Sa hindi ko maipakiwaring dahilan.Simula nga ng maganap ang pagkahimatay ko at pagkaospital.At tsaka na rin ang weird na panaginip lang naman daw ay hindi na bumalik si rin.Palagi naring nakapaligid sa akin si sab at lalo na si drake.Na lahat ng gagawin ko kailangan niyang malaman.Tsk parang baliw lang.
Tumayo na ako dahil tapos na ang klase.Kukunin ko na ang bag ko ng may humalbot niyon.
"Ako na magbubuhat"mukha niyang lakas makangiti ang bumungad sa akin.Agad ko naman siyang tiningnan ng masama at inagaw yung bag ko.
"Pwede ba tumigil ka na nga.Para ka ng baliw sa ginagawa mo"inis na sabi ko at nauna ng maglakad.Tsk feeling niya close kami...napahinto ako sa paglalakad ng akbayan niya ako.Tumingin naman ako sa paligid may ilang mga kaklase ko ang nakatingin sa amin at nagbubulungan.
"Tsk pwede ba lumayo ka nga.Nakakairita ka na talaga"nakakapikon talaga yung alam nilang andito ako at nakatingin ako sa kanila para parin silang walang nakita at nagbulungan pa.
Kung sasaksakin lang nila ako yung harap harapan na hindi yung kailangan sa likod pa hindi ba....
"Eh zie galit ka ba"nakita kong bigla nalang nalukot yung mukha niya.As if naman papaloko ako sa kadramahan niya.Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa paligid.Nakita kong walang tao sa hagdan na paakyat ng rooftop kaya hinila ko siya papunta roon.
Binitawan ko na yung kamay niya pero hinawakan niya ulit yung kamay ko kaya napatingin ako at nabigla ako ng bigla na namang nagbago yung pagtibok ng puso ko.Inalis ko din naman agad iyon.Inis bakit bigla akong kinabahan.Pinilit kong tingnan siya diretso sa mata niya kaso hindi ko talaga magawa mas bumibilis pa yung pagtibok ng puso ko.
Ano bang nangyayari sa akin..
"alam mo kung ayaw mo akong magalit eh tumigil ka na.Papatawarin kita sa pagkakataon na ito pero sa susunod na lumapit ka pa akbayan ako o kahit anong----"nahinto ako ng bigla siyang naglakad papalapit sa akin.Isa pa sa nagpa atras sa akin ay ang pagiging seryoso niya at nanlaki ang mata ko ng biglang maging pula yung asul niyang mata.
Papaanong nangyaring nagbago yung mga mata niya....
Ibig sabihin totoo yung nangyaring iyon at hindi lang panaginip.
"A-anong gi-inagawa mo dra-a-ake..."kinakabahan na napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa pader.Sh*t no way....pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko parang sasabog na ito.Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko pero nangingibabaw ang pagkakaba ko.Tatakas sana ako ng iharang niya yung kamay niya kaya nacorner ako.So-sobrang lapit niya....
"Wag mo na akong patawarin kailangan kitang protektahan okay lang na magalit ka kesa sa mawala ka sa akin ng tuluyan"napayuko nalang ako.Hindi ko na talaga kaya feeling ko bibigay na yung tuhod ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.
Bakit niya ba ito ginagawa....
Ano bang nararamdaman ko....
Isa pa itong puso kong ito lakas makapagwala....
"A-a-ano bang sinasabi mo bakit sa palagay mo ba nasa panganib ako para protektahan mo ako."ang lalim na ng paghinga ko.Sh*t masama na talaga ito....nahihirapan na akong huminga kailangan ko ng hangin....