Chapter 11:Dati

26 1 0
                                    

"ZIE"isang napakalakas na sigaw ang narinig namin.Napasigaw naman ako ng maalis sa balikat ko yung napakatulis na kuko ng lalaking nag ngangalang ambrosio.Nagulat ako ng makita ko ang pagtalsik niya.Natumba pa ang mga puno sa direksyon kung saan siya tumalsik at ngayon nga ay hindi ko na siya matanaw.







Buhay pa ba siya....









"Zie"nabalik ako sa ayos ng marinig na naman ang galit na tono ng boses niya ng banggitin niya ang pangalan ko.Tumingala ako at ganun na lang ang takot ko ng makita ko ang mukha niya.Sobrang nakakatakot siya.Iyan ang tamang word para sa kanya.Napatingin ako sa kamay niya.Kitang kita ko ang pagtulo ng dugo sa napagkatulis niyang mga kuko.







Dugo?Iyan ba yung dugo ng lalaking tumalsik?










Bigla nalang nagdilim yung paningin ko.Tumayo ako at sinampal siya ng ubod ng lakas gamit ang kaliwa kong kamay.Hindi pa ako nakuntento sasampalin ko pa sana siya ng mapahinto ako at parang binuhusan ako ng napagkalamig na tubig ng maramdaman ko ang napagka init na kamay niya ng pigilan niya ako.







Akala ko makikita ko na naman ang nakakatakot na tingin niya at galit na galit na ekspresyon sa mukha niya.Pero nagulat ako ng bumungad sa harapan ko ang napaka among mukha niya.Na parang wala pang isang segundo boom agad na nagbago siya at sa oras ding iyon napalitan ang takot at galit na nararamdaman ko ng pagkaguilty na sinampal ko pa siya.











Mas lalong naguilty ako ng marinig ko ang mga katagang iyon mismo sa kanyang mga bibig."Im sorry"senserong sabi niya at naramdaman ko nalang na yakap yakap niya ako.Unti unting nanikip ang dibdib ko at para akong nahirapan huminga.Napakagat pa ako ng labi at pinilit pigilan ang pagbuhos ng luha ko.Pero hindi rin nagtagal umiyak ako lalo na nung maramdaman ko ang dahan dahan niyang paghagod sa likuran ko.





Sobrang lakas ng pag iyak ko.Na para akong bata lakas makangawa sa harapan ng magulang niya, kahit damulag na naman ako.Naiinis na pinanghahampas ko yunh kaliwa kong kamay sa likuran niya.Nakakainis kasi bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng pilay sa kanan eh!Mas malakas pa naman iyong mang hampas.





"Huhuhuhh nakaka inis KA LUKE"pagsisimula ko.Sinundan niya naman iyon ng salitang "Sorry" habang dahan dahan paring hinahagod ang likod ko kaya mas lalo akong naiiyak.









"Matapos mo akong dalhin dito,sa lugar na ito.Bigla mo nalang akong iiwan at babalik kalang pag gusto mo"








"Sorry"











"*Hik* di mo manlang naisip na mag iisa ako.Na baka mapahamak ako habang wala ka at kung saan *hik* saan ka naglalagi"












"Sorry"











"Tapos hindi ka pa agad pumunta dito,nakakilala na naman tuloy ako ng mas weird sa iyo"sumbat ko sa kanya hininto ko na ang pagpalo sa likuran niya.At pinipilit punasan ang mga luha ko na tuloy pa rin ang pagtulo.










"Sorry"









"Weird ka na nga eh tapos mas may weird pa sa iyo.Yan tuloy takot na takot ako.Alam mo bang dati hindi naman ako natatakot,matapang kaya ako"Huminto ako sa pagsasalita at pinilit ang sarili kong tumigil sa pagsasalita.Akala ko sasabihin niya na namang "Sorry" eh kaso nabigla ako ng iba yung lumabas sa bibig niya.











Queen of Ice & FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon