sa sinabi ko.
Ano bang mali sa sinabi ko at natatawa sila...
"Kaya ba iniwan mo nalang ang sarili mong kaharian at pinabayaan ang iyong nasasakupan.Ipinagpalit mo kami sa mga normal na tao.Kinalimutan mo ang lahat na parang isa lang iyong simpleng bagay at namuhay na parang isa kang normal kahit hindi naman."nagulat ako dahil sa bawat bibitawan niyang mga salita may diin ito at ramdam na ramdam ko ang galit at hinanakit niya.
Kaharian?Nasasakupan?
Kinalimutan?
Normal?
Ano bang pinagsasabi niya hindi ko siya maintindihan.
Wala akong alam sa mga pinagsasabi nila...
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo sa akin yan sinasabi"pilit akong nagsasalita.Kailangan kong linawin ang lahat.Wala akong alam sa pinagsasabi nila.
Ackkk
Napaubo ako at nalasahan ko nalang ang dugo sa aking bibig.Damn hindi ko pinangarap na mamatay ng bata.Atsaka mas lalong hindi ko gusto na dito mamatay.
Mawawalan na sana ako ng malay dahil wala na talaga akong masagap na hangin ng biglang lumuwag yung pagkakatali.
Ahhh!!
Prince!
Nagmamakaawa po kami!!
Parang awa niyo na po!!!
Nang makarecover ako at maging maayos ang paghinga ko.Pinilit kong imulat ang mata ko.Naririnig ko ang pagmamakaawa ng tatlo na parang nakakita sila ng halimaw.Malabo na ang paningin ko kaya hindi ko masyadong makita ang pangyayari ng klaro.Basta may nakikita akong lalaking nakatalikod at pinagsisipa,suntok at kung ano ano pa ang ginagawa nitong pangbubugbog at parang bigla nalang nanghina ang tatlong lalaking kanina ay wagas kung makangisi sa akin.
Sino siya?
Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko.Dahan dahan ay bigla nalang siyang humarap sa akin.Pero unti unti naring nanlalabo ang paningin ko.At feeling ko na hindi ko na talaga kaya.Bago ako bumagsak nakita ko ang mukha niya.At hindi talaga ako makapaniwala kung tama nga ang nakikita ko oh nagdedeliryo na rin ako.
Ikaw ba yan.....
****
Next chapter:
Ehhh nasaan ako?
Papaanong....panaginip lang ba ang lahat.
Pati siya isa lang bang kathang isip?
****
Note:wahhh sinisipag ako.Alam ko maikli lang ito pero iyon lang talaga nakayanan eh.Tsaka satisfied na ako sana ganoon din kayo.Hehehh dahil sa fantasy ito puro lang talaga kathang isip ang nandito.Masyado lang akong excited magsulat dahil may pinapanood ako(anime iyon) at dahil matatapos na iyon bawat ep. susulat muna ako ng isang chapter nito bago panoorin yung sunod.Hahah paraan para hindi tamarin ang ganda kasi niyon.Psttt sige bye na ang haba na eh.See ya sa next chapter.Isa pa pala add niyo sa LIBRARY niyo ito ah.Iyon lang maraming maraming salamat.