Chapter 6

40 2 2
                                    

Harooo! x) Gonna update na huh! Ayoko na maging demanding kasi wala lang. hahaha. Di, wala naman kasing mararating un. Hayaan ko na lang ung story ko. Atleast na share ko siya hehe.

- A/N

CHAPTER 6

<CHRISTINE's POV>

"Bilisan mooo!" dali-dali kong hinila si Alvin papunta sa second floor ng SM kung saan nandun ung Foodcourt.

"Aray, aray. Teka naman! Wag mo nga akong kaladkarin! Saan ba tayo pupunta?" angal ni Al. Binitawan ko siya at unti-unting humarap sa kanya. 

"So nagrereklamo ka? So hindi mo na babayaran ung kasalanan mo sa'kin? So ayaw mo na 'ko maging kaibigan? So--"

"Hindi noh! Ito naman, hindi na mabiro. Tara na nga!" siya naman ang humila sa'kin this time. Haha >:D

Pumunta agad ako sa stall ng Shabu-Shabu at um-order ng dalawa. Napansin kong ang sama ng tingin ni Alvin sa mga Shabu-Shabu.

"Hoy! Bakit ansama ng tingin mo sa mga Shabu-Shabu? Inaano ka nyan?"

"Ehhh, ang weird kasi ng hitsura nila ehhh."

"Kung ganoon, wag kang tumingin! Kaawa-awa naman ung mga Shabu-Shabu. Baka matunaw." sinunod naman niya 'ko. Dun nalang siya tumingin sa kisame. Ansama ng tingin niya sa kisame haha.

"Oh," iniabot ko kay Alvin ung isang Shabu-Shabu.

"Para saan 'to?" nagtatakang tanong niya.

"Para sa'yo. Kumain ka na lang dyan." sagot ko naman tapos kumain na. Mauubos ko na ung noodles nung napansin kong tinititigan ni Alvin ung Kikiam ball.

"Hoy. Bakit tinititigan mo lang yan?"

"What is this thing?" aba, at in-english pa 'ko.

"Hoy, for your information, food yan. Hindi thing. Tch." kumain na lang uli ako.

"I know. But..it looks kind of...gross." ansama ng expression ng mukha niya. 

"Kung ayaw mo, di wag! Akina nga lang yan!" akmang aagawin ko sa kanya ung Shabu-Shabu pero inilayo niya agad sa'kin un. Aba't! -______-  Akala ko ba ayaw niya?

"No! This is mine!" niyakap niya pa ung Shabu-Shabu. Haha. Parang bata.

"Edi iyo na kung iyo. Tch. Kumain ka na lang kasi dyan. Dami-dami pang reklamo." yumuko ako para kumain uli, pero sinilip ko siya. Lumunok muna siya bago sinimulang kainin ung Shabu-Shabu. Noong una, hindi yata niya mawari ung lasa pero maya-maya, pabilis na ng pabilis ung pagkain niya. Haha. Kitams? Kakain din naman pala, dami pang reklamo kanina. -_________-

Tinapos ko na agad ang pagkain ng Shabu-Shabu, tapos pinanuod ko na lang siya hahaha.

Pagkatapos niyang kumain..

"Saan naman tayo pupunta?" sabi niya.

"Sa NBS. Ililibre mo 'ko ng Otakuzine," kumikinang pa ung mga mata ko habang sinasabi yan huh. 

"Otakuzine? What's that?"

"Eh, basta, basta. Halika naaaa." Hinila ko na uli siya.

NBS..

"Ahh, so ito pala ung Otakuzine. Tch. Parang ung pinapanood mo lang kanina. Magkakamukha na naman sila. Wala talagang ipinagbago ung mukha, oh." tinuturo niya ung nasa cover na si Izaya.

"Hoy, hello, excuse me. For your information, magkaibang anime sila kaya di sila magkamukha. Saka kung magkamukha man sila, wag ka na umangal. Binabasag mo pa trip nila. Tch." sabi ko sabay kuha sa kanya nung O-zine.

I'm In Love with my Bestfriend &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon