Chapter 12:Pagbabalik

28 1 1
                                    

Nakaramdam ako ng matinding kasayahan ng makita ko ang mukha niya na sobrang saya habang papunta sa akin.









Totoo ka...totoo ka rin.








"Prinsesa"sigaw niya ulit.Tatakbo na sana ako papunta rin sa kanya ng biglang humarang sa harap ko si luke.Nakita ko namang nawala ang ngiti ni rin sa labi niya ng biglang nakita niya si luke.Huminto siya sa pagtakbo.Nabaling naman ang tingin ko kay luke ng maglakad siya.







"Stay away from her"rinig kong bulong ni luke habang naglalakad siya palayo sa akin.Napatingin naman ako kay rin.Hindi ko alam pero nararamdaman kong hindi maganda ang unang pagkikita nila luke at rin.Kung ngayon nga lang sila nagkita.Ang sama ng tingin nila sa isa't isa.Para silang lion at tigre na handang magsakmalan ano mang minuto ngayon.







Ehhh!Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ng matapos magprocess sa utak ko yung ideyang para silang lion at tigre.







Hala kung mangyayaring mag away sila kanino ako kakampi?








"prinsesa aryan wag kang susunod sa kanya"biglang sigaw ni rin kaya napatingin ako sa kanya.Maglalakad sana ako ng magulat ako ng bigla akong makulong sa kulungan na gawa sa mga baging.Hinawakan ko ito at pinagsisipa.







Hala ano ito.... bakit ako nakulong wahhh wala naman akong ginawa ah!








Panay ang hampas ko at sigaw sa kanilang dalawa."Ilabas niyo ako dito.Bakit kailangan niyo akong ikulong dito.Kayong dalawa..."inis na pinagsisipa ko yung baging pero sobrang tibay nito.Na parang kasing tigas ng bakal.Nabalik ulit yung tingin ko sa kanila at ganun na lang yung pagka inis ko ng makita kong nakatingin sa akin si luke ganun na rin si rin.Naiinis na pinaghahampas ko na naman yung kulungan na ito.










Tinuro ko silang dalawa habang tinitingnan ng masama."Ilabas niyo ako dito"galit na sigaw ko.Akala ko may makikinig sa akin pero tumalikod na si luke sa akin at nakatuon na rin yung pansin ni rin kay luke.Nakita kong ibinuka ni rin ang bibig niya.Para silang nag uusap o mas magandang sabihin na nating nagtatalo sila.Dahil bakas na bakas ang galit sa mukha ni rin.









Eh!Wait... hala nabingi na rin ba ako nakulong lang ako dito.Bakit wala akong marinig kahit kitang kita ko naman na nag uusap sila.











Nagpapadyak ako sa inis."Argh nakakabwisit silang dalawa ah! Una kinulong nila ako,tapos ngayon di ko pa sila marinig.Wahh ganun ba ka importanteng magkaroon sila ng privacy.Edi sana pinaalis nalang nila ako diba"Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis ko sa kanila.Tiningnan ko ulit kung anong nangyayari na at ganun nalang ang gulat ko sa nakita ko.










"RIN"sigaw ko.









Rin's pov







Matapos kong ikulong si prinsesa aryan.Bigla nalang akong kinabahan.Alam ko namang mas malakas parin sa akin ang walang hiyang prinsipe na iyan.Pero mas natatakot ako na baka mapahamak ang prinsesa.At baka hindi rin ako makapag concentrate dahil sa prinsesa.








Habang panay ang pagwawala ng prinsesa sa loob ng kulungang ginawa ko.Hindi ko naman maiwasang mapangiti.Kung sana may ibang paraan lang ako para ayusin ang bagay bagay ng hindi na kailangan pang ibalik ang mapapait na karanasang sinapit ng prinsesa at mag stay nalang siya sa walang kamuwang muwang at inosenteng normal na nilalang sana ginawa ko na.Kaso walang ibang paraan kundi magbalik ang mga memorya niya para masupil ang mga nilalang na zackries na dahilan ng pagkawala ng mahal na reyna.









Nabalik ako sa sarili ko at nang mapansin kong nasa akin na ang tingin niya,napawi agad ang ngiting naka ukit sa labi ko.








"Anong ginagawa mo dito"tanong niya sa akin.Napangisi naman ako.Itinali ko ang buhok ko para hindi maka sagabal.At hinarap ulit siya.








"Ikaw anong ginagawa mo kasama ang prinsesa"pabalik na tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pagbabago ng kamay niya.Nakakainis wala naman talaga sa plano ko ang harapin siya lalo na at nandito ang prinsesa.







"Tsk I really didn't expected na ikaw talaga ang sisira sa plano ko"natatawang sabi niya.Nginitian ko lang siya ng nakakaloko pabalik.










"Ako nga rin hindi ko talaga ini expect na isang mahinang katulad mo ang sisira sa plano namin"nakakalokong sabi ko sa kanya.Mas lalo naman ako natuwa at na excite ng makita ang pagkuyom niya ng kamao at pagbabago ng ekspresyon niya.









Mabuti naman at naaalala niya parin ang araw na iyon....










"Ack"agad na napaluhod ako ng suntukin niya ako sa tiyan ko.Damn him.Halos magsuka ako ng dugo ng maramdaman ko ang pagkahilo.Sh*t bakit ngayon pa bumalik ang panghihina ko.









"Mukhang mahina ka pa rin.HHaha kailan ka ba naging malakas."napatingala naman ako ng magsalita siya.Nakita ko ang mala demonyong ngiti niya pero di na bago sa akin iyon.








"Niloloko mo ba ako...."natatawang tiningnan ko siya.Naramdaman ko naman ang pag sipa niya sa likuran ko.Kaya napadapa na ako sa lupa."Should I kill you"nakakalokong tanong niya sa akin.Tumawa naman ako."So isa na naman ba ito sa magpapa satisfy sa iyo.Katulad ng dati"akala ko ito na ang pinakahuling katagang maari kong banggitan.Pero nagulat nalang ako ng maalis yung paa niya sa likod ko at mapaatras ng konti.Napatingala naman ako at napa iyak ako ng makita ang prinsesa.










"Prinsesa Aryan"tawag ko sa kanya.Tiningnan niya naman ako sandali at bumalik din ang tingin niya sa walang kwentang hari na ito.









"Anong karapatan mo para saktan ang kalahi ko.Walang kwentang prinsipe."nanlaki yung mata ko ng marinig ang boses na iyon.Hindi maari.






"ZIE"hindi ko alam kung matutuwa ako na makita ang gulat at litong reaksyon ng walang kwentang hari na ito.Pero hindi rin ata maganda ang pagbabalik niya.






"ZIE...."patanong na sabi niya hindi parin naman nawawala ang ngisi niya."Mukhang nakalimutan niyo na rin ako katulad niya.Hindi mo na ba naaalala ang katagang binitawan mo sa unang paghaharap natin walang kwentang prinsipe"hindi nga ako nagkakamali.






"kailangan mo nang mawala"seryoso ang pagkakasabi niya at alam kong galit siya...





Siya si.....






"Airis"sabay naming banggit sa pangalan niya.

***




Next chapter:



Mahina....








Bakit pa.... kung mawawala na rin naman siya









Im sorry




****





Note:wahh i know i always put a note.Gusto ko lang mag thank you sa nagbabasa nito.Hehehh 3 short updates sa pagbabalik ko.Siguro next weekends ulit.I know im not that good peri sana nasisiyahan parin kayo sa pagbabasa nito.

Queen of Ice & FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon