Chapter 10

25 0 0
  • Dedicated kay Sandyclaire Dupio
                                    

CHAPTER 10

Tawa nang tawa sina Ate Jha at Kuya Mikee habang pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan. Nakaupo kami ngayon sa salas. Si Blake, nakikitawa din. Si Al naman, namumula din doon sa tabi ko.

Siniko ako ni Al.

''Ikaw kasi, Chris,'' paninisi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Aba't ako pa sinisi nito?

''Aba at bakit ako? Ikaw nanghihila dyan tapos ako sisisihin mo? Bwisit 'to,'' pabulong na sita ko. Nagbubulungan lang kami kasi baka masira ang moment nina Ate Jha.

''Eh paano naman kasi, manghahampas ka ng unan. Paano ba namang hindi kita pipigilan?'' - Al

''ABA! Eh nagtutulog-tulugan ka! Saka, ganoon na ba ang pagpigil ngayon? Hilahan? -___-'' - ako

Napatahimik lang kaming dalawa dahil napansin namin na tahimik din sina Ate Jha. Mataman lang silang nakamasid sa amin.

Tapos biglang parang may naalala si Kuya Mikee.

''Oo nga pala, nakalimutan kong itanong, bakit nga pala magkakilala na kayo, Jha at Chris?'' nice one Kuya Mikee! Naiba ang usapan! Yay!

''Oo nga, ate. Paano nangyari?'' segunda naman ni Al.

''Ahh, ganito kasi yun..'' tapos kinuwento niya yung nangyari sa mall.

''Wow, ang galing naman pala ni Chris..'' sabi ni Kuya Mikee.

''Oo nga. Amazonang-amazona..'' sabi naman ni Al. 

''Diba? Diba? Ang galing noh? Parang superhero...'' sabi naman ni Ate Jha.

-________- ang OA ng mga 'to. No wonder, magkakapatid nga sila.

''Yeah.. that was wonderful, Ate Chris. You're awesome..'' nyee. Isa pa pala 'to si Blake.

Tuwang-tuwa na sana ako na naiba yung usapan, kaso biglang napatingin ulit si Ate Jha sa camera at nagsimula na naman ang tuksuhan.

''Kyaa! Ang cute-cute talaga ni Chris dito! Ang pula pula ng mukha niya oh! Tapos nanlalaki ang mata! Tapos si bunso, laki mata din. Waaaahh~~'' 

''Oo nga. Bagay sila noh?'' sabi naman ni Kuya Mikee.

Namula na naman ako. Pagtingin ko kay Al, namumula din siya. Aish! Kasalanan mo 'to, Alvin! TT^TT

''Yes, they're things.'' biglang sabi ni Blake. Napatingin tuloy lahat sa kanya.

''Things?'' sabay-sabay naming tanong.

''Yeah. You said 'bagay', right?'' nakakunot ang noo ng batang si Blake. Waaa~ cute!

>LATER...<

''Mom and Dad are here! Paki-prepare na ng dinner,'' biglang sabi ni Ate Jha pagkagaling niya sa labas. Bigla akong kinabahan. Makikilala ko ang parents ni Al! >////<

''Ate Chris, are you okay?'' hinawakan ni Blake ang kamay ko.

''A-ah, yeah, baby. Why?''

''Eh kasi po, ang pula ng mukha ninyo ehh. May sakit po ba ikaw?'' tanong niya, in TAGALOG! So KAWAII!    

''Ah, wala, Blake.. Hehe. Don't worry about me, 'kay?'' nakangiting sagot ko. Thanks, Blake. Nabawasan ng konti ang kaba ko.

''Are you Christine?'' nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Unti-unti akong lumingon and FUUUDGE!

Ang ganda ng babae sa harap ko ngayon.

''Ah... hehe.. yup..'' naiilang kong sagot.

''Really? So you are the one that my son's been talking about. Nice to meet you, I'm Alvin's mom,'' inilahad niya ang kamay niya.

I'm In Love with my Bestfriend &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon