"Mahina"nakakalokong ngumiti siya at tiningnan kami na parang mga alikabok lang kami na madaling mawawala sa isang kumpas ng daliri niya.
"Anong bina-abala-k m-o-o"pinilit kong magsalita kaso kumirot na naman ang tiyan ko at nagsuka na naman ako ng dugo.Lintik na walang kwentang prinsipe kasi ito...kasalanan niya kaya mas lalong lumalala ang problema.Kung kailan ba naman kasi ....
Napahinto ako ng maramdaman ko ang pag apak ni airis sa likod ko.Napasigaw ako lalo ng mas diinan niya ang pag apak.
"Ahhhh"patuloy sa pagsigaw ko sa sobrang pamimilipit ko.Halos maubos na talaga ang lakas ko ng alisin niya ang paa niya sa likod ko.
"Sa susunod alamin mo kung saan ka lulugar,ang pinaka ayoko sa lahat ay yung mga nilalang na umaastang napagkataas pero sa totoo lang nasa ilalim lang naman ng lupa nababagay"mataray na sabi niya.Naalis ang tingin niya sa akin at nalipat sa walang kwentang prinsipe.Napapikit na naman ako ng maramdaman kong dumaan siya sa likod ko.D#mn ang lawak lawak ng daanan sa likod ko pa talaga.
"Ikaw luke kamusta ka na"narinig ko ang biglang pagbabago sa boses ni airis.Naging napagkaamo ng boses ni airis na parang nawala ang galit nito kani kanina lang.Napalingon naman ako dahil parang wala ng nangyayari pero ganun nalang ang pagkagulat ko ng halikan ni airis ang walang kwentang prinsipe.Walang hiyang bruha na ito...makaasta wagas sabihan pa akong bagay sa lupa eh siya linta,tuod,ahas bagay sa gubat.
Nalipat naman ang tingin ko sa walang kwentang prinsipe,nakita ko siyang may binulong sa airis na iyon.At nakakainis pa sa lahat eh napangiti niyon si airis.Inis paano na ang prinsesa,sabi ko na nga ba walang kwenta talaga ang prinsipe na ito.At sa sobrang walang kwenta niya si prinsesa aryan pa ang nagawang lokohin.Kung hindi ba naman sarap niyang patayin diba.Makikipag landian nalang sa katawan pa ng prinsesa.
"Pwede ba... bakit pa.Bakit ba kailangan niyo pa siyang hanapin.Ha!bakit pa... kung mawawala na rin naman siya"nagulat ako ng sa isang iglap biglang nag iba ang ihip ng hangin.Ngayon ay galit na galit si airis habang hawak hawak ang leeg ng walang kwentang prinsipe.At unti unti niya na nga itong inaangat.Samantalang ng makita ko ang mukha ng walang kwentang prinsipe ganun nalang ang pagkalito ko ng wala na akong makitang emosyon sa mukha niya.Para siyang nawala sa sarili niya at hindi ko manlang alam kung bakit.
Ano bang nangyari at nagkaganito...Lintik na halik kasi iyon eh!
Unti unting dumilim ang langit.At palakas din ng palakas ang pag ihip ng hangin.Halos ibaon ko na ang mga daliri ko sa lupa huwag lang matangay.Akala ko iyon na ang pinaka worst pero bigla nalang akong kinabahan at natakot ng maramdaman ko ang pagyanig ng lupa at narinig ko rin ang unti unting pagkakaroon ng crack sa lupa.Nilingon ko ang kinalalagyan nila.At hindi parin nagbabago mas lalo lang nagagalit si airis habang parang wala lang sa walang kwentang prinsipe ang nangyayari.Kahit mawawalan na akong ng malay at unti unti na akong umaangat ng dahil sa lakas ng hangin.Hindi na ako nagdalawang isip at bumitaw.
"Mahal na prinsesa aryan gumising kana alam kong mas malakas ka kay airis"lahat ng lakas ko ay ibinuhos ko sa pagsigaw na ginawa ko,bumitaw na nga ako dahil unti unti ng dumidilim ang paningin ko pero bago iyon narinig ko pa ang pagsigaw ni airis.
"Lapastangan....ahhhh anong nangyayari"
puno ng galit at suklam ang pagsigaw na ginawa ni airis.Pero mas napangiti ako ng saktong pagbagsak ko sa lupa iyon din ang pagdaing niya at pagkalito.