I'm In Love with my Bestfriend <3

136 6 6
                                    

Dahan-dahan akong sumilip mula sa likod ng bookshelf, at muntik na naman akong takasan ng kaluluwa dahil nakita ko syaaaaa! >//////<

Ang nakita ko, siya....SIYA lang naman ang aking pinakamamahal na crush na si Alvin Anthony Alvarez, ang varsity player at heartthrob ng school!

Kaklase ko siya, parehas kaming graduating ng highschool. At crush na crush ko siya!! Sino ba namang hindi magkaka-crush sa kanya ehhh bukod sa ang gwapo-gwapo niya (balita ko half-half siya. hahaha) ang galing-galing pang maglaro ng basketball at ang talino pa!

Consistent first honor siya mula pa noong first year kami.

Oo, matagal ko na siyang kilala. Kaso, hindi niya alam na nag e exist ang isang katulad ko TT^TT

 Pansin ko kasi, ni hindi man lang siya namamansin (hmp). Ni hindi ko pa nga yata nakikitang nakikipag-usap siya sa mga kaklase namin o sa kahit sino man. Napakadalang din nga niyang makipag-usap sa teammates niya.

At hindi rin siya nangiti.

Pero....teka...

BAKIT NAUNA KO PA SIYANG IPAKILALA KAYSA SARILI KO?!

Ako nga po pala si Maria Christina Falls. Ehhh. mali. Maria Christina Zaballa pala. Hihi.  Napaka-oldies ng namesung ko noh? Palibhasa ang parents ko eh mga antique na. Hindi man lang yata nila pinag-usapan kung ano ipapangalan sa'kin ehh :(

At ako nga pala ay isang....*drumroll* ANIME OTAKU! YAAAAAY~! :D

Muahahaha. at sabi nila, cute daw ako....pero ang totoo niyan....

CUTE TALAGA AKO! ~^O^~

Yay! Nagbuhat ng sariling bangko. eksdii. Well, tama na ang tsismisan portion  at balik na tayo sa kwento ng buhay ko...... Hihi.

BIgla akong nagtago nung nakita kong tumayo si Alvin. Ehh, nasa library nga pala ako ngayon. Haha. Lagi kasing nandito si Alvin, at bilang WIFE niya, sinisilip ko siya lagi dito. BWAHAHA.

Naramdaman kong may papalapit sa'kin kaya nagkunwari akong naghahanap ng libro sa bookshelf.

"A-ahh.. HAHA! Nasa'n na ba yung libro ng Biology na yun? Haha! Bobo naman ng bookshelf na 'to. Bakit 'di ko makita? Hahahaha!" nanginginig pa yung kamay ko. xD

Sige teeeeeeeeh! Push mo pa!

"excuse me, miss. Pero section yan ng Literature. Wala kang makikitang Biology book d'yan." sabi ng isang boses. Napatigil tuloy yung pang-FAMAS na acting ko sa may bookshelf at napalingon sa nagsalita.

Aaaaaat, nanlaki ng husto ang mga mata ko nang makita kung sino yun. Kyaaaaaaaaaa! Ang aking pinakamamahal na crush!

"Yung bibig mo, pakisara. Alam kong gwapo ako pero baka pasukan 'yan ng langaw." biglang sabi nito. Seryosong-seryoso ang mukha niya pero bigla siyang ngumisi.

Naramdaman kong uminit yung mukha ko sa pagkapahiya. O///////////O

"I'm sorry, Miss. Alam kong crush mo 'ko pero 'wag mo naman akong tunawin sa titig." biglang sabi ulit nito. And this time, seryoso na naman ang mukha niya.

Eto, supeeeeeeeeeer pahiya na 'ko. Bigla tuloy akong nainis.

Naramdaman kong uminit ung mga pisngi ko at ulo.

"B-BAKA !!" sigaw ko sa kanya sabay takbo.

Grabee! niyabangan niya 'ko! TT////TT

Nagkamali ba 'ko ng pagkaka-crush sa kanya??

Pero sayang, 4 years na din yun TT////TT

I'm In Love with my Bestfriend &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon