Nang dahil sa isang kakapirasong papel na nakapaskil sa paligid ng kaharian ng Zackriestal Kingdom.Lahat ng mga zackries(mga nilalang na nakatira at nasasakop ng kahariang zackriestal.Mayroon silang mainit na temperatura hindi katulad sa bampira na malalamig.Mayroon din silang mga kapangyarihan.Ngunit katulad ng bampira mayroon silang bilis at lakas na tinataglay.)ay mayroon poot,suklam,galit sa kanilang tinuturing na prinsipe.Ang papep na nakapaskil sa buong kaharian ng zackriestal ay makikita lang ng mga nilalang na zackries hindi ito maaring makita ng mga aryan.
Lure's pov
Andito ako naglilibot sa buong kaharian ng zackriestal.Hindi ko inaasahang gagawin talaga ng prinsipe ang sinabi ng tusong babaeng iyon.Sobra talaga ang pagkahumaling niya sa nag iisang prinsesa ng mga aryan.At kapag hindi ko pa napigilan iyon siguradong masasaktan lang ang prinsipe.Lalo na't malapit na ang ikalabing anim na kaarawan ng prinsesa ng mga aryan.Ang araw na muling magbabalik ang kanyang ala ala.
Zie's pov
Nandito ako sa labas ng tree house.Ilang araw narin ata simula ng dumating kami dito.Pero ni minsan hindi ko na muling nakausap pa si luke.Palagi siyang umaalis at katulad nga ngayon umalis na naman siya ng walang pasabi.
Sinabi niya sa aking wag daw akong aalis at lalayo sa tree house.Gusto ko naman sanang sundin siya kaso nga lang ilang araw na rin akong naiinip lalo na't wala akong kausap dahil sa pag alis niya.Kating kati narin ang mga paa ko,gusto kong libutin ang lugar na ito.
Tumayo na ako,naka upo kasi ako ng pa indian sit habang pinagmamasdan ang mga ibon na lagi nalang nandoon sa isa pang napakalaking puno,medyo malayo sa ito sa tree house.Ngunit kitang kita ko talaga ang napagkagandang mga ibon na iyon na mayroong mga asul at pulang feathers may konti ring berde pala.Pinagpag ko ang palda ko,uniform ko pa rin ang suot ko ngayon.Di ko tuloy maiwasang amuyin yung sarili ko kung mabaho na ako.Pero wag kayong mag alala ang bango bango ko kaya.
Napalingon ako ng biglang magsi alisan yung mga ibon.At ganun nalang yung gulat ko ng nasa likod ko na pala si luke.Saglit kaming nagkatitigan pero siya rin ang unang umiwas.Ibinigay niya sa akin yung supot ng pagkain.At tumalikod na siya.Hindi ko naiwasang malungkot dahil batid ko na namang aalis na siya.Yumuko ako at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa supot na binigay niya.
"Drake... i-i mean luke pala"nakayuko kong tawag sa kanya.Nakita ko namang huminto siya.Kailangan siguro tanungin ko siya kung bakit ako nandito.At kung ano talaga ang lugar na ito."Bakit mo ako dinala rito at anong lugar ito"galit na sigaw ko sa kanya.Hindi naman talaga ako galit.Tumingin ako sa harap ko para tingnan kung anong magiging reaksyon niya.Pero katulad ng lumipas na mga araw bigla na naman siyang nawala na parang bula.
Kung kanina yumuko ako para sa wala.Ngayon yumuko ako para magtimpi at pigilan ang sarili kong magalit.
"Hindi naman talaga ako galit,hinding hindi talaga...."paulit ulit na bulong ko sa sarili ko.Pinipilit kong kumbimsihin at paniwalain ang mismong sarili ko na hindi ako galit sa kanya.Ito na ata ang pinaka tangang ginawa ko sa buhay ko.Bakit ko nga ba siya susundin,eh kahit isang word niya na pwedeng isagot sa mga tanong ko hindi niya sinasabi eh!Tapos ang galing galing niyang dalhin ako dito tapos aalis rin pala siya.Huh hindi ko na siya mapapatawad....
Itinapon ko yung supot na ibinigay niya na naglalaman ng mga prutas.Atsska ako tumingala at malakas na sumigaw "ahhhhhhh galit talaga ako sayo ..... galit na galit ako sayo LUKE ... kinamumuhian kita at sinusumpa ko hindi na kita susundin.... ahhhh naiinis talaga ako ngayon."ubod na lakas kong sigaw.Umupo ako sa sobrang pagod ko.Nakakainis talaga siya.Pinagsisipa ko yung mga prutas na malapit sa akin.Alam ko masama yung ginagawa ko.Pero wala akong pake.Siya ang nagbigay niyan at galit ako sa kanya.