Chapter 4

50 1 1
                                    

<CHRISTINE's POV>

Tip toe ako habang naglalakad sa corridor papunta sa room namin. Dahan-dahan talaga ako para walang ingay na maririnig. Nahihiya pa din talaga kasi ako kay Alvin >////<

Saka isa pa...... may malaki akong pimple sa ilong!! @////@ Tapos ang pula pa. huhuhuhuhu.

Nakahinga ako ng maluwag nung malapit na 'ko sa classroom. Ayan naaa.... Konti na lang... Malapit na... Ayan--

"Maria Christina?"

"AYYY BUTIKI NA MAY BANGS!" napatalon ako sa pagkagulat nang biglang may narinig akong pamilyar na boses sa likod ko. Tumayo ako ng tuwid.

Wag kang lilingon, Chris, wag kang lilingon!!

"A-ahh. H-hi, hehehehe." sabi ko na lang pagkatapos humakbang na uli ng isa, pero nagsalita uli siya.

"I have something to tell you." nyeee! Ano nman kayang sasabihin niya? Tungkol na naman ba doon? AYOKO NAAA!

"Sorry!! Pero masakit pala ang paa ko!! Pupunta na 'ko sa clinic!! Bye bye!!" sabay takbo ko ng mabilis papunta sa clinic habang hindi siya nililingon.

[CLINIC]

Tsssssssssss. -________-

Ano ba yung sinabi ko? Masakit ang paa? Tapos tumakbo ako? Ei shunga ko pala eh. Di man lang umisip ng mas magandang alibi. Yan tuloy! >.<"

Bakit nga ba ako nahihiya sa kanya? Eh siya naman ang nang asar sa'kin.

Unang-una, dahil nabuking na ang munti kong pagtangi sa kanya. And worse, siya pa ang nakaalam nun @///@

Wala naman kasi akong maituturing na bestfriend. Oo, marami akong kaibigan pero wala akong ka-close. Kaya wala akong mapagsasabihan.

Pangalawa, dahil nga sa pang-aasar niya, at alam kong nahalata niyang naapektuhan ako. Well, totoo naman kasi yun. Bwahahahahahahaha. Nakakahiya, dahil sa pagnganga ko, nabunyag ang aking apat na taon nang sikreto.

At pangatlo, dahil dito sa napakalaking pimple na ituuu!! x(

Uwaaaaa! Gusto ko nang mamataaaaaaay!

"Uwaaaaaaaaaa!" isinubsob ko yung mukha ko sa unan ng kama sa clinic. Buti na lang wala pa yung nurse, kaya solo ko ang clinic >:D

"Ano'ng problema mo?"

Napabalikwas naman ako dahil sa nagsalitang yun. Tinakip ko yung kumot sa sarili ko bago luminga-linga.

"S-sino yan?" uwaa~! Wag naman po Mang Mumu!

"It's me, calm down." biglang sumulpot dun sa may kurtina si Alvin. And as usual, ang gwapo niya!

"Kyaaaaaa!~ Butiki ka naman oh!" nakita niya na yung panget kong mukha :(

"I'm not. Tao ako. -__- Alam mo, you're weird. Nung una, tinawag mo 'kong BAKA. Tapos ngayon, BUTIKI naman. For your information, TAO ako -___-" parang nababanas na sabi niya.

Ako? Ayun, tameme. Wasabi.

"E-eh ano naman ngayon? K-kung weird ako, edi lumayo ka! Baka mahawa ka sa'kin -___-" yess! Nakapagsalita pa 'ko!

Kumunot ang noo niya. Pero wafuu pa rin! xDDD

"But that is the reason why I want to be friends with you. I want my remaining high school days to be colorful. I want to experience having a friend."

Wai----TEKA. ANO DAW?

Friendsss *Q*

with ALVIN? *////*

I'm In Love with my Bestfriend &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon